Si Emily po yung nasa taas. Happy Reading!
" CHAPTER TWO "
I am Susannah Lopez Alcantara, 23 years of age. My friends and colleagues call me "Susie" for short. Nagtatrabaho ako sa isang kilalang Finance Company sa bansa. Masipag naman daw ako sabi ng mga katrabaho ko at sa tingin ko naman ay mabuti akong empleyado. Ang nanay ko lang ang tanging pamilya na mayroon ako pero halata namang ayaw n'ya sa akin pero, sorry nalang s'ya, wala s'yang choice, kung hindi ang pagtiisan ako.
Hindi ako lumaki sa karangyaan kaya lumaki akong madiskarte sa buhay. Mahirap talaga kapag laki ka sa hirap. Kung mahina ka, talo ka. Ipinanganak akong mahirap pero hindi ako mamamatay ng mahirap. Unti-unti ko ng natutupad yung mga pangarap ko sa buhay, hindi man ako nakapagtapos, nakahanap naman ako ng magandang trabaho. Medyo hindi kalakihan ang sweldo pero sapat na para makapag-ipon kahit kunti. Unti-unti ko narin nababayaran yung utang namin. Hindi magtatagal, aasenso rin ako.
But...
Life is unfair.
Namatay ako ng di oras.
Hindi nga ako namatay ng mahirap pero hindi rin naman ako namatay na umaasenso.
Buhay nga naman...medyo unfair.
That's why I hate life...
But no matter how much I hate my life, I guess life can be good sometimes...
To the point na binuhay niya ako ulit.
Kahit sa katawan na hindi naman sa akin."Okay class, siguro naman alam n'yo ng kagagaling lang ni Ms.Villaflor sa ospital, medyo huli na s'ya sa ibang lesson natin kaya sana ay tulungan natin siyang makahabol, do I make myself clear class?" sabi ni nung teacher.
"Yes maam!" chorus na sagot naman ng mga kaklase ko.
Sa ngayon, nasa loob na ako ng classroom nitong si Amethyst, kasalukuyan kong hinihipan itong mahaba kong bangs na hagpas na sa mata ko habang nakikinig sa teacher.
Humanda 'tong bangs na ito sa akin mamaya, sisiguruduhin kong tapos na ang maliligayang araw na nito sa akin.
"Ms. Villaflor..." biglang tawag sa akin nung teacher kaya napatingin ako dito. "If may kailangan ka, sabihan mo lang ako, okay?" nakangiting tugon nito.
BINABASA MO ANG
Alive once Again (Season 1 - Completed)
Storie d'amoreI hate my life... But it doesn't mean that I wanted to die. Mahal ko ang buhay ko kahit nitong mga nakaraang araw ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin. Hindi ako na-promote sa trabaho dahil sira-ulo ang supervisor ko. Lasingera ang nanay...