S2: Chapter Thirty Six

826 57 35
                                    

Hello madlang pipol mabuhay! Meimei miss you! Meimei miss you! Charrr!

Hello po sa inyong lahat, nagbabalik mo pa author ninyong lulubog-lilitaw! Sorry at ngayon lang ako nagparamdam! Maraming problema si Author na kina-ilangang harapin but thank you po dahil andyan parin kayo  kahit na ang tagal ng update ay patuloy parin kayo na naghintay.

Sana ay magustuhan ninyo ang update na ito. Enjoy and Happy Reading Everyone!

SEASON TWO:
"Chapter Thirty Five"



(Susannah's POV. )

Dumating narin ang araw na iniiwasan ko.

Ang araw na hindi kami 'bati' ni Ali.

Bakit?

Sa ngayon kasi ay galit ako sa isang iyon at pansamantalang hindi ko ito kinakausap.

Sunod-sunod na ang naging atraso sa aking ng pandak na iyon at ngayon ay dinagdagan pa nya talaga.

Minukbang daw ni Susannah the first ang diary ni Amethyst.

Ayon dito, hindi nya daw napansin na nakalabas ang alaga nyang ahas mula sa aquarium nito at huli na nang makita nyang ginagawa na daw nitong pulutan ang pobreng diary.

Ang Diary na hiniram ko lang naman...

Ang tanging bagay na sana ay mas makakatulong pa sa akin para mas lubusan ko pang makilala si Amethyst.

Ang kawawang diary na ngayon ay possible ng na digest sa tiyan ng isang ahas.

Ayon pa sa magaling kong kaibigan, may natitira pa naman 'daw' na ilang mga pages mula dito pero sa hula ko, kung hindi man punit-punit iyong mga nasalbang pahina ay sigurado naman akong kunot-kunot na ang mga ito.

Let's just hope na possible pa itong mabasa.

Pero bukod sa Diary ni Amethyst, may mas malaki pa akong pinu-problema.

Si Lucas...

At iyong lintik na halik.

Wala sa sariling napasabunot ako ng sariling buhok ng maalala ko iyong eskenang hinalikan ako ni Lucas.

Tangina...

Buong gabi akong hindi makatulog ng dahil doon. Tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko, kusang nag-re-replay sa akin ang eskenang iyon.

Hindi naman ito ang unang beses na hinalikan ako ni Lucas pero utang na loob, si Susannah pa ako ng mga panahon na iyon at hindi si Amethyst!

Si Amethyst na estudyante nya!

Diyos ko, ano na lamang ang sasabihin ni Amethyst? Na hinayaan kong maka lips to lips nito iyong paborito niyang guro?!

"I'm so sorry Amethyst.." bulong ko. "Hindi ko man sinadya ang nangyari, alam kong kasalanan ko parin--."

"Bakit? Anong ginawa mo?" pasimpleng tanong ng pamilyar na boses.

Hindi ko na kailangan pang lingunin ang isang ito dahil alam ko na kung sino ang nilalang na ito. Height palang ng isang ito alam ko na.

Casual na umupo itong si Ali sa bakanteng upuan na nasa harapan ko syaka pasimpleng dumukot ng chichirya sa mga nakabukas na mga snacks sa mesa ko at kumain.

Tinignan ko ito ng masama.

Kung makaasta ang isang ito parang di ako galit sa kanya ahh.

"What?" biglang tanong nito sa akin ng mapansin nitong hindi ako kumibo sa kanya at nagpatuloy lang na tinignan sya ng masama. "Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin? May problem ba?" taas kilay na tanong nito habang kumakain ng Chippy.

Alive once Again (Season 1 - Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon