19

919 26 2
                                    

Sa kastilyo tinipon ni Zion lahat ng kawal upang hanapin si Ava.
Mariin ang ginawang pagpupulong nila. Bawat hakbang ay dapat kalkulado.
Nakasalalay dito ang kaligtasan ng babae.

Hinati sa apat na pangkat ang grupo para italaga sa magkahiwalay na direksyon kabilang ang gamma na si Arthur sa hilaga, si Lance sa Timog, sa kanluran naman si Zion at sa silangan ang beta na si Percy.


Nauna ng umalis ang tatlong pagkat at naiwan muna ang pangkat ni Zion dahil may binilin pa ito sa mga naiwang kawal para bantayan ang kastilyo.
Panatag din ang kanyang loob dahil hindi basta -basta ang maiwan sa kastilyo.

Nakita niyang pababa ng hagdanan ang kanyang ina kaya yumukod siya bilang paggalang kagaya ng mga tauhan nila.
Hindi man niya sabihin alam niyang naiintindihan nito ang kanyang naramdaman.

"Mag- ingat ka anak".

Nilapitan siya nito at agad naman siyang tumango.

Wala na siyang sinayang na oras umalis na sila ng kastilyo.
Dala ang pag asa na mahanap niya ang babae.








********************



"My lord, ayon sa natanggap naming balita hinahanap na nila ang bihag natin."

Si Ava ang pinag uusapan nila. Ngumisi lang ang kanilang pinuno.

"Really? Then let the game begin".

He knows that the Alpha of Cenred is very dangerous. He sense something. What bothers him is the thought why the Alpha had a search party to a mere human girl? Hmmn... it sounds familiar  but unlike the girl, Jane is a wolf.


"Bring her to me".
He commanded. Nasa dining area siya kasalukuyang kumakain. He needs to know something.

Ilang saglit lang dumating ang kanyang tauhan kasama ang babae.
Nakasimangot ito ng makita siya.
Kung titingnang mabuti alam niyang may kakaibang taglay na ganda ang babae. She looks innocent but tainted?


"Leave us".

Dali-dali namang lumabas ng silid ang mga tagabantay niyang tauhan.
Nang sila na lang dalawa.....

"Tell me your name?"

usisa niya sa babae.
Tiningnan naman siya nito na mukhang walang balak sagutin ang kanyang tanong.
Ang pinakaayaw pa naman niya sa lahat ay ang hindi siya sinusunod.
Kaya hinampas niya ang mesa dahilang para mabasag ang ilang kopitang naroon dahil sa impact.

Dahil sa nangyari napapikit na lang si Ava sa takot.
Naramdaman niyang may matulis na kukong bumaon sa braso niya.
Kaya napadilat siya sa sakit.


"Aray.. masakit. Please wag mo akong saktan".
Pagsusumamo niya.

"Ayaw mo pala so answer my question!"
Pabulyaw na sigaw ng lalaking kaharap niya.

"Ava po".

Nahintakutang sagot niya.
Naiyak na siya sa takot.

"Will you stop crying?!"

Biglang nagbago ang ekspresyon ng lalaki naging malambot ito kumpara kanina na parang lalamunin siya ng buhay.

"So-sorry".

Hindi niya na tinapunan ng tingin ang lalaki.
Instead tinuon niya ang tingin sa mga daliri at nilaro-laro ito.
Sa totoo lang kasi naiiyak na siya dahil hindi na niya matiis ang amoy ng kinakain nito. Parang babaliktad na ang sikmura niya..

Sa kabila naman tiningnan ni Markus ang reaskyon ng babaeng nagngangalang Ava. Pakiramdam niya may bumagabag sa babae.
Hanggang sa bigla itong tumayo na tutop ang bibig parang naduduwal.

ALPHA of CENREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon