Enjoy and Happy Reading everyone!
(Note: Ang picture na nasa taas ang ang daan na tinatahak ni Lucas na matutukoy sa chapter na ito.)
SEASON TWO:
"Chapter Thirty Four"(Lucas P.O.V)
~Flashback~Malalim na ang gabi ng makarinig ako ng tawag mula sa ibang bansa at hindi ko na kailangan pang hulaan kung sino ito, dahil alam kong si Lolo ito, kadalasan ay mga ganitong oras ito kung tumawag dahil umaga doon sa bansang kinalalagyan nya.
"Magandang gabi apo." magiliw na bati nito sa kabilang linya.
"At magandang umaga naman diyan sa iyo 'Lo." bati ko din dito.
Nagsimula kaming mag-kamustahan na dalawa. Ikinuwento nito sa akin ang mga nangyari sa kanya buong araw at ganun din naman ako.
"Hayy Lucas apo, maganda sana kung andito ka, para naman makapag-libot libot tayong mag lolo. Sa tanda kong ito, dapat sinasamahan mo ko sa mga lakad ko."
"'Lo, alam mo namang hirap akong maka 'leave' sa trabaho kong ito di ba? at isa pa po 'Lo, alam naman nating negosyo ang ipinunta mo dyan at hindi bakasyon, gusto mo lang yatang matutuhan ko ang mamamalakad ng negosyo eh.."
"Ehh hindi mo naman ako masisisi, ikaw lang naman ang nag iisa kong apo, kaya sa ayaw at sa gusto mo, ikaw ang magmamana ng hacienda, negosyo at lahat ng ari-arian ko."
"'Lo, napag usapan na natin ito hindi po ba? Alam mo naman na-"
"Oo na, Oo na, mahal mo ang 'pagtuturo' at hindi ka interesado sa nego-negosyo. Kaya nga hindi kita pinigilan dyan sa gusto mo hindi ba? Pero Lucas apo, tumatanda na ako, baka naman panahon na para mag asawa ka na, kahit iyon lang muna ang asikasuhin mo at mamaya na itong mga negosyon natin, karapatan ko din naman na mang hingi ng apo sa iyo hindi ba? Ayos sana kung may nobya ka pero wala naman." maktol nito.
Natawa lang ako sa sinabi nito. Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses na itong nag 'follow up' kung kailan ako mag-aasawa.
"Huwag po kayong mag-alala, asawa na agad ang ipapakilala ko sa iyo at hindi na girlfriend sa susunod na mag-usap tayo, masyado kayong atat na mag asawa ako eh."
"Aba syempre, gusto ko din naman na makalaro ang future apo ko sa tuhod ng malakas pa ako." sabi nito. "Oh sya sya, ibababa ko na ito, andyan na ang mga kasosyo ko sa negosyo. Gusto ko sa susunod na pag uusap natin, ibabalita mo na sa akin na may asawa ka na, nagkakaintidihan ba tayo?" biro nito.
Tinawanan ko muna ito bago tuluyang nag paalam.
Saglit akong napatingin sa orasan, kalahating minuto nalang at mag hahating gabi na at hanggang ngayon ay hindi parin ako makatulog.
"Siguro naman ay may bukas pa na botika sa mga oras na ito." sabi ko sa sarili ko.
Ubos na kasi ang gamot na iniinom ko para sa 'insomnia' ko at dahil nga sa sobrang abala ko sa eskwelahan ay hindi ko na namalayan na ubos na pala iyong mga gamot ko.
Nagsimula ang insomnia ko noong highschool ako at hanggang ngayon ay nahihirapan parin akong makatulog ng maayos.
Nagpakonsulta na naman ako sa doktor at lagi ko namang iniinom ang mga ni-ri-resita nitong mga gamot pero ilang taon na ang lumipas ay hindi parin mawala-wala itong insomnia ko.
Hirap parin akong makatulog ng maayos.
At gabi gabi parin akong dinadalaw ng bangungot ko.
BINABASA MO ANG
Alive once Again (Season 1 - Completed)
RomanceI hate my life... But it doesn't mean that I wanted to die. Mahal ko ang buhay ko kahit nitong mga nakaraang araw ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin. Hindi ako na-promote sa trabaho dahil sira-ulo ang supervisor ko. Lasingera ang nanay...