26

898 34 5
                                    

Dedicated to zianianics thank you!!!😘😘😘



MARCUS




I informed my men to be ready anytime from now.
Pinakiramdaman ko ang paligid. Sobrang tahimik ni huni ng kuliglig wala akong marinig. This means nandito na sila, naghihintay lang ng utos ng kanilang Alpha para lusubin kami.
Tsk.

And then after short silence i heard footsteps outside. Naglikha ng ingay ang mga patay na dahong naapakan nito hanggang sa parami ng parami. Wala na akong oras na sinayang. Lumabas ako ng mansyon mag isa as planned.

"What brings you here, old friend?"
Bati ko kay Zion ng makita ko itong nakatayo sa harapan ng mansyon nasa likod niya ang mga tauhan at si Percival na nasa kanyang gilid.

"Ibigay mo sa akin ngayun din ang babae."
Seryoso nitong wika habang ang mga kamay nito nasa kanyang bulsa. Kalmado ito pero mukhang nababagot na.
Tsk. As always short tempered Alpha.

"Babae? Mukhang nasa mali kang lugar. Puro mga lalaki ang tauhan ko".

Pagkaila ko. Sinalubong niya ng ako ng galit na tingin.

"Wag mo akong subukan Marcus kung ayaw mong magkagulo tayo. Ibigay mo na siya sa akin!"

May diin nitong ulit sa sinasabi nito kanina.
No. I can't give her to him!!

"Aist wala ka palang kwentang kausap eh sinabi ko sayong wala."

Lalong dumilim ang awra niya. Tinabig niya ako saka nagtuloy-tuloy siya sa loob ng mansyon. Kikilos na sana ang mga tauhan ko dahil sa kalapastangan niya pero sinenyasan ko silang pabayaan itong halughugin ang bawat kwarto at sulok nitong mansyon dahil hindi naman niya mahanap si Ava.

"Ava! I know you're here! Let's go home please?!"
Sigaw ni Zion pero agad niya akong nilapitan saka hinawakan ang leeg ko. Naalerto naman ang mga tauhan ko. Yung may nagtangkang lumapit sa amin tinabig niya lang saka ito tumilapon sa dingding saka nasapol ang lumang salamin dun kaya ito nabasag. Naglikha naman ito ng kumusyon.
Napakalakas ni Zion lalo na pag galit ito.
Si Percy naman agad itong nilapitan para pakalmahin pero gaya ng nauna tumilapon lang din ito.
He's now choking me to death.
Malakas ako. Kaya ko namang labanan ang lakas ni Zion pero hindi kasing lakas niya ngayon. Perks of being ang Alpha.

If i die today then let it be.

"Oh my god! Marcus-"

What the hell!!






************************


AVA

Kanina pa kami dito ni Lance sa dunggeon. Pilit kong pinakiramdaman kung ano ng nangyari sa labas kahit na medyo sumasakit  ang tiyan ko. Hindi ko maintindihan parang humihilab yung tiyan ko.
Hanggang sa makarinig kami ng nababasag sa labas at kumusyon.

"Ava, what's wrong?"

Nag alalang tanong ni Lance ng mapansin niya ang pagngiwi ko sa sakit. Pinagpawisan ako kahit malamig dito sa kinaroonan namin.
Hindi ko alam basta yung paghilab sa tiyan ko sunud-sunod na.

"Lance, m-masakit yung tiyan ko".

Pag amin ko sa kanya. Mukhang nabigla naman siya at nag panic. Hinilamos niya ang palad sa mukha niya. Mas lalo akong pinanlamigan ng may umagos na tubig sa binti ko.

"L-lance!?"

Para siyang nakakita ng horror nung tumingin siya sa gawi ng binti ko at makitang may dugo na umagos dun.

ALPHA of CENREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon