Special Chapter

1.3K 108 95
                                    

Hello ebribadi! Pagpasenyahan nyo at ngayon lang ulit ako nagparamdam. Special Chapter muna tayo bago iyong season 2.

The season 2 will be posted after holy week po. Maraming salamat na naghintay, nag-abang at nag-comment. Salamat din sa lahat ng nag message sa akin at pasensya na dahil hindi ko kayo mareplyan lahat pero sobrang na appreciate ko ito.

Ilang buwan din akong nagpahinga kaya medyo kinalawang na ako sa pagsusulat pero sana ay magustuhan nyo parin ang munting special chapter na ito.

Enjoy and Happy Reading!

“SPECIAL CHAPTER”

Ito po iyong mga panahon na nasuspend si Susannah dahil sa nangyari kay Margo.

(Third Person's P.O.V)

"Unfair na buhay to, so ito na ba talaga? Aalis na ako?”

Naguguluhang natong ni Susannah sa sarili.

At nang wala itong makuhang sagot ay nagpatuloy siya sa paghikbi kasabay ng pagsinghot at pagpunas ng sariling luha gamit ang lumang panyo na minana pa niya mismo sa yumaong lola.

Kasalukuyan itong naka-upo sa nag-iisang waiting shed ng kanilang lugar. Hinihintay ang last trip ng bus na dadaan na maghahatid sa kanya papuntang pier. Alas tres pa ng hapon dadaan ang bus pero alas dyes palang ay naroon na siya.

Wala ng masyadong tao kapag ganitong oras at tanging siya na lang yata ang naghihintay ng bus kaya malaya siyang makapag-drama at makipag-usap sa sarili ng walang nakakakita.

Mabigat ang kalooban nitong iwan ang lugar kung saan siya lumaki at nagkamulat, ang lugar kung saan nakalibing ang mga yumao niyang lolo at lola pero dahil sa nangyari ay wala siyang magagawa kung hindi lisanin ang lugar na kinagisnan niya.

“Lolo, lola…” nahihikbing sabi nito. “Kilala nyo naman po ako diba? Alam nyo namang matapang ako? Na hindi ako ang tipo ng taong tinatakbuhan ang problema pero kasi… ang hirap ng bumalik sa lugar na ito, na halos nalang ng tao ay hinuhusgahan ako, tapos ang sakit ding humarap sa taong akala mo ay kakampihan ka pero traydor pala tapos ang malala, mahal mo pa whaaahhhh, bwisit ayoko ko ng magmahal!” at muli naman itong napahagulhol ng iyak.

Si Lucas…

Ang kauna-unahang taong minahal niya, at siya ring kauna-unahang taong nagwasak ng puso niya.

Magkahalong lungkot, sakit, galit at poot ang nararamdaman ni Susannah sa tuwing na aalala niya si Lucas at ang ginawa nito sa kanya.

“TARANTADO!” malakas at galit na sigaw nito na umalingaw-ngaw pa sa buong paligid. “Makakarma ka rin sa ginawa mo sa akin hayop ka! Akala mo, hindi kita kayang ipakulam?! Kaya ko noh! Wala lang akong time, kapos lang ako sa oras kaya hindi ako nakapag-appointment sa mangkukulam kanina! Magsama kayo ng babaeng may sayad na iyon! Mas maganda itong sinayang mo uy!” hinihingal pa na sigaw nito.

Nang medyo kumalma na ito ay doon na yata siya tinablan ng gutom. Ilang araw din kasi siyang hindi nakakakain ng maayos dahil sa nangyari. Saglit itong napatingin sa relo, may kalahating oras pa siyang natitira bago dumating ang bus kaya naisipan na muna nitong mag meryenda.

Bitbit ang malaking bag niya ay tumayo ito sa waiting shed at naghanap ng makakain.

Habang naglalakad ay napansin niya ang ilang bata na nagkukumpulan at noong una ay akala niya, naglalaro lamang ang mga ito pero maya maya ay naririnig niya itong nagtutuksuhan.

“Hoy pangit!” sabi ng matabang batang lalaki na may dala pang banana que doon sa isang bata. “Akin na iyang pusa mo!” utos nito.

“A-ayoko ko… n-nakita ko kayo kanina, binabato ninyo si Mingming.” sabi ng batang babae habang mahigpit na niyayakap ang isang pusa.

Alive once Again (Season 1 - Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon