Hi ulit sa mga readers ko! Thank you sa lahat ng nagcomments at nag vote sa previous chapter. Enjoy and Happy Reading Everyone!
" CHAPTER TWENTY-FIVE "
(Ali's POV)"Sa isang malayong paaralan na kung tawagin ay 'Eastern High' ay may dalawang taong lihim na nagmamahalan. Noong una, hindi talaga maganda ang simula ng kanilang unang pagkikita dahil ang dalawang taong ito ay may salungat na ugali at personalidad..."
"Uhm, excuse me---?"
Hindi ko pinansin ang taong sumingit sa kalagitnaan ng kwento ko bagkus ay nagpatuloy lamang ako sa pagkukwento na animo'y hindi siya naririnig.
"The first one, is a certified bully, while the other is the one being bullied..." pagpapatuloy ko.
"A-Ahh, uhm? Sandali lang---!"
Once again, he interrupt me but like what I did earlier, I simply ignore him, then I continue.
"The bully is popular, while the other one is not. The bully one is talkative, while the other one is shy. The bully is a jock while the other one is geek. Kaya kung iisiping mabuti, hindi mo aakalain na magkakagusto sila sa isa't-isa, I mean, sa mga libro lang naman nangyayari ang ganyan diba? Kaya nakakatuwang isipin na nangyayari din pala ang ganito sa totoong buhay. Well, sabi nga ng isang kanta, 'kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito.'"
Muli ay sumingit na naman ito sa pagkukwento ko at nagsalita.
"E-Excuse me, I don't want to be rude, but I'm think I have to go. Hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap mo o ano, so if you'll excuse me, bye---!" narinig kong sabi ng katabi ko at akmang tatayo na ito mula sa kinauupuan naming bench pero agad ko ring hinawakan ang balikat nito at sapilitang ibinalik sa pagkakaupo.
"Hey, wag ka namang KJ diyan, huwag ka munang umalis." sabi ko dito. "Patapusin mo muna ako sa kwento ko, maganda 'toh, pramis!"
Alanganin naman itong tumingin sa akin bago nagsalita. "W-Well, as much as I want to hear that story of yours, I don't know you and I don't want to talk to a stranger." mahinang sabi nito.
Napangiti lang ako sa pagkamahiyain ng taong nasa harapan ko. Sabagay, hindi ko rin naman masisisi ang isang 'toh kung naisin man nitong umalis, siguro ay na wewerduhan na ito sa akin.
Paano ba namang kasing hindi? Ehh basta-basta nalang akong sumulpot sa tabi nito syaka nagkwento ng kung anu-ano.
Kasalukuyan kasi itong nag-iisa at payapang nagbabasa ng isang libro dito sa abandonadong hardin kung saan may ilang nakalaang upuan na siyang inuupuan namin ngayon. Tahimik itong nagbabasa ng librong binabasa nito nang pasimple akong umupo sa kinauupuan nito at tumabi dito. Kaya syempre agad itong napatigil sa pagbabasa at nagtatakang napatingin sa akin. Magsasalita na nga sana ito pero hindi na nito nagawa dahil nagsimula na akong magkwento.
"Come on, schoolmates naman tayo diba? And don't worry I am not here to bully you just like what others did to you." nakangiti kong sabi dito. "Pangako, magugustuhan mo ang kwentong ito, so please? Pakinggan mo muna ako, tutal malapit na akong matapos." Pakiusap ko dito habang nakangiti ng inosente dito.
BINABASA MO ANG
Alive once Again (Season 1 - Completed)
RomanceI hate my life... But it doesn't mean that I wanted to die. Mahal ko ang buhay ko kahit nitong mga nakaraang araw ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin. Hindi ako na-promote sa trabaho dahil sira-ulo ang supervisor ko. Lasingera ang nanay...