The picture above is Ali with his eyeglasses.
“ CHAPTER EIGHT ”
Isang problema ko sa sarili ko?Sometimes, I acted before I think.
To the point na napapahiya ko na ang sarili ko kung minsan, hindi pala minsan kung hindi KADALASAN!
Kadalasan, nangyayari ang mga ganito kapag galit ako o di kaya'y ay mainit ang ulo ko.
Okay lang sana if ako lang yung nahihiya, tanggap ko naman na makapal talaga ang mukha ko ehh.
Pero sa sitwasyong ito, ibang tao na ang napapahiya ko dahil sa pagiging padalos-dalos ko.
Kung meron mang pacontest ng “Katangahan ng Taon” or “ Ka-OA-han of the year”, then I am very sure that the awards goes to Susannah.
I’m sorry, Amethyst dear, dahil muli, inilagay na naman kita sa kahihiyan.
I look at the person in front of me, who is Lucas by the way… and once again, confusion was written all over his face.
As much as I want to punch this guy, kailangan ko munang isantabi ang anumang galit ko dito dahil hindi naman si Susannah ang nasa harapan n'ya kung hindi ay si Amethyst.
“Uhm, Amethyst...?” medyo naguguluhang tawag nito na parang hindi alam kung ano ang tamang isagot sa sinabi ko kanina.
Pero mukhang hindi n'ya nalang pinansin ang pagmumura ko kanina bagkus ay pinuri n'ya nalang ako sa bagong ayos ko.
“Wow, Amethyst! You look great, halos hindi kita makilala 'ahh.” papuri nito.
Pinilit kong pinakalma ang sarili ko. Pinapa-hupa ang galit ko at nag-iisip ng magandang rason o palusot na pwedeng kong sabihin sa inasal at sinabi ko kanina.
Alam ko namang nagbibingi-han lang ang isang ito at kunwari ay hindi narinig ang pagmumura ko.
“Ay, sir! ” biglang singit ni Ali. “Pasensya na at nasigawan ka ng kaibigan ko kanina. Ang totoo po kasi n'yan ay tinuturuan n'ya akong umarte dahil nabanggit ko kasi sa kanya na sasali ako sa drama club, mukhang nadala lang ito sa eksena, kaya pati kayo ay namura n'ya.” palusot ni Ali syaka pumalakpak at kunwari amaze na amaze sa akin. “Grabeh! Ang galing mo palang umarte Sadako--, este Amethyst, diba? Sir?” tanong nito kay Lucas.
Aba, mabuti naman at naisipan akong pagtakpan ng magaling kong kaibigan, kung tutuusin siya itong may dahilan kung bakit ito nangyari.
“O-Ohh, yeah… Great job Amethyst!” sabi nito. “I didn’t know na magaling ka palang umarte, nadala nga ako kanina, akala ko talaga para sa'kin yung sinabi mo.” nakangiting sabi ni Lucas.
Para sa iyo talaga yun piste ka!
Maya-maya biglang bumaling si Lucas kay Ali. “By the way, ngayon lang kita nakita, bago ka lang ba dito?” magiliw na tanong ni Lucas kay Ali.
“Yes po sir, I’m Alexis Sanchez po, but you can call me Ali, ka-ta-transfer ko lang ngayong araw, magkaklase po kami ni Amethyst at nagpasama po ako sa kanya dito.” magalang na sagot ni Ali.
BINABASA MO ANG
Alive once Again (Season 1 - Completed)
RomanceI hate my life... But it doesn't mean that I wanted to die. Mahal ko ang buhay ko kahit nitong mga nakaraang araw ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin. Hindi ako na-promote sa trabaho dahil sira-ulo ang supervisor ko. Lasingera ang nanay...