Chapter Ten

1.6K 171 268
                                    

The picture above is Tristan.

I want to dedicate this chapter to Lallieanne , Cyx6Aidana and Skyblue_Zhen. Thank you so much po sa support na ibinibigay n'yo sa story na ito, sa FB man or maging sa Wattpad :)

“ CHAPTER TEN ”

Actually, marami talaga akong naisip na gawin sa oras magtagpo ang landas namin ng Tristan na iyon.

And believe me, it doesn’t include good things…

Akala ko nga medyo matatagalan pa ang pagkikita naming dalawa.

But tadaah! he is here right now, right in front of me.

Gusto ko sanang suntukin ang lalaking ito ngayon, o di kaya'y sakalin, pwede rin na ibitin ng patiwarik, sipain, iuntog ang ulo at sapakin hanggang hindi na makatayo.

But it’s too early for that so pass muna ako sa mga maitim kong balak.

Isa pa, hindi naman ako gagawa ng krimen kung may witness, sa ngayon kasi andito din itong si Xander.

So ayon nga, ipagpapaliban ko muna ang mga plano ko.

Because right now, I am still enjoying his reaction.

I am very much satisfy to see the horror in his eyes, that fucking eyes that once adored by Amethyst but now, wala munang epek sa akin ang mga magagandang mata nito dahil hindi naman ako si Amethyst, kung ako lang ang masusunod matagal ko ng  dinukot ang mga matang iyan ehh.

Napailing ako, I really need to stop this evil thoughts right now or else, magagawa ko ito ng hindi ko namamalayan.

Mahirap na.

So, balik muna uli tayo sa reaksyon ng Tristan na ito.

Hanggang ngayon kasi mukhang hindi parin ito makapaniwala sa nakikita. Daig pa ang nasa horror movie ang pagkagulat nito,  para lang nakakita ng multo.

Yeah, multo ng nakaraan.

But of course, he has all the rights to be shock because he is facing Amethyst right now.

A different Amethyst. The new and improved Amethyst.

Well, hindi ko rin naman masisisi ang isang ito kung matulala man ito. Ibang-iba na si Amethyst ngayon.

Hindi siya ang dating mahiyain, ang laging hindi nag-aayos nag-aayos, yung oversized lagi yung uniform at wala na rin ang lagpas mata nitong bangs.

Maganda na si Amethyst ngayon.

I mean maganda naman noon si Amethyst pero di niya lang naipapakita kaya ako na ang gumawa para sa kanya. Inayos ko na ang bangs nito, naglagay na ako ng konting make-up sa maputla nitong mukha at nagawan ko na rin ng paraan ang mga oversized na mga uniform nito.

Napatingin ulit ako kay Tristan at pinilit kong huwag ipakita ang aking victory smile.

Heh, nganga pa more!

Maglaway ka ngayon ugok!

Mas maganda pa ako sa mga celebrity na ka love team mo!

Pagmasdan mo ngayon ang sinayang mo! Muwahahaha!

Nung medyo, nangangalay na ko sa katatayo tapos itong nasa harap ko, tulala parin sa kagandahan ko. Naisipan ko ng kunin ang atensyon nito.

So, I snap my finger at his face just to grab his attention.

Alive once Again (Season 1 - Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon