Enjoy and Happy reading everyone!
"PROLOGUE"
Mabilis ang ginawa kong pagtakbo.
Habang paminsan-minsan ay lumilingon ako sa likuran ko, tinitignan kung hinahabol parin ba ako ng security guard na napagkamalan akong myembro ng 'Tanim-bala gang'.
"Tumigil ka! Pag nahuli talaga kitang bata ka ay ipapadampot kita sa DSWD makikita mo!" hinihingal na sigaw ng security guard na humahabol sa akin.
Hindi ko alam kung matatakot ba ako o mabibilib kay manong guard.
Biruin mo, halos kalahating oras
na kaming naghahabulan pero wala man lang maski isa sa amin ang sumuko.Biglang rumihistro sa isip ko ang pagmumukha ng magaling kong kaibigan.
Kasalanan tong lahat ni Ali ehh!
Hayop kang duwende ka! Malilintikan ka talaga sa akin pag nakita kita!
Kung hindi ba naman kasi sira ulo tong kaibigan ko, napagtripan ba namang lagyan ang bag ko ng pekeng bala!
Ayaw namang maniwala nitong si manong guard na peke iyon kaya ito kami ngayon, naghahabulan sa gilid ng kalsada.
Hay buhay!
Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo.
Hindi ako pwedeng maabutan nitong si manong guard dahil siguradong DSWD ang bagsak ko.
At no offend naman sa taga-DSWD ha, wala naman akong issue sa kanila ehh, sa katunayan ay ako ang may problema, malaki na kasi ang trauma ko sa lahat ng kawani ng goberno kaya ayaw ko ng ma-involved pa sa kahit isa man sa kanila.
Napatingin ulit ako sa likod ko at napansin kong wala ng humahabol sa akin na security guard.
Napangiti ako, mukhang tinablan na rin sa wakas ng pagod si manong guard ahh kaya tumigil.
Pero napatigil ako bigla.
At napatingin ako sa paligid ko, hindi ko namalayan na umabot na pala ako sa gitna ng kalsada.
Paalis na sana ako ng bigla akong nakarinig ng sunod-sunod na busina ng sasakyan.
Napatingin ako at doon ko nakita ang rumaragasang sasakyan na patungo sa direksyon ko.
Huli na nang maka-ilag ako...
Because suddenly,
Everything went black.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
~toothhh~toothhh~toothhh~
( A/N: paki-imagine nyo nalang po ang tunog ng heart monitor sa hospital.)
.
.
.
.
.
.
.
Anong nangyayari?
.
.
.
.
.At ano iyong naririnig kong paulit-ulit na ingay?
Nandidilim ang paningin ko at unti-unti akong nakakaramdam ng panghihina.
Iyon bang nahihirapan akong makahinga.
At sa hindi malamang dahilan ay hindi ko maigalaw bigla ang katawan ko.
Namatay ba ulit ako?
Ang huling natatandaan ko ay muntikan na akong masagasaan kanina.
Tuluyan ba akong nasagasaan kanina?
Maya maya ang naramdaman ko ang biglang tension sa paligid.
"Tawagin mo ang doctor! Sabihin mo gumalaw ang kamay ng pasyente!" narinig kong biglang sigaw ng kung sino man.
Doktor? Nasa ospital ba ako?
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at matapos ang ilang subok at tuluyan kong nabuksan ang mga mata ko.
Pero malabo...
May nakikita akong pigura ng ilang tao sa paligid pero hindi ko masyadong makita ang mga mukha nila dahil malabo lahat ang nakikita ko.
Napansin ko rin na parang nakasuot ako ng mask na nakakonekta sa isang oxygen.
Duon ko lang napansin na marami palang nakakabit na ibat-ibang aparato sa buong katawan ko.
"The patient! Gumigising na ang pasyente!" narinig ko pang sigaw ng isang lalaki.
Maya-maya nakarinig ako ng malakas na pagbukas ng pinto at naramdaman ko ang papalapit na hakbang na patungo sa kinaroroonan ko.
"S-Susannah...." nangiginig na sabi ng kung sinuman. "G-Gising ka na..."
Hindi ko matukoy kung sino ito dahil hindi ko maaninag ang itsura nito.
Hindi ko rin matukoy kung babae ba ito o lalaki.
Pero teka....
Susannah?!
Hindi ba't si Amethyst ang nasagasaan kanina?!
T-Teka, b-bakit nila akong tinawag na Susannah?!
Anong nangyayari???
H-Hindi kaya---?
Bigla akong nalito sa nangyayari.
Muli akong nakaramdam ng panhihina.
At maya-maya naramdam ulit ng pagka-antok.
Hindi ko man gustuhin pero unti-unti kong naiipikit ang mga mata ko.
Pero rinig na rinig ko ang pagkatutol sa paligid.
"N-No! No! No! S-Susannah, p-please open your eyes! Susannah!!!"
Iyon na ang huling narinig ko bago tuluyang nandilim ulit ang paningin ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."Hoy miss! Pwede ba sa susunod mag-iingat ka naman! Muntikan na kitang masagasaan!"
Bigla akong nabalik sa ulirat ng marinig kong may sumigaw sa akin.
"Huh?" natatakang sambit ko sa sarili habang nalilitong naka angat ng tingin sa galit na lalaking sumisigaw sa akin.
"Nakikinig ka bang bata ka?! Tang-ina! Perwisyo ka sa trabaho ko! Sa susunod, mag-iingat ka!" galit na sigaw nito at padabog na umakyat sa truck nito.
Lutang parin ako habang pinagmamasdan ang truck na umaandar palayo sa kinalalagyan ko.
Maya-maya napatingin ako sa paligid ko.
Kasalukuyan akong naka-upo sa gilid ng kalsada kung saan ako tumatakbo kanina.
Wala sa loob ko na kinapa-kapa ang sarili ko.
Wala namang akong sugat at mas lalong wala namang masakit sa katawan ko.
Pero...
Sa pagkakatanda ko ay nakahilata ako sa isang kama kanina habang nakakabit ang ilang hindi pamilyar na aparato sa katawan ko.
At hindi ako nagkakamali...
May tumawag sa aking "Susannah" kanina.
Sigurado ako...
May tumawag sa totoo kong pangalan kanina!
"My God, what the heck happened?" wala sa loob kong sambit sa sarili.
Ibig bang sabihin nito ay...
Buhay ako?
( Thanks for reading everyone. Sana nagustuhan ninyo ang maikli kong prologue sa season 2. Susubukan kong makapag-update agad para first chapter ng season 2. Maraming salamat ulit sa paghihintay.
Don't forget to click the vote button if you like this chapter. Comments are highly appreciated! )
![](https://img.wattpad.com/cover/220819457-288-k371446.jpg)
BINABASA MO ANG
Alive once Again (Season 1 - Completed)
RomanceI hate my life... But it doesn't mean that I wanted to die. Mahal ko ang buhay ko kahit nitong mga nakaraang araw ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin. Hindi ako na-promote sa trabaho dahil sira-ulo ang supervisor ko. Lasingera ang nanay...