The picture above is Lucas' dog, Vigeta.
This chapter is dedicated to mus-alonlymdahlia and NessyKim_24 , thanks po sa pag-comment agad sa last chapter ko.
Enjoy and happy reading!
“ CHAPTER FOURTEEN ”
“ I’m sorry, if napagdudahan kitang baliw na babae at myembro pa ng kulto, bigla kasi akong na-werduhan sa'yo nung nagsalita ka ng kung anu-ano ehh, tapos kinilabutan din ako nung bigla kang tumawa na para bang sinasapian at syaka mas lalo akong natakot ng bigla kang kumanta kaya ayon, tumakbo na ako ng mabilis at nagsisigaw na---”
“ Lucas, would you please keep your mouth shut, I told you already, it’s okay, let’s just forget what happened and move on.” irita kong sabi dito sabay palo sa braso ko ng maramdaman kong may lamok na dumapo dito.
Napabuntong-hininga ako sabay napatingala.
Ilang oras na rin ang lumipas simula ng mahulog kami dito sa loob ng manhole at hanggang ngayon, hindi pa kami nakakalabas. Yung keypad cellphone lang ni Lucas at ang liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw naming dalawa sa madilim at masikip na lugar na ito. Lowbat naman kasi ako kaya wala ring silbi yung cellphone ko.
Kung kanina ay sobrang takot ko, ngayon ay hindi na masyado at isa pa nakakarindi na rin yung kadaldalan ni Lucas kanina pa pero salamat na rin doon kasi na-didistract yung takot ko.
“ I’m hungry…” maya-maya narinig kong biglang sabi nito.
Kinuha ko yung dalawang yakult sa bag ko at yung isang pack ng white rabbit na medyo nabawasan na pagkatapos ay inaabot ko sa kanya yung isang yakult at dalawang piraso ng white rabbit .
“ Ohh, sa'yo na.” sabi ko dito.
Nagsimula na akong kumain ng isang candy kasi gutom narin ako, pero agad din akong napatingin kay Lucas ng mapansin na hindi nito kinain ang dalawang white rabbit na ibinigay ko sa kanya bagkus ay tinitigan niya lang ito sa kamay niya.
BINABASA MO ANG
Alive once Again (Season 1 - Completed)
RomanceI hate my life... But it doesn't mean that I wanted to die. Mahal ko ang buhay ko kahit nitong mga nakaraang araw ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin. Hindi ako na-promote sa trabaho dahil sira-ulo ang supervisor ko. Lasingera ang nanay...