S2: Chapter Thirty Five

1.1K 100 44
                                    

Hi ulit sa inyo, sorry at late update na naman ako, nagiging abala talaga ako sa trabaho kapag month end at first week of the month ehh kaya hirap akong maisingit itong pag-susulat ng story.

Sa ngayon isang chapter lang muna ang update ni Author ha, bawi nalang nako next update, pero sana magustuhan nyo parin.

Enjoy and Happy Reading guys!

(The photo above ay ang itsura ng itim na pusa. Credit to the real owner)

SEASON TWO:
"Chapter Thirty Five"



Lucas P.O.V

(Flashback ~ continuation...)

Kasabay ng biglaang pag kulog at kidlat ng kalangitan ay sya ring pag lambot ng mga tuhod ko habang hawak hawak ng mahigpit ang ID ng babaeng kahit kailan ay hindi nawala sa puso at isip ko.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at sa mga sandaling ito ay labis na takot ang nararamdaman ko.

Huling beses na nakaramdam ako ng ganitong takot ay noong nasa high school pa lamang ako at iyon ang mga panahon na sinama ako ng aking ama sa loob ng sasakyan nito habang ninututukan ng baril si Susannah na walang kamalay-malay sa nangyayari.

I can still remember how Susannah was laughing with her friends at that time without knowing that my father is secretly pointing his gun at her direction.

I was a fool back then, I was a fool thinking that maybe, just maybe, my father has already accepted me as a son when he suddenly invited me for a ride at that time.

But I was wrong...

He just wanted me to see how he can easily pull a trigger to the woman I loved.

Doon ko napagtanto kung gaano ka kasama ang aking ama, kung gaano ito ka demonyo.

Hindi ko lubos maisip kung sa papaanong paraan nahulog ang loob ng aking ina sa taong ito?

Hanggang ngayon tandang-tanda ko parin ang mga katagang sinabi nito sa akin.

"Remember this moment Lucas... Tandaan mong kayang-kaya kong wakasan ang buhay ng babaeng pinakamamahal mo sa isang iglap lamang. Hindi na ako makiki-usap sa iyo and also, begging isn't my style son... So I guess you already know what I'm trying to say here." kalmado ngunit may halong pagbabanta na sabi nito. "At dahil anak kita... Hindi ko tutuluyan ang babaeng iyan pero depende parin iyan sa iyo Lucas anak... nakasalalay sa iyo ang buhay ni Susannah. Sundin mo ang ipinapagawa ko sa iyo at nangangako akong walang mangyayaring masama sa babaeng mahal mo."

Hindi nga napahamak si Susannah ng araw na iyon pero ang pag-tatraydor ko naman ang naging dahilan kung bakit nawala sya sa akin.

And that was the beginning of my nightmares. Gabi gabi akong dinadalaw ng bangungot ko at paulit-ulit nitong binabalikan ang nakakatakot na eksenang iyon.

At para yatang madadagdagan ako ng isa pang panibagong bangungot.

How can this be happening to me?

Bakit nangyayari ang lahat ng ito ngayon kung kailan kaya ko na syang protektahan at ipag-laban.

Am I really too late?

"N-No..." halos wala ng boses ang lumalabas sa bibig ko ng mga sandaling ito. "I-I can't l-let this happened... " pilit kong sabi sa sarili ko habang dahan-dahang tinignan ang lokasyon ng katawan ng taong tinatabunan ng tela. "I-It can't be Susannah..." kumbinsi ko sa sarili ko. "Ohh God! Please don't let this be Susannah!" halos nag mamamaka-awang kong sabi.

Alive once Again (Season 1 - Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon