12

999 31 0
                                    

Matapos mangyari ang insidenteng yun pinili ni Ava na iwasan na lang si Zion kahit magkaklase sila, iniwasan niyang mapatingin sa gawi nito. Minsan pag nagkasalubong sila sa corridor ng Academy yumuyuko na lang siya o di kaya'y humahalo siya sa maraming estudyante para hindi siya nito mapansin. Kulang na lang maglaho siya pag nariyan si Zion. Medyo na trauma na kasi siya sa nangyari nung gabing yun. Takot siya baka mas malala pa dun ang mapala niya sa mga kamay nito.

Kagaya ngayon breaktime nila. Buti na lang dumaan si Lance sa room niya at isinabay siya nito.
Hindi sila sa canteen kumain ayaw kasi doon ni Ava dahil maraming estudyante saka hindi niya matitiis ang mga nakamamatay na tingin ng mga estudyante sa kanya lalo na yung mga babae na kala mo inagawan ng kanilang boyfriend.

Nagseselos yata sila dahil kasa-kasama ni Ava si Lance. Tsk

..

"Bakit mas gusto mo rito kaysa sa dun sa canteen?"

Tanong sa kanya ni Lance habang ngumunguya ng sandwich.
Nakapwesto sila sa gilid ng malaking puno sa likod ng Academy. Ito yung dating pwesto ni Ava nung siya pa lang mag isa ang kumakain noon.


"Ayoko dun ang ingay at ang sama ng tingin ng mga estudyante sakin...... Saka nandun si Zion".


Hindi niya isinatinig ang huli baka magduda pa si Lance ng kung anu-ano may pagka tsismoso pa naman to.


"Why hindi ka ba proud na nakita tayo ng iba? Hmn.. gusto mo lang yata akong masolo eh".


Umandar na naman ang pagka abnormal ni Lance pero di  maiwasan ni Ava ang pamulahan ng mukha.

"See. You're blushing!"

Tudyo pa ng binata sa kanya.


"Shut up Lance! Kaw talaga kung anu-ano ang iniisip mo! Bilisan mo na lang kumain para makabalik na tayo sa loob ng Academy".

Tapos na kasing kumain ni Ava pero si Lance ay di pa nangalahati sa sandwich nito.

"Bilib na ako sayo Av, ang lakas mong kumain hindi ka naman tumataba. Saan mo nilagay ang kinain mo?!"

Pang-aalaska ni Lance na panay ang tawa habang si Ava naman ay nabubwesit sa kapilyuhan ng lalaki.

"Hoy! Ito ang tinatawag nilang sexy!"

Ganti naman ni Ava na seryoso ang mukha.
Sumeryoso naman si Lance habang tinitigan niya ang dalaga.

"Yeah, sexy and beautiful".

Na-speechless naman si Ava sa sinabi ni Lance sa kanya.
She saw sadness and longing in his eyes.

Alanganin siyang ngumiti sa binata.

Awkward...

Silence...

"Joke lang. Naniwala ka naman".

Minsan hindi maintindihan ni Ava ang ugali ni Lance. Hindi niya matukoy kung kailan ito seryoso o hindi.
Ilang araw lang silang nagkita pero nagpasalamat na lang siya at naging close niya ang moody na lalaking ito.





Hinatid  si Ava ni Lance sa classroom nila. Natahimik naman at natuon sa kanya ang atensyon ng mga kaklase niya.
Syempre hindi na nawala ang mga bulungan at masasakit na salitang pinukol sa kanya.

"That bitch, she does'nt deserve him!!"

"Whore!!"

"Typical human, ginagamit talaga nila ang katawan para makuha ang gusto!"


"Oo nga siguro inakit niya si Lance!"


"Baka bedwarmer siya nito, yuck!!"



"Kahit kailan di siya seseryusuhin ni Lance noh!!!"



"Correct! As in never!"

