S2: Chapter Thirty Two

1.2K 118 72
                                    

Sana magustuhan ninyo ang update na ito. Maraming salamat sa paghihintay! Thank you din sa lahat ng nag vote at nagcomment sa previous chapters. Enjoy and Happy reading everyone!

SEASON TWO:
“Chapter Thirty Two”

Matapos umalis ni Emily sa harapan ko kanina ay dumako ang mata ko sa naka-awang na pinto ng opisina ng tatay ni Amethyst, dahil nga medyo bukas iyong pintuan ng opisina, hindi ko mapigilang hindi silipin ang kalagayan nito sa loob.

Nakaupo sa swivel chair ang papa nito, bakas sa itsura nito ang lungkot at stress. Hindi ko maiwasang hindi maawa rito, hindi ko man ito totoong ama ay nakakasigurado naman akong mabuting  tatay ito kina Emily at Amethyst.

Minsan din nga nakakaramdam ako ng inggit kay Amethyst. Kahit wala na itong nanay ay may mabuti din naman siyang tatay na lagi siyang inaalala hindi kagaya kong wala na ngang tatay, hindi pa pinapahalagahan ng nanay. Tingin ko nga ehh, hindi man lang napansin ng isang iyon na nawawala iyong kaisa-isa nitong anak.

Bata pa lang ako ay alam ko ng ayaw sa akin ng nanay ko. Ayon sa kanya, isa akong napakamalaking pagkakamali sa buhay niya kaya nga matapos akong ipinanganak nun ay iniwan na ako sa lolo at lola ko. Hindi ko nakilala ang tunay kong ama, ni wala nga akong ideya kung buhay pa ba iyon at kung sakaling buhay man ay ewan ko nalang kung aware ba itong nag e-exist ako dito sa planetang earth.

Gusto ko nga sanang ipasilip kay Ali si inay para sana malaman ang kalagayan nito pero ayon nga, hindi naman 'peace' ang dalawang iyon.

Napabuntong hininga ako, kahit naman ganun iyong nanay ko, mahal ko din naman iyon.

Muling dumako ang tingin ko sa tatay nitong si Amethyst at napansin kong malalim ang iniisip nito at kapansin-pansin din ang nagbabadyang luha sa mga mata nito.

Hindi ko napigilang hindi ito kausapin, kaya pasimple ko munang kinatok iyong nakaawang nitong pinto habang nakasilip dito.

Nang marinig nito iyong katok ay agad itong napatingin sa pintuan at nang makita ako ay pilit nitong inayos ang sarili at pilit na ngumiti na para bang walang nangyaring away sa pagitan ng anak nito kanina.

“Ohh, Amethyst anak? Anong ginagawa mo dito? May kailangan ka ba? Ohh right! Mr. Alfante called me earlier about what happen to you? Ayos ka na ba hija?” malambing na tanong nito sa akin. “Halika ka hija, pumasok ka at maupo ka.”

Sinunod ko naman ang sinabi nito at agad na umupo sa katapat na upuan sa mesa nito.

“Uhm, wala naman po akong kailangan actually at okay na po ako.” sabi ko. “Ang totoo po niyan ay narinig ko ang pag-aaway ninyong dalawa ni Emily kanina, gusto ko lang sanang itanong kung okay ka lang ba sir—este, dad?” tanong ko dito.

Ngumiti muna ito sa akin bago sumagot.

“Yes anak, ayos lang ako.” sabi nito kahit halata namang hindi ito okay. “Pasensya na at narinig mo pa ang sigawan namin ng kapatid mo. We we’re just talking…”

“Uhm, narinig ko pong n-nabuntis daw si Emily?” sabi ko dito tapos napalunok muna bago nagpatuloy sa pagsasalita. “A-At ipinalaglag niya pa?”

Saglit muna itong natahimik at natigilan bago magsalita. “Yeah.” malungkot na sabi nito. “I think hindi ko yata nagampanan ng maayos ang pagiging ama ko sa inyo, ni hindi ko nga alam ang nangyayari sa mga anak ko, ni hindi nyo nga makwento sa akin ang mga problema ninyo, nalalaman ko lang lagi kapag huli na ang lahat.  I’m very sorry Amethyst, I failed as a father.”

Nangibabaw muna ang ilang minutong katahimikan sa paligid. Nakatungo lang ito habang ako naman ay tahimik na nagmamasid dito.

Matagal ko ng alam na pinanganak akong pakialamera kaya syempre nakialam na naman ako sa ganitong sitwasyon.

Alive once Again (Season 1 - Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon