"Apo, saan ka na naman ba galing? Kanina pa kita hinahanap ah".
Litanya ng kanyang lola ni Ava ng makita siya nito.
Nagsinungaling na naman siya. Alangan naman sabihin niya rito ang totoo. Tiyak aatakihin ito sa puso.
Alam ni Ava na alam ng kanyang lola ang totoong pagkatao ng mga tao rito pero hindi niya na ito inusisa. Mag aantay na lang siya sa tamang panahon na ito na ang kusang magsabi sa kanya."Nagpapahangin lang po lola".
Ikinawit niya ang kamay sa braso nito. Ito ng nakasanayan niya na pati sa kanyang mga kaibigan dun sa dating pinspasukan.
Nakahinga naman siya ng maluwag ng hindi na ito nag usisa pa hanggang nasa higaan na siya ay di pa rin nawala sa kanyang isip si Zion. Kahit wala itong emosyong pinapakita nagpasalamat pa rim siya dahil iniligtas siya nito kanina.
Lumipas ang ilang araw, byernes na ngayon. Abala sila sa paghahanda sa kastilyo para bukas.
May gaganapin kasing salu-salo sa kastilyo at imbitado lahat ng mamamayan sa Cenred Kingdom. Hindi lang yan, tuwing eclipse din mangyayari ang kasiyahan dahil importante daw para sa kanila ang eclipse.
Hindi ko nga ma gets kung bakit."Ava, may susuotin ka na bukas?"
Naeexcite na tanong sa kanya ni Aling Helen.
Isa din itong katiwala ng kastilyo na naka assign sa paglilinis."Ah, hindi po ako dadalo eh".
Wala naman talaga siyang planong umattend sa kasiyahan.
"Oy dapat umattend ka, sayang kasi pupunta lahat dito ang mga mag aaral ng Academy".
Sus, yun lang pala eh wala nga akong naging kakilala dun eh maliban lang kay Lance at saka yung supladong Zion.
"Basta, aatend ka. Ako ang mag me-make up sayo bukas. Kakausapin ko si Hunnith mamaya".
Ganun? Aist, bahala na nga.
Sa wakas natapos na rin ang paghahanda namin. Naging maluwang na bulwagan ang mismong sala ng kastilyo.
Bukas na lang ang aantayin namin.Nagsialisan na ang mga kasamahan ko. Ako na lang natira dahil inaayos ko pa ang mga gamit namin para iligpit ng dumating si Lance.
Nakangiti na naman ito at litaw talaga ang dimples."Hey Ava, kamusta?"
Magiliw nitong tanong sakin. Kitang masaya ito ngayong araw.
"Oh, na starstruck ka na naman sakin".
Dugtong nito ng hindi ako nakapagsalita.
Overconfidence talaga ang loko."E di wow, ikaw na...".
Hindi ko alam kung magsaya o mabwesit sa kanya.
Iba kasi si Lance, siya lang ang may ganang kumausap sakin sa lahat ng estudyante sa Academy.
Ipagpapasalamat ko na ba yun?"Tsk.. hmmn. I have something to show you".
Aangal pa sana ako pero hinigit niya na ang kamay ko at pumanhik sa itaas.
"Teka lang Lance, bawal kasi kami-"
"Tsk. You're with me, nothing to worry".
Putol niya sa kin.
Nagpatianod na lang ako. Naramdaman ko namang wala siyang masamang gagawin sakin. Pero kung meron man, kahit lobo pa siya hindi ko siya aatrasan.May limang pinto kaming nadaraanan. Huminto kami sa isa dito sa kaliwang bahagi. Pinakadulong silid na meron din namang katapat na silid sa kanan.
Binuksan ni Lance ang pinto. Tumambad sa paningin ko ang napakalaking silid. Itim at purple ang kulay ng pintura. May maraming libro ang nakadisplay sa gilid. Mapagkamalan talaga itong library kung di lang may isang malaking kama sa gilid ng bintana. Purple rin ang kulay ng bedsheet. Ang cool lang.
"Nagustuhan mo ba ang kwarto ko?"
Hindi ko alam kung nanunuya ang tanong nito.
"Gusto mo dito ka na matulog?"Dugtong nito na nakangisi sakin ng makahulugan.
"Bastos ka talaga Lance. Aalis na ako".
"Oy ikaw naman.. joke lang yun."
Natatawang saad nito na may hinahanap sa kanyang malaking aparador.
Inilibot ko na lang ang tingin sa loob ng silid niya. Namangha pa rin ako sa dami ng libro.
I love books. I love their scent lalong lalo na pagluma.
Hmmn.. makahiram nga minsan.. hehe"There you are".
Narinig kong sabi ni Lance. Nagtaka ako kung sino kausap niya kaya tumingin ako sa kanya.
Napamulagat ako ng makita ko siyang hawak ang isang magandang bestida.
Oh no, bakla si Lance!???"Ava, wag mo akong tingnan ng ganyan. Hindi ako bakla".
Oh my, masyado ba akong obvious??
"Ah hehe... sorry. Kanino ba kasi yang bestida? Bakit may ganyan ka dito?"
Medyo naguluhan kasi ako eh.
"Slow mo talaga. Para sayo to suotin mo bukas".
Napailing pa ito habang iwinasiwas ang damit.
"Ayoko nga. Hindi naman ako mag eenjoy. Matutulog na lang ako".
Tanggi ko.
"Whether you like it or you like it. You will take this".
Ganun? Walang choice?
Feeling ko kahit tatanggi pa ako ipagpipilitan pa rin niya ito sakin.
Humakbang siya palapit sakin at kinuha ang kamay ko para ilagay dun ang bestida na sinilid niya sa isang paper bag bago niya ako tinulak palabas ng kanyang silid.Saktong paglabas ko bumukas ang pinto sa tapat ng kanyang silid at nagulat ako ng nakita si Zion na papalabas na sana ngunit nahinto siya saglit ng makita ako.
Mataman siyang nakatitig sakin. Hindi ako mapalagay sa kanyang nakakapasong titig na parang hinuhusgahan ang pagkatao ko.
Sabagay sino bang hindi pag nalamang galing ka sa silid ng isang lalaki gayong isa kang babae di ba?
Bahala siya basta ako, malinis ang konsensya ko.Nagmamadali ko na lang nilisan ang lugar na yun.
Ramdam ko pa kasi ang matatalim na tingin ni Zion.
Isang parte ng isip ko ang gustong magpaliwanag kay Zion pero bakit ko naman gagawin yun???
BINABASA MO ANG
ALPHA of CENRED
WerewolfHE IS RUTHLESS BUT I AM CURIOUS WITH HIM. HE IS SNOB BUT I LIKE HIM. HE DESPISE ME BUT I LOVE HIM. HE IS AN ALPHA AND I AM NOTHING.