This is my own story so please do not copy without my permission. Remember, PLAGIARISM is a crime. I am not a professional writer so expect some wrong spellings and wrong grammars in this story.
Ang kwentong ito ay gawa-gawa lamang at likha lang ng malikot na imahinasyon ng writer, kung may paghahalintulad na lugar, karakter at pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi po sinasadya.
Lahat ng pictures na ginamit ko ay hindi ko po pagmamay-ari at kinuha ko lang sa google kaya credits to the real owners.
" PROLOGUE "
I hate my life...
But I don't want to die.
Not now...
I am not ready yet.
Pero napaghahandaan ba ang kamatayan? kasi parang hindi naman yata.
Ahh basta! ayaw ko pang mamatay!
I have dreams and ambition na hindi ko pa natutupad, iyon lang ang tanging rason kung bakit tinitiis ko ang lahat at hindi ako papayag na mauwi lang ito sa wala.
I maybe hate my life right now, but I have reasons for it you know.
First is, I hate my job, I mean hindi pala ang trabaho ko kung hindi ang isa sa mga katrabaho ko, but yeah, sometimes, ayoko ko rin pala sa trabaho ko.
Ang opisina kong halos gawin ko ng bahay dahil sa sipag kong magtrabaho at yung supervisor ko na kung sigawan at utusan ako ay parang bang tagapagmana ng kompanya! ni wala namang ginawa kung hindi ang ipasa lahat ng trabaho niya sa akin and unfortunately, in the end, siya ang na-promote na dapat sana ay ako. I mean, mas naghirap ako kaysa sa kanya at matagal ko ng hinihintay ang promotion na iyon! Kung alam ko lang na hindi naman pala ako mapo-promote sa bandang huli ehh sana pala hindi na ako nag effort na pigilan ang sarili kong sapakin ang supervisor ko. Iyong promotion ko lang naman talaga ang dahilan kung bakit ako ng ba-bait-baitan. Ang hirap pa namang magbait-baitan.
And right, may pangalawa pa pala. Well, the second one is that, I hate my mother, I mean not totally kasi nga nanay ko pa rin naman iyon kahit maging square pa ang mundo, mga 99.99% hate lang siguro?
Iyong mahal ko kasing nanay ay walang na lamang ginawa kung hindi ipamukha sa akin na ako ang dahilan ng kamalasan niya sa buhay, pero kung tutuusin naman, hindi din naman sinuswerte ang isang iyon ehh. But here I am, playing the role of being a good daughter, tinitiis lahat ng kalokohan niya, sugal, bisyo, alak etc. Binibigyan ko pa nga siya ng allowance kahit alam kong ibibili niya lang ito ng alak at ni minsan, wala man lang akong narinig na pasasalamat mula dito. Hayy, hirap maging mabuting anak.
And last but not the least, I fucking hate that man who call himself my boyfriend.
Ex-boyfriend na pala.
That freaking bastard! Ang hayop na 'yon na ginawa akong tanga. That guy has been cheating on me for the last two years of our relationship at ngayon ko lang nalaman! Biruin mo? sa talino kung ito ay nauto niya ako? Ako din naman kasi, umasa na mababago ko siya, pero gaya nga ng sinasabi nila na 'Once a cheater, always a cheater'. Pero lintek naman kasi! Kung nalaman ko lang talaga ng mas maaga, sana man lang nabawi ko yung regalo kong relo na ibinigay ko noong anniversary namin, branded pa naman 'yon at syaka mahal din iyon 'noh?!
Buhay nga naman, parang life...
Tapos ano?
Ganito lang ang mangyayari sa akin?
BINABASA MO ANG
Alive once Again (Season 1 - Completed)
RomanceI hate my life... But it doesn't mean that I wanted to die. Mahal ko ang buhay ko kahit nitong mga nakaraang araw ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin. Hindi ako na-promote sa trabaho dahil sira-ulo ang supervisor ko. Lasingera ang nanay...