Hello sa mga readers ko!
Kumusta po kayong lahat! Sana ay okay lang kayo! 🤗
Sorry po at hindi ito update but rather, another announcement ✌️
I just want to inform you guys that soon ay i-popost ko na dito iyong dalawang story ko, ang "DON'T MESS WITH ME" at ang "TOO LATE FOR REGRETS", yes po, sa hindi pa po nakakaalam ay may iba pa po akong stories na i-pinost sa FB 😅.
Actually po, plano ko po talaga na hangga't maaari pag di pa natatapos ang "Alive once Again" ay hindi ako magpupublish ng ibang story dito sa Wattpad pero kasi, muntikan ng ma-delete ang dalawang stories ko sa email. Pinaki-alaman ng magaling kong kapatid ang nananahimik kong email (yup, alam nya ang password dahil nakikigamit din sya ng email ko for her study purposes), ayon sa kanya, "Out of storage" na daw kasi kaya naisipan nyang mag permanent delete ng mga large filesc😃. Di ko na magawang magalit kasi parang ang saya niyang ibinahagi sa akin na nakatulong sya na maibsan ang problema ko, at syempre kunwari di ako kinabahan sa mga files na pinagdedelete nya kuno 🙃. So ayon, ilan nalang iyong mga naisalba kong chapters, iyon nga lang, iyong mga hindi pa na edit na mga chapters but thankful parin ako kahit papaano kasi at least diba? May na isalba pa 🙂. So I came up with a decision. I've decided na mas mabuting ilagay ko nalang iyong mga stories ko dito sa Wattpad kasi mas safe sila dito.
So here they are, my soon to be publish stories:
🖤Don't Mess With Me🖤
(Credits to the real owner po sa picture ng babaeng iyan kung sino ka man, kinuha ko lang po iyong picture ng babaeng iyan sa Pinterest syaka i-nedit pang book cover)
Ito iyong ginawa kong story way back in 2017 or 2018 yata? if I'm not mistaken ha. Ito po iyong story na unang ipinost ko sa FB, bali una pa syang ginawa bago pa iyong "Alive once again" at since nag e-experiment pa lang ako ng mga panahon na iyan ay expect nyo na lang na medyo ang daming scenes nga "cringe" dito pero as per ilang readers ko naman nuon, ehh di naman daw but for me medyo cringe yung mga ibang parts. Nasa around 28-30 chapters din iyong mga na save ko kahit papaano. So ayon nga, ilang years na rin syang nakatambak sa email ko🙂 at kung hindi pa sya nanganganib mawala ay hindi ko pa sya ma-aalala. Dami kong memories sa story na ito ehh. Na-aalala ko pa dati, bunsong kapatid ko nag suggest na ipost ko ito sa mga group page sa FB at sya iyong tumulong sa akin na magpost sa FB kung saan member sya, iyon nga lang for "SPG stories only" pala nandoon hahaha! Malay ko ba! Rason ng kapatid ko, mas madaming readers daw kasi sa page na iyon kaysa sa ibang group, mas mababasa daw doon ang story kong ito doon. Sa naaalala ko pa dati, parang isa yata itong story na ito doon na walang mga spg scenes kaya nagtataka na iyong mga readers ko doon dahil umabot nalang sa 25+ chapters, ehh wala paring spg scenes ang nagaganap hahaha! Pero kalaunan, parang natanggap na rin nila na wala talagang mangyayaring spg scenes sa storyang ito kaya ayon, nasanay na rin sila kahit papaano kasi na-enjoy na rin sila sa pagbabasa nito. But sad to say, biglang naglaho ang group page na iyon, na delete kumbaga, duda ko dati dahil iyon sa mga stories nila na parang halos lahat nalang may theme na SPG, parang may nag report yata ehh. That's why, hindi natapos ang story na ito🥲.
