38

813 26 4
                                    

Ava




Grabe ang kaba ko habang lulan kami ng isang malaki ngunit sinaunang barko papunta sa Mortal World dahil sa unang tingin pa lang mukhang marupok na ito. Lumalaginit na nga habang papasok kami sa loob nito. Nag atubili tuloy ako kanina kung sasakay ba kami o hindi.
Nakakakaba kasama ko kasi si lola saka mga anak ko buti na lang sinabi ni Marcus na wag akong mag alala dahil ligtas naman daw sakyan kaya medyo napanatag naman ang kalooban ko.

Nasa gitna na kami ng dagat at puro mapuputing usok na lang ang nakikita namin sa paligid. Ito yung tinatawag ni lola na nagsisilbing harang sa pagitan ng dalawang mundo.

Mahimbing ang tulog ng dalawang anak ko kasama si lola pero ako di pa rin inaantok dahil sa halu-halong naramdaman.
Aaminin ko masakit sa akin na iwan si Zion pero masakit rin sa puso dahil naalala ko lang kung paano niya ako tinalikuran ng hiningi ko ang tulong niya.

"O, gamitin mo yan. You look horrible when crying".
Inabot sakin ni Marcus ang isang panyo na kulay itim.
Napangiwi ako sa kulay nito.

"Kung maka -' horrible' naman to".
Ismid ko sa kanya na ikinangisi nito. Thankful pa rin ako dahil hindi niya ako pinabayaan. Sumama pa siya samin kahit alam niyang maaari siyang mapahamak dahil kinalaban niya si Zion sa pamamagitan ng pagsama ngayon sa paglisan namin ng mundo nila.

"Rest Ava. Babantayan ko kayo".
Ani Marcus. Buti pa siya may malasakit sakin di tulad ni Zion... at ni Lance.
Naiiyak na naman ako ng maalala ang nangyari .
Si Lance bestfriend ko yun eh pero parang nag iba na siya. Blangko lang kasi siyang nakatitig sakin nung hiningan ko siya ng tulong.
Kung si Kaizen pa sana yun, ok lang di naman kami ganun ka close pero si Lance yun eh.



"Ayoko. Maraming katanungan ngayon sa isip ko pero di ko alam kung saan magsimula.".

Kinabig ako ni Marcus para yakapin.
This is all i need. A warm hug from someone who cares because i am lost.

"Sleep. We'll talk later".
He kissed my forehead until my  eyes got tired and swallowed by darkness.









Isang mahinang tapik sa pisngi ko ang nagpagising sakin.
Ayaw ko sanang dumilat dahil gusto ko pang matulog. Ang bigat ng eyebags ko pero narinig kong nagsalita si Marcus.

"Wake up Av, we're here".
Kinusot-kusot ko ang namamaga kong mata at tiningnan ang paligid.
Nandito na nga kami. Madaling araw na kaya kita ko ang mga maliliit na bangkang pangisda sa paligid na nakadaong sa maliit na pier sa di kalayuan ng dinaungan namin.
Busy ang mga sakay nito sa pagdiskarga ng mga banyera upang dalhin sa daungan sa mga negosyanteng naghihintay doon na bibili sa kanilang mga isda.

Finally I'm home!!!

Bitbit ko ngayon si Avril samantalang si Zenon nakay Markus, nakasunod lamang si lola sa amin.
Buti na lang maaga ang mga tao rito kaya naman kaagad kaming nakasakay ng tricycle na naka parking malapit sa pier at nagpahatid sa amin.

Isang oras din ang binyahe namin bago narating ang aming medyo may kalumaang bahay. Minana pa namin ito sa mga ninuno namin.
Medyo maalikabok sa loob dahil walang katao- tao rito simula ng umalis kami noon ni lola.
Pinaghintay ko muna sila sa sala dahil nilinisan ko muna ang aking silid. Mahirap na kasi baka magkasakit pa ang mga anak ko dahil sa mga alikabok.




"Halina na po kayo, ok na sa loob".
Tawag ko sa kanila pagkatapos ko.
Ini on ko muna ang electric fan para di masyadong mainitan ang mga bata kahit hindi naman mainit sa amin dahil napapalibutan kami ng mga punung-kahoy pero iba kasi ang klima doon sa mundo nila na palaging malamig.

Mahimbing pa rin na natutulog ang dalawa habang nilagay sila sa kama. Pinalibutan ko naman sila ng mga unan. Mahirap na.
Hindi ako magsasawang pagmasdan silang dalawa kahit pa nakikita ko si Zion sa kanila. Naman eh, ba't ba naman kamukha nila ang ama nila.
Naging bitter tuloy ako pero ok lang mahal na mahal ko naman sila, minus sa ama nila.
Iniwan ko muna saglit ang kambal, bumaba ako at nagpunta sa kusina para tulungan si lola sa paghahanda ng makakain namin.
Si Markus naman, nandun sa duyan sa labas, nag eenjoy. Parang nasa bakasyon ang peg pero sa totoo malalagot talaga ito kay Zion.
Nakonsensya tuloy ako.
Tinawag ko siya ng handa na ang makakain namin.




ALPHA of CENREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon