Chapter Four

2.1K 287 346
                                    

The photo above is Mr. Lucas Alfante. Happy reading!

" CHAPTER FOUR "


“Ang tagal naman ng Ali na ito.  Kanina pa ako pinag pi-pyestahan ng lamok dito ehh.” bulong ko sa sarili ko habang kinakamot ang braso kong kinagat ng lamok.

Kasalukuyan akong nasa Plaza de San Juan ngayon.

Hinihintay ang kaibigan ko na dapat sana ay kanina pa dumating!

Gaya ng usapan namin ni Ali kanina, wala pang 11:30 ay andito na ako at halos dalawang oras na akong naghihintay dito pero maski anino nito wala!

Alam ko naman na walang kasigiruduhan na pupunta ito gaya ng napag-usapan, pero gayon paman, pumunta parin ako at ipinagdasal na sana mas manaig ang curiosity n'ya na makita ako at ng sa ganon ay siputin ako.

Dahil gabi na, wala ng masyadong tao sa plaza, kung meron man, yun lang  yung mga 'Homeless' na walang matutuluyan at ginagawang tulugan itong plaza pagsapit gabi. Malalim man ang gabi, ay hindi ako nakakaramdam ng kahit ano mang kaba o takot sa plaza na ito kahit pa sabihin na mag-isa lang ako at walang kasama. Lagi kaming tambay ni Ali dito kaya ganon, meron kasing mga gabing nag-iinuman kami at nag-fo-foodtrip kami dito habang  pinag-uusapan namin ang mga problema at hinanakit namin sa buhay.

Napatingin ulit ako sa relo na suot ko. 12:49 na, malapit ng mag-ala una ng madaling araw, pero wala parin hinihintay ko.

Dadating pa kaya iyon?

Napabuntong hininga ako. Kapag hindi parin ito dumating after mag ala una, aalis na ako. Sa ngayon, hihintayin ko nalang muna s'ya kahit konti.

Habang hinihintay ko yung kaibigan kong iyon, hindi ko maiwasang hindi isipin yung nangyari kanina sa library.

____~'°*°'~____

~ Flashback ( A few hours ago) ~

“Diyos ko po! Amethyst! Anong ginagawa mo?!” natatarantang tanong ni Justine habang tinutulungan si Lucas na makatayo.

Mukha kasing napalakas ang suntok ko kay Lucas dahil bahagya pa itong tumilapon.

Ha! Buti nga sa kanya!

Hindi ako tinubuan ng kahit katiting na konsensya sa ginawa kong pagsuntok sa kanya.

Kasing lakas ng suntok ko ang galit ko sa kanya.

Ang hayop na ito! Walang ideya ang lalaking ito kung anong pinagdaanan ko dahil sa kanya! Pasalamat s'ya at iyan lang ang natamo n'ya!

“Sir Alfante, Okay lang ba kayo?” nag-aalalang tanong ni Justine dito habang ina-alalayan sya.

“I’m fine Justine.” sabi ni Lucas kay Justine, tapos hinawakan yung baba n'yang nasuntok ko, natigilan s'ya saglit nung may namuong konting dugo mula dito.

“Hala sir! May dugo! Dalhin na muna kita sa clinic sir!” natatarantang alok ni Justine dito tapos maya-maya tumingin sa akin.

“Ba't mo naman kasi sinuntok si Sir?!” pasigaw na tanong ni Justine sa akin.

Class hours ngayon kaya kami lang ang nasa loob ng library, so, kahit magsisigaw pa kami dito, walang makakarinig.

Hindi ko pinansin ang tanong ni Justine at nanatili parin akong galit na nakatingin kay Lucas.

Alive once Again (Season 1 - Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon