25

944 29 1
                                    

Isang linggo ng nanatili sina Jane at alalay nitong si Lyn sa kastilyo. Habang si Zion naman pilit iniwasan ang dalaga. Hindi niya talaga gustong manatili si Jane pero hindi naman niya maaring ipagtabuyan ito dahil malaki ang respeto niya sa ama nito.

Linggo ng umaga maagang gumising si Zion. Sinadya niya talaga dahil may importante siyang gagawin.
Pupuntahan niya si Gaius sa bahay nito. Nabalitaan kasi niya kahapon na dumating na ito galing sa misyon.


Malapit lang sa kastilyo ang bahay nito kaya mabilis lang niya itong narating. Kumatok muna siya bago tumuloy sa loob.
Nadatnan niyang nag aayos ng mga lumang libro ang matanda sa gilid.
Yung bahay kasi niya unang bubungad sayo pagkapasok mo ay tila isa itong library.  Maraming mga libro na maayos na nakalagay sa medyo lumang mga shelf. Bakas ang mga alikabok dito. Mukhang di nagalaw o nagamit yung ibang libro.

"Alpha, what brings you here?"

Tanong agad ng matanda na mukhang di makapaniwala na makita siya dito sa bahay nito.
Ibinaba pa nito ng konti ang suot na salaming de grado na parang kinumpirma kung siya nga ito.


"How's your mission Gaius?"
Pasimpleng panimula ng alpha kahit di ito ang tunay niyang layunin.



"Mission accomplish. May lead na tayo kung sino ang nagtraydor sa ama mo. But we need further investigations dahil may mga taga council na involve".

Salaysay ng matanda ng magkaharap na silang naupo mesa nito.

Tama din ang kutob ng alpha na may kinalaman nga ang ibang taga council.

"Do everything Gaius and leave the rest to me. By the way aside from that, i want you to locate someone for me".




"Who?"
Medyo nagtaka ang matanda, unusual kasi na magpa locate ito dahil meron namang mga trackers.


"Ava Pendragon".

Napakunot ang noo ng matanda ng malaman kung sino ang gustong ipahanap ng Alpha because Ava is his student in the Academy.

"Why? What happened to her?"
Usisa nito.


"She's missing for about two months already".
Malungkot na saad ni Zion. Tanging kay Gaius lang niya ipinakita ang kanyang tunay na saloobin .

"Paanong nangyari yun Alpha?"

"Nagpunta siya ng Cerberu  para kumuha ng Henbane at di na siya nakabalik pa."

Isinalaysay niya sa matanda.
Nagulat naman ang matanda pagkarinig nito. Nang dahil sa binigay niyang assignment nawala ang dalaga.

"What the hell! Paano niya naman nalaman na dun makikita ang Henbane?! This is my fault."

Paninisi ng matanda sa sarili.

"No, it's not your fault. It's mine kung nakipag cooperate lang sana ako sa kanya noon, malamang andito pa sana siya.".

This time sinisi na naman ni Zion ang sarili.
Hinawakan ng matanda ang balikat niya para iparating na tutulungan siyang ma locate ito.
Pero bago yan kailangan muna ng isang damit ng dalaga para gamitin sa orasyon kaya nag mindlink si Zion sa isang katulong para dalhan siya ng isang damit ni Ava.

Nakatingin lamang siya habang isinagawa na ng matanda ang orasyon. Yung tshirt ni Ava nilagay sa lamesa at binuhusan ng kulay itim na likido. Nagkorteng mapa ang itim na likido habang unti-unting nalusaw. May nakita siyang nagmarka sa dulong bahagi ng mapa. Pamilyar kay Zion ang hugis ng mapa pero sa nakita niya hindi na sakop pa ng Cenred ang kinaroonan ngayon ni Ava. Ito ang lugar kung saan nakatayo ang rest house ng mga Nightwoods. Naikuyom ni Zion ang kamao. Ngayon alam na niya kung sino ang may hawak kay Ava.
Nag mindlink siya sa lahat ng mga tauhan nila at humanda na para lusubin ang matagal na niyang traydor na kaibigan.




ALPHA of CENREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon