17

940 32 0
                                    

Hindi mapakali si Hunith dahil lampas alas otso na ng gabi di pa rin umuuwi ang kanyang apo.
Kinabahan na talaga siya kaya pinuntahan niya si Elyan at inusisa ito.

"Sa Academy siya nagpahatid sakin kanina tinanong ko siya kung kailan ko siya susunduin pero ang sabi niya ihahatid na lang daw siya ng kaklase niya. May group project yata sila".
Wika ni Elyan habang may hawak na tasa ng kape.

"Naku eh nag alala na ako mag aalas otso na pero wala pa rin siya. Nabanggit ba niya pangalan ng kaklase niya sayo?"

"Wala eh pagdating kasi dun nagmamadali na siyang lumabas ng sasakyan".

"Baka naman pauwi na yun Hunnith."
Pag aalo ni Helen sa kanya.
Nakailang baso na siya ng tubig hindi pa rin nawala ang kaba niya para sa apo.

"Naku talaga. Makukurot ko talaga yun pagdating dito".
Wika na lang niya.

Mag aalas otso y media na pero hindi pa rin dumating ang kanyang apo kaya napagpasyahan niyang kakausapin na niya ang headmistress. Pupuntahan niya ito sa silid nito. Bahala na.

Kumatok siya ng ilang beses bago iyon bumukas.



"Anong problema Hunnith alam kung importante ang sadya mo dahil alam kong hindi mo ako pupuntahan ng ganitong oras kung hindi naman".
Pinapasok siya ng headmistress at dumeretso sila sa office nito na karugtong lang ng silid nito.

"Maupo ka Hunnith".
Naupo siya sa harap ng Mesa nito.

"Pasensya na sa abala headmistress pero  kasi ang apo ko hindi pa umuwi mag aalas nuebe na sabi kasi niya may group project daw sa Academy kaya nagpahatid kay Elyan kaninang umaga pero hanggang ngayon di pa umuwi".
Mahabang litanya niya. Nakakunot noo naman ang headmistress sa narinig.



"Wait lang i'll mindlink my son and Lance about this".



Ilang saglit lang sabay na dumating ang dalawa sa opisina ng headmistress.

"Tita, may problema ba?"
Agad na bungad ni Lance pagkadating sa opisina ng headmistress. Nagtaka ito ng makita si Aling Hunnith sa opisina ng tiyahin.


"It's about Ava. Nag alala na kasi si Hunnith dahil hindi pa ito umuuwi mula ng nagphatid ito kay Elyan kaninang umaga sa Academy. May group project daw sila ng kaklase niya. Zion, you know about this dahil magkaklase kayo ni Ava."
Binalingan ng headmistress ang kanyang anak na tila malalim ang iniisip.



"Zion. May alam ka ba sa group project na tinutukoy ni Ava?"
Ulit ng headmistress ng hindi sumagot ang anak. Nakatuon tuloy kay Zion ang atensyon mg tatlong kasama at hinintay ang sagot nito.



Walang ibang ideya ang pumasok sa utak ni Zion kundi ang tungkol sa project nila sa Witchcraft subalit malayo pa naman ang katapusan ng semester na siyang deadline nila sa proyektong yun.
Nang dahil sa naisip nagi guilty siya sa babae. Kung di sana....



"Zion!? Don't you hear me?!"
Nababahalang saad ng headmistress dahil hindi pa rin nagsalita ang anak.

"I am sorry. It's my fault."
Pag aamin niya. Kasalanan niya ang lahat.

"Why? Hindi kita maintindihan".
Alam ng headmistress na may bumabagabag sa kanyang anak.



Si Lance naman naikuyom na lang ang kamao dahil mukhang naiintindihan na niya ang pangyayari. Pilit niyang kinukontrol ang emosyon dahil anumang sandali masasapak niya na si Zion kahit ito pa ang kasalukuyang Alpha nila. Si Zion pala ang tinutukoy ni Ava na ka partner nito sa experiment tungkol na Henbane.


ALPHA of CENREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon