The photo above is Senador Lacsamana, tatay ni Margo.
Enjoy and Happy Reading!
“ CHAPTER NINETEEN”
“ Siguro naman ay alam mo na kung bakit kita ipinatawag Ms. Alcantara hindi ba?” paunang tanong ng principal sa akin.
“ Opo at gaya nga po ng sinabi ko, wala akong kasalanan.” diretsong sagot ko dito.
“ Ms. Alcantara please, sinabi na ni Ms. Lacsamana ang totoong nangyari---.”
“ Totoong nangyari? Paano ninyo nasabing totoo ang sinasabi niya gayong hindi niyo naman ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag!”
“ Ms. Alcantara, nakausap ko na yung security guard na nakakita sa pangyayari---,”
“ Pero hindi niya naman nakita ang buong pangyayari.”
“ Ang sabi niya ay ikaw daw ang may hawak ng gunting na ginamit mo sa pagsaksak kay Ms. Lacsamana nang masaksihan niya kayong dalawa!”
“ Utang na loob! Ilang ulit ko bang sasabihin sa inyong hindi ko sinaksak ang babaeng iyan! Siya mismo ang sumaksak sa sarili niya at pinigilan ko lang siya kaya nasa kamay ko ang gunting nang makita kami ng security guard!” muling paliwanag ko dito.
“ At bakit naman gagawin ni Ms. Lacsamana na saksakin ang sarili niya aber?” hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.
“ Dahil BALIW ang babaeng iyan!”
“ MS. ALCANTARA! Huwag kang magbibintang kung wala ka namang sapat na basehan!”
“ Mawalang galang na po Ms. Principal,” biglang singit ni Mr. Flores. “ Pero ang anak kong si Chubbylita mismo ang makapagpapatunay na may mental disorder si Ms. Lacsamana at siya din mismo ang nakakitang si Ms. Lacsamana ang nagmamaneho ng sasakyan na bumundol sa aking anak.” mahinahon na paliwanag ni Mr. Flores sa principal.
“ Mr. Flores. ” malamig na wika ni Senador Lacsamana kaya napatingin kaming lahat dito. “ Dahan dahan ka sa pagsasalita ng kung anu-ano sa anak ko, wala kang ebedensya na anak ko nga ang sumagasa sa anak mo.”
BINABASA MO ANG
Alive once Again (Season 1 - Completed)
RomanceI hate my life... But it doesn't mean that I wanted to die. Mahal ko ang buhay ko kahit nitong mga nakaraang araw ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin. Hindi ako na-promote sa trabaho dahil sira-ulo ang supervisor ko. Lasingera ang nanay...