Thank you sa lahat ng nag-vote at salamat sa magagandang comments. By the way, si Justine po yung picture sa taas. Happy reading everyone!
" CHAPTER THREE "
An inch.
Just an inch.
Isang pulgada nalang kasi ang layo ng ballpen ko sa isang mata nito.
At isang maling galaw lang ng Josh na ito ay paniguradong bulag na ang kaliwang mata nito.
I was very satisfy to see the horror in his eyes right now.
Nanlaki kasi ang mga mata nito habang nakatutok sa dulo ng ballpen ko. Kulang nalang ay maduling s'ya. Kitang-kita din ang tumutulo nito pawis sa noo at pigil din ang ginawa nitong paghinga.
Bumaling naman ako saglit sa mga kaklase ko. Parang nag 'Freeze' ang lahat ng tao sa buong classroom.
Tahimik lang ang lahat at walang nangahas na magsalita sa paligid. Kagaya rin ni Josh, halos pigil din ang mga hininga ng mga ito sa eksenang nasasaksihan.
Wari'y nag-aabang sa susunod na mangyayari.
Ohh dear, wala man lang bang gusto umawat? like hello? bubulagin ko na ang kaklase n'yo 'ohh!
Well, hindi ko naman talaga bubulagin ang isang ito. Though I was tempted, but of course, hindi naman ako ganoon kasama. Tuturuan ko lang naman ng leksyon ang suwail na batang ito.
I'm not that evil, you know.
But yeah, demonic most of the time.
I let out a signed. I mean, what am I doing? Dapat sana ngayon ay inaalam ko kung ano ang totoong nangyari sa katawan ko hindi itong nakikipag-away ako sa mga mas bata pa sa akin?
Muli, nagpakawala ako buntong-hininga bago ilayo ang hawak kong ballpen kay Josh.
Agad itong umatras palayo sa akin at mukhang bumigay yata ang tuhod nito dahil natumba ito sa sahig.
Then he looked up at me, trembling while pointing his finger at me.
“B-Baliw ka ba talaga?! Y-You almost killed me?!” nanginginig at na-uutal nitong sabi sa akin.
I rolled my eyes at his accusation.
"You're exaggerating, pinagtangkaan kitang bulagin, hindi patayin. It's two different things, okay?" I said."But still--!"
“What? you really think I can't do it?” I cut him off. “Remember, in the first place, ikaw itong unang naghamon sa akin. Next time kid, know your opponent and please, do not underestimate me, I maybe looked weak but you never know, baka ako pa ang magpatumba sa'yo, so you better be careful next time, pasalamat ka at hindi ako pumapatol sa mga hindi ko 'ka-level'.”
Wala akong narinig mula kay Josh kaya matapos kong sabihin iyon, agad ko ng kinuha ang mga gamit ko at naglakad patungo ng pintuan ng classroom para makalabas.
Tahimik lang ang lahat at ramdam kong tinitignan nila ang bawat galaw ko pero hindi ko sila pinansin. Wala akong pakialam kahit bilangin pa nila ang hininga ko!
Malapit na ako sa pintuan ng bigla kong lingunin ang mga nakatulala kong mga kaklase.
“S'yangapala, tutal, mga tsismosa naman kayo, wala akong paki-alam kung ipagkalat n'yo ang nangyari ngayon, but in case lang naman na ipagkalat ninyo, dagdagan n'yo na rin na hindi na akong pwedeng tarantaduhin ng kung sinu-sino dito, hindi na ako ang dating Amethyst na kilala ninyo mga pisteng bata kayo!” sigaw ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Alive once Again (Season 1 - Completed)
RomanceI hate my life... But it doesn't mean that I wanted to die. Mahal ko ang buhay ko kahit nitong mga nakaraang araw ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin. Hindi ako na-promote sa trabaho dahil sira-ulo ang supervisor ko. Lasingera ang nanay...