Chapter Six

1.9K 239 287
                                    

The photo above ay ang new look ni Amethyst. Happy Reading!

" CHAPTER SIX "


Kinse minutos...

na umabot na ng kalahating oras...

Ewan, basta malapit ng umabot ng isang oras na tini-titignan ko itong diary ni Amethyst, subalit nagtatalo parin ang isip ko kung babasahin ko ba ito o hindi.

Pero sa bandang huli, nanaig parin ang kuryosidad ko na malaman kung ano ang nilalaman ng diary ng teenager na sinapian ko kaya ayon, binasa ko na.

Masamang makialam ng gamit na hindi sa'yo.

But in this situation, I think, this is an exemption naman diba?

Pasensyahan na lang muna tayo Amethyst, makikibasa muna ako ng diary mo para mas lalo kitang makilala.

Kinuha ko ang diary mula sa drawer at inilapag sa study table. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ng tuluyan yung diary.

" 'I hate my life...' "

Ito agad ang unang mga salitang nabasa ko pagkabukas na pagkabukas ng diary nito.

Medyo natigilan ako saglit. Bigla ko kasing na alala ang sarili ko. Ganitong-ganito kasi iyong mga salitang nasa isip ko noong nasa bingit ako ng kamatayan.

Maya maya ay muli akong nagpatuloy ako sa pagbabasa.

"'Life has been always unfair to me. My mother died because of me, my sister hates me and it's my fault that dad is hurting right know and the person I loved, I've given him every thing but he abandoned me... me and my baby...my poor baby that I lost because of those heartless bastards...'" at muli, natigilan na naman ako sa huling pangungusap na nabasa ko.

Wait? Ano daw? Baby?!

Nagkaroon ng anak si Amethyst?! At, at bakit may word na 'lost' ? Nakunan ba ito? At sino yung tinutukoy nitong mga 'heartless bastards'? At most of all, sino yung tatay?!

Diyos ko naman! First page pa lang yan ha, dami ng revelation!

Nung medyo kumalma na ako, nagpatuloy muli ako sa pagbabasa.

"'Napapagod na ako... Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito, I wish I am strong just like Mr. Alfante said, but I am not. Though nagpapasalamat parin ako sa kanya dahil pinipilit n'ya akong intindihin... pero wala ehh, walang nakakaintindi sa akin dahil wala namang nakaka-alam ng pinagdadaanan ko. Gusto kong gantihan silang lahat... lahat sila na umapi sa akin... pero mahina ako, hindi ko sila kaya... how I wish that I am stronger enough to face them with confidence, but I know that I am a coward... a loser just like everyone said. I feel so lost and empty inside... Sa ngayon gusto kong magpahinga, gusto kong matulog ng pagkahaba-haba, at kung pwede lang sana huwag na akong magising pa... at kung sakaling magising man, gusto ko sa paggising ko ay maging maayos na ang lahat, maging maayos na ulit ang buhay ko.'"

Binuklat ko ang ikalawang pahina para mabasa ang kasunod pero imbis na sulat, mga pictures ang nakadikit doon.

May larawan silang dalawa ni Emily, and take note, masaya silang nagtatawanan na para bang sobrang close nilang magkakapatid. Malayong malayo sa relasyon nila ngayon. Meron ding picture na buong pamilya sila, masaya rin sila picture habang nagpi-picnic. May isang picture din na halos manlaki ang mata ko, bakit naman kasi hindi? meron kasing picture ng magbabarkada, pamilyar kasi yung mga tao dun sa picture, sila yung nakita kong mga kaibigan ni Emily at kasama din yung boyfriend nito, pero ang mas nakakagulat, kasama rin si Amethyst sa circle of friends nila! kuha ito sa parang cafeteria yata? at mukha din silang masayang mag-kakaibigan. May isa ring picture na magka-akbay sila ng isang pamilyar na babae, teka? Ehh, si Amanda ito ehh, yung binuhusan ko ng milk tea! Kung ganoon ay magkaibigan sila dati?

Alive once Again (Season 1 - Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon