Hindi mapakali si Zion ng dahil sa ibalita ng isa sa mga tauhan niya kanina. Pinasubaybayan niya si Lance sa mga ito dahil may kutob siya na may nalalaman ito tungkol kay Ava.
Nahulog tuloy siya sa malalim na pag iisip.
Para kanino kaya ang ipinamili ni Lance ma mga gamit ng bata??
Buong araw niyang hinihintay ito pero maga gabi na pero hindi pa rin bumabalik ang pinsan. Saan naman ito nagsusuot at sino kaya ang kinatagpo nito?
Mas lalo tuloy siyang na curious sa pinagagawa ni Lance.Nagra rounds sila kanina sa borders pero wala namang kakaiba na nangyayari sa paligid. Ganun pa rin bantay sarado ang lahat ng borders nila para maiwasan ang banta sa loob ng kaharian. May nagpo posting sa ibat-ibang border. Halinhinan kumbaga.
Hindi naman siya gaanong napagod sa maghapon kaya pagkauwi niya umiinom na naman siya ng alak. Ito na ang naging kadalasan niyang ginagawa magmula ng nawala si Ava.
Ito ang naging pampatulog niya dahil hindi siya makatulog sa kakaisip sa dalaga.
Dahil sinisisi niya ang sarili sa pagkawala nito.
Lagi din siyang nagigising tuwing hatinggabi dahil napanaginipan niya ito.
Alak na ang naging sandalan niya.
Minsan nga napabayaan na niya ang tungkulin bilang alpha kaya kinausap na siya ng kanyang ina tungkol dito dahil nababahala na ito.Halos nangalahating bote na ang iniinom niya ng dumating si Lance na mukhang masaya ang awra. Ni hindi siya nito agad napansin pero nung makita siya nito agad napalitan ng pagkainis ang masayang mukha nito.
"Saan ka galing Lance?"
Pero umakto itong hindi siya narinig. Tuloy-tuloy lang itong naglakad na parang wala siya.
Kaya hindi na napigilan ni Zion ang pagkainis sa inakto ng pinsan."Kinakausap kita bilang alpha you should respect me!".
Ayon di na niya napigilan ang pagtaas ng boses kaya napahinto si Lance at pumihit para makaharap siya.
"Bakit hindi ba kita ni respeto? All my life i've respect you but what did you do? Ha?! You disappoint me!".
Natigagal naman si Zion sa sinabi ni Lance.
Naguluhan siya. Ano bang naging kasalanan niya at ganun na lang umakto ang pinsan. Inamin niyang siya ang may kasalanan sa pagkawala ni Ava noon pero hindi naman ganito kalala ang naging reaksyon ni Lance knowing close ito kay Ava pero ngayon parang may mas malalim na dahilan ito.Ano kaya ang ibig sabihin ni Lance.? May dapat talaga siyang malaman kaya kinausap niya ang kanyang beta through mindlink dapat ito na ang magmamanman sa kilos ang kanyang pinsan at pasubaybayan niya kung saan ito laging nagpupunta araw-araw.
*************
Kinabukasan maaagang umalis si Lance para puntahan si Ava. Nangako kasi siyang ipasyal ito sa labas ng mansyon ni Markus para na rin makasagap ito ng sariwang hangin.
Lingid sa kanyang kaalaman may mga matang nagmamatyag sa kanya at tahimik siyang sinusundan.
Hindi niya rin ito napansin dahil likas na matinik ito sa pagmamatyag. Tinagurian itong best tracker ng kaharian dahil sa liksi at galing nito sa larangang ito."Lance!"
Kahit medyo nahirapang maglakad si Ava dahil sa bigat ng tiyan niya ay pinilit niya pa ring maglakad papunta sa kararating lang na si Lance.
"Hey, careful Av. Sobrang excited mo namang makita ako".
Sabay kindat ni Lance sa dalaga.
"Hmp. Ang hangin ah, hehe".
Pagbibiro naman ng dalaga.
Kahit papano naibsan ang pag alala ni Lance sa kaibigan dahil tila nanumbalik na ito sa sigla.
![](https://img.wattpad.com/cover/217705930-288-k552998.jpg)
BINABASA MO ANG
ALPHA of CENRED
LobisomemHE IS RUTHLESS BUT I AM CURIOUS WITH HIM. HE IS SNOB BUT I LIKE HIM. HE DESPISE ME BUT I LOVE HIM. HE IS AN ALPHA AND I AM NOTHING.