🌈 Too Late For Regrets 🌈
(Credits to the real owner po sa picture ng mga lakaking iyan kung sino ka man, kinuha ko lang po iyong picture na iyan sa Pinterest syaka i-nedit pang book cover)
So ayon na nga, base po sa emoji na nandyan, ang genre po ng story na ito ay BL/BoysLove, meaning po, same sex po ang dalawang main character sa story, if di nyo po type ang ganyang genre, huwag nyo nalang po sana syang basahin heheh, bali if iyong "Don't Mess me" ay naisulat ko before "Alive once Again", ehh ito naman po ay naisulat ko after na ng Alive once again (Char! Kung maka 'after' naman ako, as if naman completed na iyong Alive once again 🤦). Itong story po na ito ay iyong tinutukoy ko po sa announcement ko. Nagawa ko po ang story na ito maliban sa kadahilanang na-bored ako at gusto kong magsulat ng ibang genre para maiba naman, ehh inspired din ito sa dating kasamahan kong beki sa OJT dati na di ko na matandaan ang pangalan kasi di naman kami as in very close, syaka di din kasi same ng eskwelahan, same lang kami ng department kung saan kami both nag o-OJT, syaka many many years ago pa iyon. Ginawa ko itong story na ito para sa kanya, kasi hindi sinuklian ang kanyang pagmamahal, pero ayon sa kanya, expected na rin daw nya iyon, ehh sa panahon na iyon dati, sa akin sya naglalabas ng kanyang sama ng loob kasi no choice sya, kami lang naman dalawa magkasama at magkasing edad din kami, paano ba naman kasi, sa daming pwedeng ma fall, dun pa sa kaibigan nyang homophobic, basta sa naalala ko, wala pang nakakaalam dati kung ano ba talaga sya kasi natatakot sya dahil parang religious yata family nya tapos secret lang iyang pagkagusto nya sa kaibigan nya. Sabi ko nga sa kanya dati, ipadala nya story nya sa MMK kasi parang teleserye buhay nya. So ayon, kung saan ka man somewhere in the Philippines, or outside in the Philippines, gusto ko lang malaman mo na kahit maikli lang iyong pagsasama natin at kahit di mo ako lubusan kilala, nagpapasalamat ako dahil lageh mo akong nili-libre ng banana-Q tuwing alas tres ng hapon, kahit ang tawagan lang natin sa isa't-isa noon ay "Uy" (example: "Uy, meryenda tayo sa baba, libre ko." tapos sasagot naman ako ng: "Uy, salamat ha", ganun lang hahaha!). 'Uy,' Sana nakakita ka na ng taong para sa iyo na tanggap ka kung sino ka man. Not sure, if naaalala mo pa ako kasi to be honest, di ko na rin tanda ang itsura mo hahaha, bali iyong samahan nalang natin or iyong mga chika nalang natin iyong naaalala ko hihihi. So ayon nga, sinubukan ko lang naman itong sulatin kasi out of nowhere, bigla ko nalang syang naalala, hanggang sa na-enjoy ko na talaga syang sulatin at umabot na nga sya ng hanggang season 2 😌.
Wala talaga sa Plano na ipost ko itong dalawang story pero maliban nga sa mas safe sya sa Wattpad ay kamakailan lang ay nag re-read ako ng "Alive once again" at habang nagbabasa ako ay di ko maiwasang sabihin sa sarili ko na, "Uy, kakatawa ang part na ito" or "Char! In fairness, ganda ng chap na ito" , so ang nangyari ay naging reader ako sa sarili kong gawa and I felt proud to be honest, nakakaproud na nakagawa pala ako ng story na ganito 🥺. Hindi ako sigurado kung marami ang babasa sa mga bagong ipopost ko na stories pero bukod sa gusto kong i-share sa inyo ang mga stories kong ito ay masasabi ko rin na para din ito sa sarili ko, gusto ko paminsan minsan ay mababasa ko din iyong mga gawa ko kahit ako lang iyong reader hehe. Again guys, once na ma ipost ko na iyong dalawa kong stories, I am very open po sa mga comments and feedbacks ninyo, mapa positive or negative po iyan ay open na open ako, so don't hesitate po na isulat kung ano ang tingin ninyo sa bagong mga stories.
Plano ko pong this month po ito i-post, this week sana pero may pinaghahandaan akong Job Interview kaya di pa sure kung anong exact date (pray nyo po na sana matanggap ako agad ha 😇). Ininform ko lang po kayo sa plan ko in advance para naman aware po kayo hehehe.
Syaka sa nagtatanong po ng update ng "Alive Once Again" , huwag po kayong mag alala, may mga kasunod na chapters na naman po syang nakatambay sa files ko pero di ko pa magawang ipost kasi maliban sa dami pang need i-edit ehh busy din sa trabaho at personal na buhay, but soon na po talaga, paghadaan ko lang po iyong soon to be new job ko and after that pag naka adjust adjust na ehh focus po ako ulit sa pagsusulat. Inuna ko lang iyong dalawang stories kasi may mga chapters na sila.
Maraming salamat po sa mga readers kong laging sumusuporta sa akin kahit lagi akong hindi nagpaparamdam, always remember po na mahal ko po kayong lahat at lagi ko pong na a-appreciate ang nga comments ninyo at syempre, kayo ding mga readers ko.
Ipag-dadasal ko po na lagi kayong healthy and maging safe kayo palagi 🤗. Thank you ulit!
🌻ate_meimei🌻
BINABASA MO ANG
Alive once Again (Season 1 - Completed)
RomanceI hate my life... But it doesn't mean that I wanted to die. Mahal ko ang buhay ko kahit nitong mga nakaraang araw ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin. Hindi ako na-promote sa trabaho dahil sira-ulo ang supervisor ko. Lasingera ang nanay...