Ang picture na nasa taas ay si Lucas noong high school pa siya.
This chapter is dedicated to cjameseustaquio congrats! at natapos mo na iyong story mo at maraming salamat sa pag mention sa akin sa last part ng story mo. Kay CjStaCruz5 na nagsabing unique ang story ko, kay Lady_lovelorn sa patuloy na pagcocomment sa story ko, pati na rin kina RyRyEnaj Maryjoygwapa1 astromaui siriixx emperor_jinn gyssacamoro .
Enjoy and Happy Readings!
“ CHAPTER THIRTEEN ”
( Flashback continuation…)
I am a certified ‘Latecomer’.
At para sabihin ko sa inyo, hindi ko ito ipinagmamalaki. Ilang beses na naglanding ang mga chalk na ibinabato ni Mr.Flores sa ulo ko dahil sa palaging late ko sa klase niya kaya hindi nakaka-proud ang pagiging latecomer ko.
So yeah, I have always been a latecomer.
But not this time.
Wala pang alas siete ng umaga ay naglalakad na ako sa building patungo ng classroom ko.
Bakit ako napaaga ng gising?
Well, hindi lang naman ako nakatulog kagabi sa kaka-isip kung saan banda ako nagmukhang baliw and worse, saang banda ako naging mukhang myembro pa ng kulto!
Ang lampayatot na Lucas na iyon!
Hindi porke't naka-eyeglass siya ay pwede na siyang magbulag-bulagan! Sa ganda kong ito, napagkamalan niya akong baliw at myembro ng kulto! Para sabihin ko sa kanya, ipinaglihi ako ng nanay ko sa isang dyosa!
So ayon nga,
Gumising talaga ako ng maaga dahil kokomprontahin ko iyang si Lucas. Balita ko kasi siya daw ang pinaka-maaga sa klase namin kung dumating.
BINABASA MO ANG
Alive once Again (Season 1 - Completed)
RomanceI hate my life... But it doesn't mean that I wanted to die. Mahal ko ang buhay ko kahit nitong mga nakaraang araw ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin. Hindi ako na-promote sa trabaho dahil sira-ulo ang supervisor ko. Lasingera ang nanay...