21

897 27 0
                                    

Sinundan ko lang siya hanggang sa narating namin ang dalawang palapag na mansyon. Halatang walang nagme mentain dito dahil bakbak na ang lumang puting pintura nito saka malalago ang mga damo at mga nagkalat na tuyong dahon sa paligid ng mansyon kaya nagmumukha tuloy itong haunted house.


Nauna siyang pumasok sa loob ng walang kibo. Samantalang nakasunod naman ako.
Nagkalat naman ang mga tauhan niya sa loob ng mansyon.
Sinundan ko lang siya hanggang sa ikalawang palapag hanggang sa nasa bungad na kami ng isang pintuan.
Nang binuksan niya ito nagulat ako sa nakita.



"Ava! What the--- anong nangyari sayo?!"

Napatda ako ng makita ko si Ava na nakaupo sa kama pero bakit ganito?, sobrang payat niya at nangingitim ang gilid ng kanyang mga mata.
Pero ang lubos kong ikinabigla ng makita ko ang kanyang malaking tiyan.
Paanong naging ganito?!

Mabilis ko siyang nilapitan.
Mukhang alam na niyang pupunta ako dito ngayon base sa kanyang reaksyon.

"La-lance. A-andito ka na?"

Nahirapan pa siyang magsalita.
At ginagap ang pisngi ko.

"N-na m-miss k-kita".
Ngumiti naman siya pero halatang pagod siya at nahihirapan.

"Av, anong nangyari? Bakit ka nagkaganito?"




Nakatuon kay Markus ang paningin ko.

"Chill ! Wala akong kinalaman diyan. Blame your cousin not me".

Naka smirk na turan ni Markus.
Nakamasid lang siya sa amin habang nakasandal sa hamba ng pinto.

Hindi ko maintindihan. Paanong?
Pinisil niya ang kamay ko at pilit na ngumiti sakin.


"Sorry pinilit kung huwag munang umuwi dun dahil sa kalagayan ko".


"Please tell me, may kinalaman ba si Zion diyan? Is he the father?"
Bakas ang determinasyon sa mukha ni Lance ng tinuro nito ang may kalakihan niyang tiyan.
Isang tango lang kinumpirma na ni Ava.




"Sorry".
Umiyak na naman si Ava habang nakatitig kay Lance.



"There's nothing to be sorry for. Whatever happens andito pa rin ako, ok?".


Pinahid ko ang mga luha niya. She doesn't deserve this. I'm so pissed right now.
Mapapatay ko talaga si Zion sa ginawa niya kahit pinsan ko pa siya.

"Hush, Av. Everythings gonna be ok."

And then i kissed her forehead.
Ilang sandali lang nakatulog na siya.
Kaya umalis muna ako sa kwarto at hinarap si Markus.



..

****************




Nadatnan ko siyang umiinom.


"What happen?".

My voice cracked. Halos hindi ko mabanggit ang tamang salita.
Tumingin siya sakin at tinungga ang alak sa hawak nitong baso.

"I saw her in the woods  two months ago and bring her here. She's  stupid  you know.
Kundi ba naman nasa itaas siya ng puno ng mahimatay buti na lang nasalo ko kundi... "

Hindi na niya dinugtungan ang sinabi bagkos napa 'tsk' na lang ito at umiiling pa.



"Thank you."

Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil sa pagsagip nito kay Ava.
Though  there's a tension  between us especially  to Zion. Dahil sa pangyayari nung nakaraan.

He just smirk and hand me a bottle of strong  JD na tinanggap ko naman. Deretso ko itong tinungga, ramdam ko ang pait nito sa aking lalamunan but surprisingly it gives me comfort.
This is all i want after many stressful days.

"So what's  the plan?"  Markus  broke the silence.

"I'll bring her home but not this time".
Tinaasan niya ako ng kilay sa narinig.
Wari naguguluhan. I can't  blame him  but i have reasons.

"Why? As i know  you've  been looking for her in months. Why not bring her home?"

Sabi nito. Curiosity is very evident the way he looks at me.
So i need to tell him. Afterall malaki ang utang na loob ko sa kanya.

"Narinig kong may kausap si Auntie nung isang araw sa library. Base na narinig ko babalik na si Jane".

I saw Markus stiffened  by hearing Jane's name. Well, they have past.

"And it's not good in her state. In less than a month she will give birth.  I don't  want any complications ".

Jane and Zion are not mates but they do love each other.
Markus on the other hand fell in love with Jane at doon nag simula ang conflict  sa pagitan nila ni Zion. Something  happen between Markus and Jane kaya galit na galit  si Zion sa kanya at nung panahong yun si Zion na ang Alpha kaya umalis si Markus sa Cenred Kingdon.

"Ok, i'll let that girl stay here".

Medyo maluwag at panatag na ang loob ko. Alam ko kasing kayang protektahan ni Markus si Ava. I know him eversince we are kids. Ulila na si Markus dahil namatay ang magulang nito ng bata pa lang kami. Anak siya ng Beta noon ni tito. Kaya nung nasawi ang magulang nito napunta siya sa pangangalaga nila auntie. Kaya sabay kaming tatlo na lumaki. Hanggang sa nangyari nga ang kaguluhan noon sa pagitan nila ni Zion. Wala akong kinampihan sa kanila noon dahil hindi ko alam ang tunay na pangyayari but i know Markus is innocent. Alam kong hindi niya kayang magtraydor kay Zion.
Jane, maybe. She's  a bitch though.

"Thanks man."

I glance at Ava one more  time. She is peacefully  sleeping kahit na bakas ang matinding pinagdaanan sa ayos niya.
Maganda pa rin as usual kahit humpak ang pisngi at putla ng balat niya.

Ang sakit pagmasdan ng mahal mo na nagdurusa.
Kung pwedeng ako na lang wag lang siya.
Hindi kasi normal yung pagbubuntis niya dahil tao siya at hybrid yung dinadala niya.

This is Zion's fault. Bumagon na naman ang inis sa dibdib ko. Tsk.







Nagpaalam na ako kay Markus pero bukas babalik ako upang dalawin si Ava at para madalhan ko siya ng mga kinakailangan niya sa panganganak.














************************

*Third person*

Madaling araw na ng makauwi si Zion sa Cenred.
Buti na lang walang naghinala kung saan siya galing.
Papasok na sana siya ng kwarto ng madatnan niya si Zion na prenteng nakatayo sa pinto  ng kanyang silid, nakapamulsa ito at walang ekspresyon ang mukha.



"Anong oras na? Alam kong hindi ka nag rounds sa border,  so saan ka galing? May hindi ka ba sinasabi sakin?"

Hindi pala salita si Zion kaya nakakapanibago kay Lance ang ugali nito ngayon.


"None of your business".

Balewalang saad ni Lance nagtuloytuloy lang siya hanggang sa binuksan na nito pinto pero maagap itong pinigilan ni Zion kaya biglang nainis si Lance. Naalala kasi nito ang nangyari sa kaibigan na kagagawan ni Zion. Kaya hindi niya napigilan ang galit. Pabalibag nitong tinulak si Zion. Nabigla naman ang huli dahil hindi inaasahan ang ginawa ng pinsan. Si Lance kasi ang tipo na playful, masayahin at mataas ang pasensya sa lahat ng bagay.

"Not this time Zion, I'm  not in the mood".

Nagtuloy lang ito sa loob ng kwarto niya at inilock ang pinto.

Naiwang nakakunot ang noo ni Zion at nahulog sa mahabang pag iisip.









-FROZENMUSHROOM

Yoow! Guys happy new year!!!

×0×0




























ALPHA of CENREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon