Chapter One

2.9K 350 483
                                    

Thank you for the one who votes! and the picture above is Amethyst. Happy Reading!

" CHAPTER ONE "

This is not my face.

This is not my body.

And this is definitely not me!

What the hell is happening in here?!

Sino itong teenager na ito? P-Paano ako napunta sa katawan ng batang ito?!

Diyos ko! Nananaginip ba ako? Part two ba ito ng bangungot ko?!

Sinubukan kong ipinikit ang mata ko ng mariin, nagbabasakaling panaginip lang ang lahat ng ito pero ng muli kong idinilat ang mga mata ko ay iyong di pamilyar pa rin na babae ang nakikita ko sa salamin.

Diyos ko! Pakiramdam ko ay aatakihin ako kahit wala naman akong sakit sa puso. Anong kababalaghan ito?!

Impossible namang nagpa-retoke ako, dahil hello? I’m freaking 23 years old woman and this body? This body looks like it belongs to a 16 or 17 years old teenager!

Wait?

Did I die?

Tapos na reincarnate ulit?

Gaya ng mga nababasa at napapanood ko sa T.V?

Agad akong humanap ng kalendaryo sa loob ng kwarto, at sa awa ng Diyos, meron naman akong nakita agad at  nakahinga ako ng maluwag ng malaman na nasa 2020 parin ako, nasa kasalukuyang panahon parin naman ako.

Then memories flashes back about what happened the night I was hit by a car.

Ohh Diyos na mahabagin!

What happened to my body then?!

Yung katawan ko? Asan na?  or kung tuluyan man talaga akong namatay, asan na yung bangkay ko? Nailibing na ba ako? Napatingin ulit ako sa kalendaryo, March pa rin naman, pareho parin yung petsa kung anong buwan akong nasagasaan, sa totoo lang nga, lumipas lang ng 3 araw simula nang mangyari ang aksidenteng iyon.

Huminga ako ng malalim.

I need to calm down.

I have to calm down.

Mahirap man pero kailangan kong kumalma dahil baka tuluyan na akong masiraan ng bait dito. Paano ba kasi ako napunta sa katawang ito?

Anong kababalaghan ang nangyayari sa akin?

At sino ba itong sinapian ng kaluluwa ko--?

Naputol ang mga katanungan ko sa isip ko ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto at pumasok ang isang babae, teenager rin at mukhang kasing edad lang rin ng batang sinapian ko.

Huminto ito sa harapan ko at sinamaan ako ng tingin na ipinag-tataka ko.

"What took you so long, loser?" mataray na sabi sa akin ng babaeng naka-uniporme tapos tinignan ako mula ulo hanggang paa na mas lalong ikinabusangot ng mukha nito. “And come on! Hindi ka pa ba bihis?! Alam mo ba kung anong oras na?! Kapag na-late ako ng dahil sa'yo, malilintikan ka talaga sa akin Amethyst!” mataray na sigaw nito at padabog na lumabas ng kwarto.

Naiwan ulit ako mag-isa sa kwarto habang nakatulalang nakatingin sa pintuan kung saan lumabas ang babae kanina.

So? Amethyst pala ang pangalan nitong katawan na sinapian ko? at sinong yung mataray na bata na 'yon?

Bago pa ako malunod ulit sa sarili kong katanungan, mas minabuti kong magbihis kagaya ng uniporme ng babae kanina.

Hindi ko man alam ang nangyayari at kahit pakiramdam ko ay hindi magtatagal ay magkakaroon na ako ng panic attack, mas minabuti ko nalang sundin ang sa tingin ko ay dapat gawin sa sitwasyon na ito.

Alive once Again (Season 1 - Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon