Chapter Seven

1.9K 226 259
                                    

Si Xander yung nasa picture sa itaas.

" CHAPTER SEVEN "

"Did you just fucking heard him earlier? Tinawag n'ya akong pandak!"

"Ika pitong beses mo ng tanong iyan at ika pitong beses ko na rin itong sagot, Oo, narinig ko siyang tinawag kang pandak which is true naman talaga kaya Ali maprin, huwag ka ng magalit ehh, Wala na tayong magagawa sa height m---!"

"SHUT UP! Hindi ko tinatanong ang opinyon mo!"

Sa sobrang galit ng maliit na tao sa harapan ko, malakas nitong hinampas ang mesa namin na naging sanhi ng pagtalon at pag-galaw ng mga gamit namin sa ibabaw ng mesa.

"Maprin, calm down. Pinagtitinginan na tayo dito ehh." pagkakalma ko dito syaka lumingon-lingon sa paligid. "Kung hindi mo kasi napapansin, nakaka-disturbo tayo sa mga tao dito."

"Wala akong pakialam!"

"Ali naman ehh, utang na loob, kalimutan mo na ang sinabi ng batang iyon---!"

"NO! Paano ko naman makakalimutan ang insulto ng batang iyon! Hindi pa s'ya nakuntento ng sinabihan n'ya akong pandak at talagang dinagdagan pa n'ya ng little midget! Ehh, kung putulin ko kaya ang matabil n'yang dila?! Ha! tignan ko lang kung mainsulto n'ya pa ako ulit!" galit na sabi ulit nito.

"Ali, hayaan mo na kasi, mukhang nagtanda naman yung mga bata sa ginawa mo ehh." pag-aalo ko dito.

"Aba, dapat lang! kailangan maturuan ng leksyon ang mga suwail na mga batang iyon dahil mukhang hindi yata naturuan ng magandang asal! Ni hindi marunong gumalang sa nakakatanda!"

"Uhm, maprin? In case you already forgot, magkaklase kayo, so huwag mong asahan na iisipin nung bata na mas matanda ka pa sa kanya and I'm sorry to tell you this but he is taller than you, kaya malabong isipin ng maliit n'yang utak na nasa higit bente na iyong edad mo."

"Tsk! Height lang naman ang lamang n'ya sa akin." reklamo nito syaka napasimangot.

Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang naka pout kong kaibigan na mas lalong dumagdag sa baby faced na mukha nito.

Sa lahat kasi ng insultong sinabi ni Karl sa kanya kanina yung 'pandak' at 'little midget' lang yung natandaan n'ya. Mga salitang ayaw na ayaw n'yang ipang-lait sa kanya.

Gusto ko sanang sabihin na tanggapin n'ya na lang ang masaklap na katotohanan na wala na s'yang pag-asang tumangkad, pero ayaw kong ako naman ang pagbalingan ng galit nya kaya shut up nalang muna ako.

Syangapala, kasalukuyan kaming nasa Cafeteria.

Matapos kasing magwala ni Ali sa classroom kanina, dinala ko s'ya dito sa Cafeteria para kumalma at magpalamig ng ulo, and if you're wondering what happened to Karl and his friends, ayon, kasalukuyang nasa clinic, ginagamot yung mga injuries na galing lahat kay Ali. Mabuti na nga lang ay walang dumating na teacher o nagsumbong dahil paniguradong guidance ang bagsak ng maliit kong kaibigan.

Napailing nalang ako nung maalala ang mga nangyari kanina. Pitong kalalakihang kaklase ko ang sinubukan awatin si Ali, pero wala itong nagawa at nadamay pa ang mga kawawang nilalang. Sa pagkaka-alala ko, tatlo yung nasiko n'ya ng malakas, isa yung nasuntok n'ya sa sikmura at yung iba, mukhang nasipa n'ya pa ata at pinadugo ang mga ilong, I even heard broken bones from Karl. Himala ng maituturing na buhay pa iyong bata.

Kaya bago pa sila tuluyang patayin ni Ali, minabuti ko ng umawat at kaladkarin s'ya palabas ng classroom para dalhin sa cafeteria para magpalamig.

"Maprin, maiba nga pala ako, ano nga pala ang ginagawa mo dito? At anong trip mo sa get-up mong ala-nerd?" pag-iiba ko ng topic. "Tapos iniba mo pa ang pangalan mo, ano nga ulit yun? Alexis Sanchez? Naks ahh, pang ilang alyas mo na ba iyan?"

Alive once Again (Season 1 - Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon