DEDICATED TO MaricanMores thank you for reading!!!
PINAGHAHANAP na ng mga tauhan ni Zion sina Lyn at ang beta na si Percy ayon sa kautusan ni Zion.
Galit si Zion dahil naisip nitong totoo ang binibintang sa babae dahil nagtatago ito ngayon at tinulungan pa ng kanyang beta sa pagtatago.
Nadamay na rin pati si Lance dahil ito ang huling nakasama ng dalawa bago nawala.Pinatawag ni Zion lahat ng tauhan upang magtipon sa malaking bulwagan ng function hall ng kastilyo.
"All of you. You must follow what i say. I want them capture within 24 hours. I consider them as traitors in our pack!" Buong pahayag ni Zion na agad namang tumalikod pagkatapos magsalita.
May ilang labag ang kalooban sa deneklara ng Alpha ngunit gayunpaman kailangan pa rin nilang sundin ito.
Subalit, lingid sa kaalaman ng lahat pumuslit si Lance papunta sa quaters ng mga katulong. Tyempo naman na nasa kanya-kanyang trabaho ang mga ito kaya si Aling Hunnith ang naiwan mag isa sa kusina.
Magaling na kasi ito galing sa pagka stroke pero yun nga lang di na siya binigyan pa ng mabigat na trabaho sa kastilyo.Dahan-dahan niyang nilapitan ang matanda at sinigurong maigi na walang makakita.
Naramdaman naman ng matanda ang presensya niya kaya agad itong lumapit sa kanya kahit medyo mahina itong lumakad."Pasensya ka na po Aling Hunnith pero kailangang sumama ka sa akin ngayon din. Mamaya na lang ako magpaliwanag".
Pahayag niya sa matanda. Kahit medyo may pag aalinlangan, tahimik na lang na sumonod ang matanda kay Lance.Dumaan sila sa likurang bahagi ng kastilyo na pinalibutan ng mga puno.
Walang nakabantay dahil kasalukuyang pinatawag ni Zion ang lahat ng mga kawal ngayon kaya malaya silang umalis na walang nakakita.
Pagdating nila sa unahan may naghintay na kabayo para masakyan nila papunta sa Enchun."Naku! Baka magalit si Alpha King kapag nalaman niyang dinala mo ako rito sir."
Agad na wika ng matanda nang dumating sila ng Enchun.
Medyo nag alinlangan pa itong sundan si Lance papasok ng malatoreng kastilyo."Wag po kayong mag alala Aling Hunnith, alam na ito ni kuya".
Nagliwanag naman ang mukha ng matanda
sa nalaman.Tahimik na nakasunod ang matanda sa binata habang binaybay nila ang pasilyo patungo sa silid na kinaroonan nina Ava.
Bakas ang kasahayan sa mukha ng matanda at pananabik na makita ang apo at apo sa tuhod nito."Lola!? Anong ginagawa mo rito?"
Masayang bungad ni Ava ng buksan nito ang pinto at makita ang matanda kasama si Lance.
Agad itong yumakap sa matanda para maibsan ang matagal nitong pangulila.
Galak naman ang matanda ng makita ang mga cute nitong mga apo sa tuhod na mahimbing na natutulog."Grabe ang gagwapo at gaganda naman ng mga apo ko".
Masiglang puna ng matanda sa mga ito."Mana sakin 'la".
Proud na saad ni Ava."May hawig nga sila sayo apo, pero mas kamukha nila si Alpha Zion, eh".
"Lola naman eh, wala naman kayong support sakin eh".
Pabirong hinanakit ni Ava pero agad naman din itong tumawa."O, siya kumusta ka na apo?".
Seryosong tanong ng matanda."Okay lang naman la, kayo po? Sorry po talaga la ha, nang dahil sakin nagkasakit kayo".
Maluha luhang wika ni Ava sa matanda.
Ginagap naman ng matanda ang kamay ng apo para ipabatid na ok lang ito.
Masayang nagkwentuhan ang mag lola. Masaya dahil sa wakas nagkausap na silang muli.

BINABASA MO ANG
ALPHA of CENRED
Manusia SerigalaHE IS RUTHLESS BUT I AM CURIOUS WITH HIM. HE IS SNOB BUT I LIKE HIM. HE DESPISE ME BUT I LOVE HIM. HE IS AN ALPHA AND I AM NOTHING.