8

1K 31 0
                                    

Ito ang gabi na pinakahihintay ng mga taga Cenred Kingdom.

Kita ang saya sa bawat mukha ng mga panauhin sa kanilang magagarbong kasuotan. Sa mga kumikinang na mga palamuti sa katawan at sa mga ngiting nakaplaster sa mga labi nila.

Halos napuno ng panauhin ang malaking bulwagan ng kastilyo. Pati na rin ang malawak na hardin.

Samantala, si Ava ay tahimik lang sa gilid. Pinili niyang umupo sa pwesto kung saan hindi siya mapapansin ng mga bisita.
Halata ang disgusto niya sa okasyong ito.
Kating-kati kasi siya sa bestidang pinasuot sa kanya ni Lance at sa kanyang make up courtesy of manang Helen.

Hindi rin niya mahagilap ang lalaki, kaya tuloy feeling niya outcast na naman siya.

May dumaang waiter sa harap niya na may dalang wine kaya kumuha siya ng dalawa. Natigilan tuloy ang waiter sa inasta niya pero binalewala niya lang ito at nginitian ang waiter kahit halatang peke.

Sa ganitong okasyon kasi dahil lahat ng taga Cenred dadalo kinailangan ng mga namumuno rito ang umarkila ng serbisyo ng catering sa mga karatigbayan. Kunbaga sa mga katulad nilang naninilbihan, day off ngayon.

Hindi niya na nabilang kung ilang wine na ang naubos niya. Maliban kasi sa nababagot na siya masyado, masarap din kasi ang wine nila.
Medyo umikot na tuloy ang paningin niya pero keri pa naman.

Grabe naman kasi mapapanis ang laway niya dito. Bad idea talagang dumalo sa ganitong okasyon.
Naiinggit siya sa ibang kasama ang mga kaibigan na nagtatawanan. Lalo tuloy niyang na miss ang mga kaibigan.

Napukaw ang atensyon ng lahat ng inanunsyo ang presensya ng kanilang Alpha.
Nakita niyang pumanhik sa mini stage si Zion, standing high ang mighty bitbit ang mikropono.

"Welcome and enjoy!"

Maiksi ngunit nakakapagpalakas ng tibok ng kanyang puso.
May sakit na siguro siya sa puso.
Nagsipagpalakpakan naman ang mga bisita.

Pumailanlang ang tugtog sa paligid. Nagsisayawan naman ang mga bisita.
Hindi niya akalaing marunong din pala mag disco ang mga taong lobo.
Kung nandito lang ang mga kaibigan niya paniguradong mag eenjoy ito.

Lumalim na ang gabi at kita na ang pag itim ng buwan hudyat na nagsimula na ang eclipse.  At nakaharap silang lahat sa buwan. Ewan ko ba at bakit wala akong naramdamang takot sa mga sandaling ito.
Walang tigil ang alulong mula sa malayo nila hanggang  sa nagbalik na sa dati ang kulay ng buwan hudyat na tapos na ang eclipse.

Pinagpatuloy na rin ang naudlot na disco kanina.
Naramdaman ko na ang epekto ng alak sa sistema ko.
Akmang tatayo na sana ako para sumali sa sayawan pero nabuwal lang ako buti na lang may umalalay sa beywang ko. Tiningnan ko kung sino at napangisi na lang ako ng makita ko si Lance. Ang gwapo talaga ng lalaking to.

"Bakitch ngayon sha lang ha? Kashnina pa ako hinchay ng hinchay sayo, hik".

Hindi ko na nabigkas ng maigi. Ganito siguro ang lasing no? Kahit gustuhin nating magsalita ng maayos di natin magawa.
Buong bunay ko ngayon lang ako napatindi ng inum.
Iba kasi ang trip namin ng mga kaibigan ko noon imbes na alak ang tagayin namin, coke ang pinagdiskitahan namin dahil daw di aksaya sa pera. Kung alak kasi sayang lang iihi lang namin yun eventually.

"Hey, easy. Naparami ata ang inom mo. Tsk".

Pinagsabihan pa ako ng mokong na to eh kasalanan niya naman kung bakit.



"Lika, Lanch shayaw tayo, hik".

Gusto kong makisali sa mga nagsasayawan. Ang gaan kasi ng pakiramdam ko. Para akong lumulutang at umiikot pa ang paligid.


ALPHA of CENREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon