S2: Chapter Thirty Three

672 62 22
                                    

Hello Everyone!

Una sa lahat, sorry dahil ngayon lang ako nakapag-update, nagkaroon kasi ako ng personal na problema kaya pinalipas ko muna iyon bago muling mag focus sa pagsusulat ng next chapters. Gusto lang sanang magpasalamat sa lahat ng mga taong bumasa at naka diskubre ng kwentong ito. Salamat sa mga readers ko sa patuloy na pag suporta kahit ilang buwan na akong di nagparamdam. Salamat din sa pag vote, pag comment at pag message sa akin at pasensya na kung hindi ko man masagot lahat pero makakaasa kayong nababasa ko ito at na-appreciate ko ito ng sobra.

Sana ay magustuhan ninyo ang update na ito. Enjoy and Happy Reading everyone!

(Note: Ang picture na nasa taas ay ang itsura ng "Villa" na matutukoy sa update na ito.)

SEASON TWO:
"Chapter Thirty Three"

(Lucas P.O.V)

"Aray, what the---!"

Biglang daing ko matapos matagpuan ang sarili na bumagsak sa malamig na sahig ng kwarto.

Subalit parang hindi naman sa pagkakabagsak ko nangagaling ang sakit, pakiramdam ko kasi ay para may kung sino yatang sumipa sa sikmura ko.

Pero sino naman kaya?

Si Gab ba?

Ang huli kong natatandaan ay naglasing akong mag-isa, pero hindi ko naman ma-alalang tinawagan ko si Gab para makipag-inuman.

So yeah, I'm not sure, maybe I did call Gab while I'm sober. Baka kung anu-ano na naman ang sinabi ko dito habang lasing ako kaya nainis ito sa akin at hindi sinasadyang nasipa ako.

But on the second thought, baka hindi din naman. I mean, Gab isn't like that anymore, noon Oo, bayolente ang isang iyon pero simula nang naging sila ni Chubbylita ay nagbago na ito, hindi na ito nananakit ng walang dahilan at isa pa, mas bayolente yata si Chubbylita kaysa sa kanya and besides, okay na ang trato namin ni Gab sa isa't-isa.

Napailing nalang ako, baka nga ako ang may kasalanan kung bakit parang masakit ang sikmura ko at baka kung patuloy kung pang pagbintangan si Gab ay baka talaga masuntok na ako ng isang iyon sa sikmura.

I'll just call Gab later.

To be honest, hindi naman ako naglalasing. Actually, bihira lang naman akong uminom, at kung napapa-inom man, ay hindi naman ako napapasobra to the point na wala na akong ma-alala sa nangyari sa akin habang lasing ako.

It's just that, I feel frustrated recently. Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ng pamangkin ko noong nasa restaurant kami.

That maybe...

Magkakilala nina Amethyst at Susannah.

And I want answers from Amethyst pero hirap naman akong kausapin ito. Kasalukuyan kasing may pinagdadaanan ang batang iyon kaya ayaw ko muna syang ma stress sa mga personal kong katanungan.

And just like me, she has her own trauma to deal with.

Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko kaya agad na napunta ang atensyon ko dito. Pinilit kong bumangon para masagot ko iyong tawag.

"Hello?" bati ko sa kabilang linya.

[ "Hello Mr. Alfante, this is Dr.Luarez, I would just like to let you know that your wife is in a stable condition now, but unfortunately, hindi parin siya gumigising but rest assured na bumubuti na ang kalagayan niya."]

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Dr. Luarez, sapat na sa akin ang balitang bumubuti na ang kalagayan niya.

"Thank you Dr. Luarez, please continue to check my wife for me. I think by 7:00pm pa ako makakarating dyan and please call me if anything happens." sabi ko dito.

Alive once Again (Season 1 - Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon