Ang picture na nasa taas ay ang itsura ng auditorium sa school nila Amethyst. Pictures are not mine, credits to the real owner.
“ CHAPTER NINE ”
“So? Ali maprin, anong bang magandang kantahin para sa audition mamaya? ‘Isang Linggong Pag-ibig'? 'Tukso'? o 'Larawang Kupas' o baka pwede rin yung kanta na 'Sino ang tunay na baliw'?... Pero kung ako ang papipiliin, mas gusto ko talaga yung mga kanta ni Imelda Papin ehh but open naman ako sa suggestions--.”Napahinto ako sa pagsasalita ng mapansin na hindi naman umiimik ang taong kausap ko kaya nagtataka akong tumingin dito.
Medyo napataas ang kilay ko sa titig na ibinigay sa akin ng matalik kong kaibigan.
He just look at me like I'm an idiot or something.
Pinigilan kong mapa-roll eyes sa ginawa n'yang pagtitig sa akin. Ano na naman kaya ang problema ng isang ito?
“ Uy, ba't ganyan ka naman kung makatingin? Wala ka bang tiwala na makakapasok ako sa audition mamaya? Maprin naman ehh, wala ka namang bilib sa kaibigan mo.” sabi ko dito.
Nakita ko muna itong napapikit ng mariin bago ito humugot ng malalim na hininga tapos tumingin ulit ito sa akin.
“Susannah, believe me when I say that you have this thing of what we call a 'Golden Voice', hindi man halata, pero ang boses mo na yata ang isa sa pinaka--uhm... pinaka unique! tama, pinaka-unique na boses na narinig ko sa tanang buhay ko… it’s just that…”
“ 'It’s just that,' what, Ali? ”
“Your choice of music is the problem.” seryosong sabi nito sa akin.
“Huh? Ano naman ang mga problema sa mga kantang pinipili ko.” nagtataka kong tanong dito.
“It’s too OLD for Amethysts' age Susannah!” he immediately burst.
Medyo nabingi naman ako sa biglaang pagsigaw nitong kaibigan ko sa akin.
But he actually has a point.
Hindi naman bago sa kaalaman nitong si Ali na may ibubuga ako pagdating sa kantahan at kompyansa din naman ako sa boses ko. Infact, lagi nga akong panalo sa talent portion tuwing Christmas Party ng kompanya namin, tapos minsan din, after duty, nagyayayaan kaming mag-videoke ng ilan kong kasama sa trabaho, including Ali of course, since iisang kompanya lang naman ang pinag-tatrabahuan naming dalawa.
Idolo ko talaga pagdating sa kantahan sina Imelda Papin, Aegis, Dulce, Pelita Corales o di kaya ay sina Sharon Cuneta o si Gary Valenciano kaya syempre, natural lang, na yung mga kanta nila yung kadalasang kinakanta ko.
Dati rin kasing tinaguriang Jukebox Queen ang yumao kong lola kaya ito ang nag-impluwensya sa akin pagdating sa biritan at kantahan. Tapos noong bata pa ako, puro makalumang kanta din kasi iyong pina-praktisan ko kaya ayon, nadala ko na hanggang sa pagtanda ko.
Napatigil ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang nagpatuloy sa pagsasalita si Ali kaya napatingin ulit ako dito.
“Utang na loob Susannah, teenager iyang si Amethyst! Tapos ang kakantahin n'ya Imelda Papin?” singhal nito. “I know walang masama if iyong kanta ni Imelda Papin ang kantahin ni Amethyst, pero wala ka man lang bang alam na medyo pang mellenial d'yan?”
Medyo napa-isip din ako sandali, mas prefer ko talaga yung mga old songs kumpara sa mga bagong sikat na kanta ngayon ehh. Tagos kasi sa puso yung mga makalumang kanta kaya hindi na ako nag-effort na pag-aralan yung mga uso ngayon at hindi na rin ako updated kung ano ang kinakanta ngayon ng kabataan.
BINABASA MO ANG
Alive once Again (Season 1 - Completed)
RomantikI hate my life... But it doesn't mean that I wanted to die. Mahal ko ang buhay ko kahit nitong mga nakaraang araw ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin. Hindi ako na-promote sa trabaho dahil sira-ulo ang supervisor ko. Lasingera ang nanay...