Nag iba bigla ang ihip ng hangin.
Masyadong maalinsagan ang paligid at di ito pangkaraniwan sapagkat palaging maginaw sa lugar ng Cenred.
May puting usok na nakakasulasok at sa unang tingin pa lang ay akalain mong simpleng ulap lang pero hindi alam ng mga kaaway ito ang tinatawag na Death Cloud, gawa ng dark magic.
Isa-isang natumba ang mga kaaway at muling nagbalik sa kanilang tunay na anyong tao.
Unti-unti silang nanghina hanggang sa mawalan ng malay."A-anong na-nang ya-ri?"
Nalilitong tanong ng isang traydor na opisyales ng konseho habang naghahabol ito ng kanyang hininga."Hi- hindi ko r-rin a-lam".
Sagot dito ng isa ring kasamahan nito na agad nawalan ng malay.Puno ng hiyawan at daing ang paligid galing sa mga kaaway.
Nauna ng nawalan ng malay si Helen gustuhin man nitong puntahan ang anak.
Samantalang si John pilit pa ring bumangon kahit nanghihina na.
Halos lahat ng kaaway nawalan na ng malay.
Kaya iyon na ang hudyat upang lumabas na ng kastilyo sina Zion.
Iyon ang piniling taktika ni Kaizen upang walang dugo na dumanak sa paligid at ilang inosenteng na brainwash ng sakim na si John.
Marami kasi ang mga inosenteng hinikayat nina John na magrebelde sa Cenred. They fed enough lies to them dahilan para maging rogues ang mga ito.
Ayaw ni Kaizen ng marahas na digmaan.
He still cares eventually."Nice meeting you here John".
Nang uuyam na saad ni Zion. Galit at poot ang naramdaman niya sa lalaki.
Ito kasi ang lider ng mga rogues na pumatay sa kanyang ama noon.Kahit nahihirapan nginisihan pa rin sila ni John kaya naman mas lalong nagalit si Zion dito. Gusto na niyang tapusin ang lalaki.
Hindi na ito makapagsalita sa panghihina."Calm down cousin, why not torture him to death? Sounds cool right?"
Nakangising saad ni Kaizen.
Oh well Kaizen loves torturing. It will satisfy his rage.
Ayaw sana ni Zion dahil gusto niyang mamatay na ito ngayon din but he leave it to Kaizen.
Dahil sa pagkayamot nais ng umalis ni Zion sa lugar dahil sa pagnanasa niyang mapatay si John.
Pero natigil siya sa akmang paglakad ng may biglang nagsalita."Papa!!! Ikaw nga! Pa, kay tagal kitang hinintay bakit di ka na bumalik?! Te-teka anong nangyari sa iyo? Ba't ka nanghihina?! Lance? Kaizen. Tulungan niyo si papa please lang. Marcus tulongan mo ako?!!"
Nalilito si Ava sa nangyari sa paligid. May mga nagkalat na walang mga malay at nakita rin niya si Aling Helen na wala ring malay sa gilid."A-ano bang nangyari dito Lance?"
Kay Lance lang kasi komportable si Ava na magtanong tungkol sa mga nangyari.
Ayaw niya munang pansinin si Zion na walang emosyon na nakamasid lang sa kanya. Masakit pa rin ang puso niya dahil sa mga nangyari kanina. Quota na siya ngayong araw.Hindi naman sumagot si Lance. Sobrang tahimik ang paligid ni huni ng mga kuliglig wala kang marinig.
"Ano ba, ano pang hinihintay niyo. Tulungan niyo ako, parang awa niyo na".
Pilit itinayo ni Ava ang kanyang ama kahit nahihirapan siya. Tinulungan naman siya ni Marcus na nag atubili pa sana dahil sa pagkabigla sa mga pangyayari.Nasaktan naman si Ava sa reaksyon ng mga nandoon. Mukhang wala talagang balak na tumulong ang mga ito.
May hinanakit rin siya kay Lance dahil ito ang tinuring niyang bestfriend pero parang may nag iba na simula ngayon."So he's your father?"
Tanong ni Zion na bumasag sa katahimikan.
Naramdaman ni Ava ang galit dito.
Hindi niya maintindihan kung bakit parang big deal sa mga ito na malaman na papa niya ang lalaki.
Tumango na lang siya bilang sagot.
Parang may mali dito kasi galit at pagkamuhi ang nakita ni Ava sa mga mata ni Zion.
While Kaizen and Lance just watching them with also no emotions written in their faces.
Si Marcus naman pilit ang ngiti sa mga labi.Dahil sa gustong matulungan ni Ava ang ama, gusto niyang dalhin ito sa loob ng kastilyo upang makahingi ng tulong kay Sir Gaius. Isa kasi itong eksperto sa panggagamot.
BINABASA MO ANG
ALPHA of CENRED
WerewolfHE IS RUTHLESS BUT I AM CURIOUS WITH HIM. HE IS SNOB BUT I LIKE HIM. HE DESPISE ME BUT I LOVE HIM. HE IS AN ALPHA AND I AM NOTHING.