Nakakatawang isip na parehas lang pala ang mundo dito at ang mundo ng tao...... may mga bullies rin pala na mga wolves.
Nakakatakot isipin na ako lang ang nag iisang mortal sa lugar na ito.
Ano mang oras ay maaari akong mapahamak.
Buti na lang at di ako pinabayaan ni Lance. Sa kanya ko rin nalaman ang lahat pero di ko pa sinabi kay lola. Ayokong mag alala yun dahil alam ko na ang lahat.
Secure na man ako rito dahil sabi ni Lance, pinoprotektahan ako sa sugo ni headmistress Guia. Yun nga lang hindi sakop sa kautusang yun ang mga rogues....

Ilan pang maaanghang na salita ang ibinato sa kanya.  Naglalakad siya patungo sa kanyang upuan hindi niya tuloy nakita ang pagpatid sa kanya ng isa niyang kaklase kaya nasubsob siya sa sahig.
Malutong na tawanan na naman ang narinig niya sa mga ito.

Pinilit niyang tumayo kahit masakit ang tuhod niya na may gasgas.
Hindi pa siya lubos na nakatayo ng may umalalay sa kanya.
Siya yung kamukha talaga ni real.be

Humupa ang tawanan. Hindi nila napagtanto na tutulungan siya ng isang royalties.

Inalalayan siya nito hanggang sa makaupo siya sa kanyang upuan.

"Salamat".

Isang ngiti lang ang isinukli bago ito bumalik sa kinauupuan nito.

Nahagip naman ng tingin niya si Zion na pormal ang mukha na nakatingin sa kanya ng ilang segundo lang.
Ano na naman kaya ang nagawa niya at mukhang galit na naman ito???

Isinantabi niya ang naisip ang mas gusto niyang unahin ay ang magamot ang sariling sugat sa kanyang tuhod.
Dahil dun ay kinuha niya na naman ang kanyang first aid kit sa bag saka nilagyan ng plaster ang sugat.

Ngayon niya lang naisip na importante pala talaga na nagdadala siya ng mga ito. Kagaya ngayon na mas lapitin siya ng disgrasya.

I

nabala ko na lang ang sarili sa pagtingin sa mga malalagong puno sa labas ng Academy.
Hanggang sa dumating na sa wakas si prof. Gaius.
May katandaan na ito at istrikto palaging nakataas ang isang kilay nito.
Nasabi ko bang isa siyang wolfwitch? Yes, kalahating werewolf at kalahating witch.

White witch are natural healers....

Business Management yung kinuha ko rito pero hindi talaga mawala sa eskwelahang to ang mga out of the ordinary subjects katulad lang ng witchcraft ganern parang nasa Hogwarts lang.

"Class, i will like to group you into 2."

Hindi ako masyadong nakikinig kay prof. Gaius dahil limilipad ang isip ko ngayon.
Nakatingin lang ako sa nga kaklase ko na isa-isang lumapit sa mga naging kapareha nila.

Nang tinawag na ako na shock na ako nalamang si Zion pala ang maging kapareha ko. Halata ang inis sa mukha nito ng nalamang ako ang kapareha niya at mas sumimangot pa ng inanunsyo ni prof na hanggang matapos ang semester kami ang magkakapareha.

"Ok. Now listen. I want you to find an herb  called Henbane. You have to study that herb meticulously. That's all for today. See you at the end of the semester."


Umalis na si Prof. Gauis. May misyon kasi itong dapat gawin kaya sa katapusan ng semester na ito makabalik.



"F*ck!"


Halos mapatalon si Ava sa lakas ng sigaw ni Zion. Siya na lang kasi ang lumapit dito dahil nga partners sila at binigyan sila ng oras para ediscuss  ang magiging experiment nila sa mga kapareha. Hindi niya naman akalaing magmura ito.

Nahintakutan man pero mas nanaig sa kanya ang magtiis alang-alang sa makukuha niyang grado.


"Kung ayaw mo ngayon pwede namang sa susunod na araw na lang natin pag usapan ang tungkol sa experiment natin".


Mahina niyang pagkasabi pero marahas lang siya nitong nilingon na may halong pandidiri sa mga mata nito.



"Mag isa ka!"

Bigla siya nitong iniwan. Napahiya naman siya sa inasal nito.














ALPHA of CENREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon