The photo above ay ang itsura ng lugar sa kung saan nakatira si Ali. Photo are not mine, credits to the real owner.
Enjoy and Happy Reading!
“ CHAPTER TWENTY ”
( ~ Back to present time~ )Hanggang ngayon,
Aaminin ko, nang-hihinayang parin ako sa aming dalawa ni Lucas.
And until now, hindi ko parin siya napapatawad sa ginawa niya. Ano man ang rason niya kung bakit niya ginawa iyon, ay hindi parin mababago ang katotohanan na sinira niya ang tiwala ko at hindi ko rin matanggap ang pagta-traydor niya sa akin.
But life must go on.
And I have to move on.
Hindi man madali pero kailangan kong kalimutan ang nararamdaman ko kay Lucas na sa kabutihang palad naman ay nagawa ko.
Tuluyan na akong nakalimot.
Pero ayon nga, napagtripan ako ng tadhana, nagtagpo ulit ang landas namin ng mokong na ito, mabuti nalang kamo at tuluyan na akong naka-move on dito, though laging sinasabi ni Ali sa akin na hindi pa raw ako nakakamove on, pero 'duh' sure akong nakamove na ako 'no?
At isa pa, gaya ng sinabi ni Justine, ehh mukhang may asawa na daw itong si Lucas.
That is why, back off na ako dahil hindi ko ugaling manira ng relasyon.
Pinagdarasal ko na lang talaga na sana hindi si Margo ang naging asawa nito, dahil naku! Kawawa si Lucas kung nagkataon na sila man ang nagkatuluyan, baka malahian pa ang lahi niya ng baliw, but well, kung iisipin ding mabuti, nasa lahi na talaga ni Lucas ang mga taong may sira sa ulo, kagaya nalang ng tatay at kapatid nito.
Pero sana lang talaga, hindi si Margo ang asawa niya.
Nawala ang pag-iisip ko sa nakaraan nang narinig kong magsalita ulit si Lucas kaya muli akong napatingin dito.
“ Pasensya ka na talaga sa kadaldalan ko, naalala ko lang talaga si Susannah sa iyo.” natatawang sabi nito habang nakapamot pa ng ulo.
Nagkunwari din akong natawa dito.
Pero maya maya, biglang may naisip akong itanong dito. Well, out of curiosity lang naman.
“ Ahh Luca--, I mean sir? Tanong ko lang sana, uhm… hanggang ngayon ba? May f-feelings ka parin diyan sa sinasabi mong first love? Yang si S-Susannah?” tanong ko dito.
Ilang segundo din itong natahimik at nanatili lang nakatingin sa akin. May kung anong emosyon ang nakikita ko sa mga mata nito pero hindi ko lang matukoy kung ano.
“ A-Ayy, hindi mo naman kailangan sagutin ang tanong ko, pasensya na ehh, na curious lang talaga ako.” sabi ko dito ng hindi pa rin ito umimik.
Ngumiti lang muna ito.
“ It’s okay,” nakangiting sabi nito. “ Well, kung tinatanong mo kung hanggang ngayon ay may feelings parin ako kay Susannah? Ito lang ang masasagot ko, to tell you honestly ay----!”
Hindi na nagkaroon ng pagkakataon si Lucas na maituloy ang sasabihin nito dahil biglang bumukas ang pintuan ng auditorium kaya agad kaming napatingin dito.
“ EXCUSE ME? May tao ba dito?” narinig namin na sabi ng bagong dating nang makapasok ito sa loob ng auditorium, hindi man namin ito nakikita dahil nga walang ilaw dito, alam namin na pumasok ito dahil sa flashlight na hawak nito.
BINABASA MO ANG
Alive once Again (Season 1 - Completed)
Storie d'amoreI hate my life... But it doesn't mean that I wanted to die. Mahal ko ang buhay ko kahit nitong mga nakaraang araw ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin. Hindi ako na-promote sa trabaho dahil sira-ulo ang supervisor ko. Lasingera ang nanay...