Sorry sa late update! Straight overtime kasi si Author nitong nagdaang araw kaya nahirapan makapag-update.
The photo above is Chubbylito. Hindi ko kilala kung sino ang batang iyan o kung sinuman ang mga magulang nyan, pin interest lang source ko kaya credit to the owner hahaha!
Enjoy and Happy Reading!
SEASON TWO:
"Chapter Thirty One""Congratulations maprin, buhay ka"
Yang mga katagang iyan ang unang bumungad sa akin pagkamulat ko mula sa malalim na pagkakahimbing.
Naalimpungatan man ako pero dahil pamilyar ang boses na iyon sa akin, agad akong napalingon sa direksyon na pinanggalingan nito at hindi nga ako nagkamali.
Galing nga iyon sa kaibigan kong kampon ng kadiliman na walang iba kung hindi si Ali.
Ang lakas ng loob nitong magpakita sa akin matapos n'ya akong gawing biktima ng tanim-bala!
Kasalukuyan itong naka-upo ng de kwatro sa isang upuan na hindi kalayuan sa hinihigaan ko. Tutok na tutok ito sa hawak nitong cellphone at base sa porma at sa sounds na nanggagaling mula sa cellphone nito, malamang naglalaro ito ng ML.
Mula dito ay inilibot ko ang paningin ko sa lugar na kinalalagyan ko at napagtanto ko na hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito.
"Asan ako?" maya maya ay tanong ko dito.
"Don't worry, wala ka pa sa langit at impossible din na bumagsak ka doon, di ka papapasukin." pasimpleng sagot nito nang hindi man lang tumitingin sa gawi ko at nakatutok parin sa laro nito.
Pinilit kong huwag maparoll-eyes sa sagot nito. "Huwag ka rin mag-alala Ali, andito ka kaya impossibleng nasa heaven ako, tanggap ko na... Demonyo ka talaga." sabi ko dito. "Asan nga ba kasi ako at bakit ka andito?"
"Nasa condo ka." sagot nito na nakatutok parin sa cellphone.
"Char? Bumili ka?"
"Sira ulo, hindi sa akin 'toh---, PISTING Yawa, sige! Sige! Tatargetin mo ako Aldous?! Akala mo kaya mo ako?! Ha! 'Geh lapit panuwaya ka! Kompleto pa lahat ng skills ko! May flameshot pa ako, Ano? ano? Lalapit ka? Lalapit ka?!" dere-deretsong sabi nito na parang naghahamon ng suntukan.
Mula sa pagkakahiga ay umupo ako sa hinihigaan ko. "Pwede ba Ali? Itigil mo muna iyang ka i-ML mo, usap muna tayo."
"'Geh, malapit na kami matapos, magsalita ka lang diyan, makikinig ako." sabi nito na nakatitig parin sa cellphone. "At isa pa, rank ito at na-iinis din ako sa kalaban, kanina pa ako minamaliit ehh."
"Ehh maliit ka naman talaga."
"Ibato ko sa iyo itong cellphone? Gusto mo?" inis na sabi nito.
"Ito naman, nagsasabi lang ng totoo ehh, ayy hulaan ko kung anong hero mo?" birong sabi ko dito, minsan din kasi kaming naglalaro ng ML pero hindi ako kagaya niyang sobrang adik sa laro. "Si Nana no? o di kaya'y si Harith? or si Chang'e o baka naman si Harley!"
"Huh?" nagtatakang sabi nito at saglit akong nilingon pero bumalik din ulit sa paglalaro. "Bakit sila naman ang naisip mo?"
"Wala lang," sagot ko dito. "Maliliit kasi sila na hero kaya sa tingin ko, makakarelate ka, pang duwende din kasi iyong height nila-, Ayy putah!"
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil walang anu-ano'y ibinato nito sa direksyon ko ang cellphone na hawak nito, mabuti nalang kamo at nasalo ko ito bago tuluyang tumama sa mukha mo.
BINABASA MO ANG
Alive once Again (Season 1 - Completed)
RomanceI hate my life... But it doesn't mean that I wanted to die. Mahal ko ang buhay ko kahit nitong mga nakaraang araw ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin. Hindi ako na-promote sa trabaho dahil sira-ulo ang supervisor ko. Lasingera ang nanay...