18

921 30 1
                                    

LANCE

We search the whole place pero hindi namin mahagilap si Ava. Nagpasya nalang akong pauwiin muna ang mga kasama naming pack warriors. Hindi kasi maaasahan ngayon si Zion dahil wala ito sa sarili. First things first, i know he really cares for her. Though i blame him for what happen but i know he feels guilty right now.



"Z. C'mon umuwi muna tayo.  Bukas na natin itutuloy ang paghahanap sa kanya".
I tapped his shoulder pero nakayuko lang siya at di kumilos. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.


"Z.-


"This is all my fault. I should have known.... i should have. Damn it!"
This is my first time seeing him in this state. The mighty and ruthless alpha of Cenred.


"Yeah. It is, but blaming yourself doens't brings her in so if i were you. You will listen to me right now. Let's go home and rest. Tomorrow will continue to search for her."
Buti naman at nakinig dahil kung hindi masusuntok ko na talaga siya.

Mahabang katahimikan ang namayani ng pauwi na kami pero bigla lang siya magsalita sa likod ko. Nakasunod kasi siya sakin.



"I hate her."
Panimula niya. Naikuyom ko tuloy ang kamao ko dahil sa bamangon na naman ang inis ko sa kanya.



"I hate to see her smiling to anyone even its so obvious that they dont like her. I hate seeing her everyday because.... because  i dont know what to do with this stupid heart anymore. I hate her because she make me fall for her. She bewitched me. I hate her because its hard to admit that i love her".

Pagkasabi nun ay napatingin ako sa kanya.
Isang malungkot na ngiti ang nakaukit sa kanyang labi.
His eyes full of emotions.

I felt a little pain when he said that words.


"Why did you say this now?".
I asked him.
He smiled lazily and said.



"Because i'm stupid. Yeah.. yeah i am".



He walk straight to his room and shut the door.

All my life ngayon ko lang nakita si Zion na ganito. Bata pa lang kami pero hindi ko na siya nakitaan ng kahinaan unless involve yung mga mahal niya. Including Tito Zozimo, his father.
Nung nawala ito dun ko nakita kung gaano ka tatag ang pinsan ko. Ni minsan hindi ko siya nakitang umiyak sa burol kahit na sa libing ng kanyang ama. At kahit noon kay Jane hindi ko siya nakitang nagkaganito.
Pero iba ngayon. Dahil kay Ava nagkaganito siya.
Nakita ko siyang umiyak. Kahit pinigilan pa niya ito sa harap ko pero alam ko.
I swear tutulong ako sa paghahanap kay Ava para maibalik siya dito kahit sino pa ang kumuha sa kanya. Kahit alam kong masasaktan ako sa huli.


And yes.. i admit i like her but Zion deserves her more.













************************



Nakatulog ulit ako kanina dahil medyo masama pa rin ang pakiramdam ko pero ngayong pagising ko medyo ok na.
Bumangon na ako dahil nakaramdam ako ng gutom.
Hindi pa pala ako nakakain kaninang umaga.
Grabe naman ni hindi nila naisipang pakainin ako.

Bigla akong nakarinig ng mga kaluskos kaya naalerto ako lalo na at papunta sa kinaroroonan ko ngayon ang mga yabag.
Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang lalaking nakausap ko kaninang umaga. May dala itong tray na puno ng pagkain. Amoy pa lang nakakatakam na.
Mas nagutom tuloy ako.

"Here. Eat. I know you're starving".

Inilapag nito ang tray sa mesa na malapit na kama.

May kabaitan din naman pala ang lalaking ito suplado nga lang ang hitsura. Pero naisip ko yung mga kasamahan niya kagabi hindi ko maiwasang di mapangiwi dahil parang mga asong ulol sila eh ang babangis ng itsura, naglalaway pa. Tsk!

"Ayaw mo? Ok--"



"Oy, di ah nagugutom na talaga ako".

Akmang kukunin niya kasi ang mga pagkain pabalik ng hindi pa ako kumilos kaya madali ko siyang inawat saka nilantakan na ang pagkain.
Para tuloy akong patay gutom nito pero bahala na. Eh sa gutom na talaga ako eh.

Ilang minuto lang nasimot ko na ang lahat ng dinala niya.
Medyo nakakailang nga dahil di ako sure ha pero parang kanina pa siya nakatingin sa akin habang kumakain ako eh.
Psh nakakahiya eh.

"Ahmn.. salamat pala sa pagkain ha".



Wala itong imik na niligpit ang pinagkainan ko saka lumabas ng silid.

Gwapo sana. Mukha lang kontrabida. Di palangiti katulad lang ni Zion.

Di ba dapat galit ako dahil sa ginawa niya sa akin? Pero bakit parang tinraydor ako ng sarili kong isip at puso? Hayyy. Kailan kaya ako makalabas sa silid na to?

Nag alala na ako kay lola baka inataki na yun sa pag alala niya sa akin. Wag naman sana.

Nang dahil sa ginawa ko binigyan ko tuloy ng alalahanin si lola. Kasalanan ko talaga to eh.















ALPHA of CENREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon