Hi guys! Sorry at ngayon lang ulit ako nagparamdam, sa kasamaang palad ay hindi ko nabuksan ang account na ito noong nagdaang buwan, mabuti nalang at nag retrieve ko ulit.
Maraming salamat sa nag message sa akin at nag tatanong ng update sa kasunod na chapter at pasensya na dahil hindi ko na kayo nagawang replayan. By the way the photo above ay anime version ni Amethyst, pasensya na guys, pangarap din kasi ni author maging animator hehehe.
Hopefully magustuhan ninyo ang chapter na ito. Enjoy and happy reading everyone!
"CHAPTER TWENTY-SIX"
(Ali's POV)
Mabibigat ang bawat hakbang ni Xander. Hindi man ito nagsasalita habang naglalakad ay ramdam mo naman ang galit na nagmumula dito kaya hindi na rin ako magtataka kung hindi nito na napansin ang pasimple kong pagsunod sa kanya.
Wala ng masyadong tao sa building ng kung saan naroon ang classroom namin dahil halos lahat ng estudyante ay nasa cafeteria, nagtsi-tsismisan sa mga katarantaduhang ginawa ko na syempre, hindi nila alam na ako ang may kagagawan ng lahat.
Hindi nagtagal ay nakarating narin itong si Xander sa classroom namin at agad pumasok doon, syempre kahit sinundan ko ito ay hindi muna ako pumasok sa naturang classroom. Nasa labas lang ako, nakasilip at nakikinig sa pinag-uusapan nila.
Nang masilip ko kung sino ang nasa loob ng classroom, natagpuan ko ng nandoon mga batang pisting yawa. Ewan ko kung saan na ang ilan kong mga kaklase, pero sila lang yata ang nasa loob ng room.
Maya-maya ay narinig ko na silang nag-uusap.
"Babe," agad na bati ni Emily kay Xander ng pumasok ito syaka agad na yumakap sa bewang nito. "I'm glad that you're here na, have you heard what happened---?"
"Emily, babe... I want to talk to you about something---,"
"Ang unanong iyon!" biglang sabat ni Josh kaya napahinto sa pagsasalita itong si Xander at napatingin dito. "Napahiya ako sa buong school dahil sa letseng video na iyon!"
"Ehh, brad naman kasi, hindi mo ba alam ang kaibahan ng iguana at alligator---!"
"Shut up Roy! At least hindi ako kagaya ninyong magkakapatid na nagpupuslit ng mga underwear ng mga babae!" sigaw nito.
"The hell dude! Wala kaming kinalaman sa nangyari! Ni wala nga kaming ideya na nasa bag pala namin ang mga iyon ehh! Nabugbog pa kami ng de oras!" inis na sabi naman ni Adrian habang hinahawakan yung labi nyang may pasa.
"Sus! Kunwari pa kayong dalawang magkakapatid," singit naman ni Amanda. "Ehh, baka totoong mga perverts nga talaga kayo, diba't halos linggo linggo nalang kayong papalit-palit ng babae---!"
"Tumigil ka ngang retokada ka!"
"What did you fucking say?!"
"Ohh, bakit? Totoo naman 'ahh, ehh mas legit pa nga iyong balita tungkol sa'yo dahil may medical records pa! Retokada ka pala!"
"Hey! Watch your mouth, bastard!" galit na sabi ni Josh sabay akmang susugurin ang magkapatid pero agad din naman umawat si Karl.
"Pwede ba? Tumigil na nga kayo! Hindi natin kaaway ang isa't-isa--!" sabi ni Karl na agad naman pinutol ni Josh.
"Huwag mo nga akong hahawakan bakla!" sigaw ni Josh kay Karl na parang nandidiri. "Baka mahawaan mo pa ako ng kabaklaan mo! Baka mamaya ay pinagnanasaan mo na pala ako."
Saglit naman tinignan ito ni Karl pagkatapos biglang tumawa ng pagak.
"Don't worry shit heads, mga matatalinong tao ang tipo ko at hindi kagaya mong purol ang utak! Alamin mo muna ang pinagkaiba ng buwaya at alligator bago mo problemahin ang sexuality ko." sarkastikong tugon ni Karl kay Josh. "At para sabihin ko sa iyo, I am BISEXUAL, kuha mo bobo?"
BINABASA MO ANG
Alive once Again (Season 1 - Completed)
RomanceI hate my life... But it doesn't mean that I wanted to die. Mahal ko ang buhay ko kahit nitong mga nakaraang araw ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin. Hindi ako na-promote sa trabaho dahil sira-ulo ang supervisor ko. Lasingera ang nanay...