Chapter Eighteen

1.2K 103 118
                                    

The photo above si Gov. Jimenez, ang papa ni Lucas.

Enjoy and Happy Reading!


“ CHAPTER EIGHTEEN ”

" U-Uhm, Margo? hindi mo naitatanong pero may alam akong magandang mental hospital dito sa lugar na ito, according sa website na nabasa ko galing dito, maganda daw ang mga facilities at magagaling din daw ang mga doktor doon, at ito pa, may kilala akong taong nagtatrabaho doon, pwede ko siyang kausapin para bigyan ka ng malaki-laking discount---,Ayyyyyy!!!!!" bigla akong napatili ng itapon niya sa direksyon ang isa sa mga upuan dito sa classroom pero mabuti nalang at nakailag ako agad kaya tumama lang ang upuan sa labas ng bintana.

" Don't you dare talk to me as if I need a fucking doctor! At anong mental hospital iyang sinasabi mo? Hindi ako baliw!" galit na sigaw niya habang itinututok sa akin ang hawak niyang matalas na gunting.

" Okay fine! Sabihin na nating hindi ka nga baliw, sinapian ka lang ng masamang espiritu, ng masamang baliw na espiritu! Alam ko na! Kailangan mo ng Albularyo, tama... May kilala akong magaling na albularyo, si mang Asyong! Magtiwala ka, magaling siyang albularyo, proven and tested---!"

" SHUT UP! SHUT UP! SHUT UP!!!" paulit-ulit na sigaw nito tapos sinabunutan niya pa ang sarili niya na parang baliw.

Well, literal na baliw nga pala ito kaya hindi na ako magtataka.

" Margo, please huminahon ka...” pagkakalma ko dito. “ As much as possible, ayaw kitang saktan." mahinahon kong sabi dito. " Pwede naman natin itong idaan sa magandang usapan ehh."

" Then give me back Lucas!" diretsong sabi nito. " In the first place, mas nauna naman ako kaysa sa'yo that's why supposedly he's mine!" sigaw nito sa akin.

Sa sinabi niyang iyon, doon na ako nainis ng tuluyan. Naubos na yata ang katiting na pasensya ko sa baliw na babaeng ito.

Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong-hiniga bago nakapamewang na tinignan siya.

Alive once Again (Season 1 - Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon