Chapter Twenty Two

1.4K 117 123
                                    

Sa mga nacu-curious sa itsura ng mga alaga ni Ali, see photo above.

Enjoy and Happy Reading!


“ CHAPTER TWENTY TWO ”

(~16 years old Ali's P.O.V ~ Flashback continuation…~)

Ako ang tipo ng taong hindi basta basta umiiyak sa isang bagay.

Kaya ng mapansin ko ang pagpatak ng luha ko ay agad ko itong pinahid na para bang wala lang nangyari.

Mabilis kong kinuha ang bote ng alak na yakap yakap niya at walang anu-anoy tinungga iyon syaka tumingala rin sa kalangitan.

Ilang minuto rin kaming natahimik, kapwa walang nagsalita sa amin. Patuloy lang kami nakatingala at pinagmamasdan ang kagandahan ng kabilugan ng buwan.

Maya maya nagsalita ako.

“ Maraming salamat kabute.” sabi ko dito.

“ Walang anuman, duwende.” sagot naman nito.

( 1 hour later ~~~)

“ ….. So ayon nga! Sinunggaban ko siya ng halik sa harap ng maraming tao! Kung nakita mo lang ang reaksyon ng mokong na iyon ay talagang matatawa ka! At pagkatapos bigla na namang umeksena ang epal nitong bestfriend at akalain mong sinabunutan ako?” mahabang kwento nito.

Actually, hindi ko na matandaan kung saan na yung kwento ng babaeng ito ehh, masyado na akong lasing habang nakikinig sa storya nila ng ex-boyfriend niya yata?

Basta tango-tango lang ang ginawa ko dahil hilong-hilo na rin ako dahil sa epekto ng alak na iniinom ko.

“ Ohh? Nagpasabunot ka naman?” lasing kong tanong dito.

“ Ha! Syempre hindi! Matapos niyang gawin sa akin iyon ay binigyan ko siya ng malakas na suntok kaya ayon, bagsak ang bruha at dinala sa clinic, Hahaha!”

Agad naman akong humalakhak sa sinabi nito at ewan ko ba kung bakit ako natawa gayong hindi naman nakakatawa.

“ Hahahaha, sira-ulo ka pala hahaha.” natatawang sabi ko dito.

“ Excuse me lang noh! Nang dahil naman doon ay nasungkit namin ang ‘best couple award’, akalain mo? nagka-award pa kami ng dahil doon hahahaha!”

“ Hahahahaha!”

Tawa lang ako ng tawa habang iniinom yung natirang alak doon sa bote.

Lasing na nga talaga ako dahil hindi naman ako tumatawa ng ganito.

Hayyy, lasing na ako.

( Another 1 hour later~~~)

“ …. Alam mo bang ang sakit nun?!” naiiyak sa sabi nito na puno hinanakit. “ Ang sakit sakit ng ginawa niya? Sa lahat ng tao na pwedeng gumawa nun, bakit siya pa? Nang araw din na iyon ay hiniwalayan ko siya, iyak ako ng iyak matapos noon at two years ago pa iyon ha, pero hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako pag-naalala ang pagtatraydor niya sa akin, whuaahhhh! Minahal ko siya ng sobra ehhh!!” hinanakit na sabi nito syaka umiiyak ng malakas na dinaig pa ang sanggol.

Kung kanina ay tawa kami ng tawa sa kwento niya, ngayon naman ay sabay din kaming umiiyak. Oo maski ako naiiyak sa hindi naman nakakaiyak na kwento.

Epekto talaga eto ng alak ehh, kaya sobrang emosyonal ko ngayon.

“ Kawawa ka naman,” humihikbi kong sabi dito sabay tinapik yung balikat niya na para bang pinapatahan siya. “ Okay lang iyan, makakarma din sila.”

Alive once Again (Season 1 - Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon