Paki-imagine nalang po na ang picture na nasa taas ay ang abs ni Lucas. Credits sa may-ari ng abs na iyan.
Dedicated ang chapter na ito kay Ariel019 sa pagsupport ng story ko sa FB at kina Lady_lovelorn at LabzWriter sa napakagandang feedback isang bookclub na sinalihan ko at para na rin kina sayzandsss mus-alonlymdahlia Maryjoygwapa1 sa tatlong unang taong na comment sa nakaraang update ko.
Enjoy and Happy Reading!
" CHAPTER ELEVEN "
Lord,Patawarin niyo po sana ako.
Dahil isa akong makasalanan at marupok na nilalang.
Ilayo niyo po sana ako abs---, este sa maka-mundong pagnanasa po pala.
Nawa'y patnubayan niyo po ako at bigyan ng lakas!
Ohh,
Tukso,
Sana'y layuan mo akong punyeta ka.
" Huh?" napabalik ako sa realidad nang narinig ko si Lucas, kaya mula sa abs nito napalipat ang tingin ko sa nagtataka nitong mukha.
" Ang charap charap ng abs---,este! yummy pala---, este letse! y-yung a-ano? yung t-shirt mo a-asan ba kasi?!" nabubulol kong sabi dito.
Agad akong umiwas ng tingin dito habang pinaypayan ang sarili gamit lamang kamay ko.
My Goodness!
Kailan pa naging hot ang isang ito?! Ehh, hindi naman ito dating ganyan!
Ilang ulit kong sinubukan mag inhale-exhale para naman pakalmahin ang sarili ko.
Kalma lang self.
Baka sabihin nila, ngayon ka pa lang nakakita ng six pack abs.
Pero teka nga?
Ehh, sa ngayon lang naman talaga ako nakakita ng six pack abs ng personal 'ahh?
Nagkaroon nga ako ng boyfriend pero hanggang gwapo lang, wala naman abs tapos iyong kaisa-isa ko naman na kaibigan na lalaki, cute lang! wala namang ka muscle muscle sa katawan.
So ayon nga, don't judge me okay?
Alam kong medyo naging OA ako pero hayaan niyo na, na-shock lang talaga kasi ako, I mean, ganyan pala ang itsura ng abs sa personal?
Pwede ko kayang mahawakan?
Agad din akong napailing.
Hindi Susannah! Tumigil ka! Wag kang marupok! Hindi ka malandi! Pigilan mo ang sarili mo, hindi ka ganyan kababa!
Tapos wala sa loob na pinagsasampal ang sarili ko.
Nilakasan ko na para matauhan ako at mahimasmasan naman ako!
BINABASA MO ANG
Alive once Again (Season 1 - Completed)
RomanceI hate my life... But it doesn't mean that I wanted to die. Mahal ko ang buhay ko kahit nitong mga nakaraang araw ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin. Hindi ako na-promote sa trabaho dahil sira-ulo ang supervisor ko. Lasingera ang nanay...