Hi Guys,
Kumusta kayo?
First of all, I just want to say sorry to all of you. I'm sorry po dahil hindi ko natupad ang pangako ko sa inyo na "at least once or twice a week" akong mag-uupdate. Nakakahiya po dahil pina-asa ko na naman kayong mga readers ko at sobrang nahihiya po ako dahil lagi ko nalang kayong pinaghihintay 😢.
I want to be honest po sa inyo dahil medyo na gi-guilty ako (na post ko na po sa FB ang reason ko but I think need din malaman ng mga readers ko sa wattpad ang dahilan).
Masakit man aminin pero nawala na po ang Joy at excitement ko sa pagsusulat ng kwentong ito, I don't kung dahil ba nagka-writer's block ako or kinalawang lang talaga pero di na talaga sya gaya ng dati, yun bang sobrang excited kang magsulat sa susunod na kabanata may readers man o wala? I don't know what happened po, basta isang araw nalang nawalan ako ng gana, hindi ko alam kong tinamad ba ako o ano pero wala ng pumasok na ideya sa isip ko. Actually po, naisulat ko na ang next chapter pero hindi ko mai-post dahil pakiramdam ko ay di sya satisfying at sabaw ang chapter.
Pero sinubukan ko pong magsulat uli, nagtry ako ulit magsulat ng kwento sa FB under another account at another genre para maiba naman. Gusto kong maibalik sa akin ang dating sigla sa pagsusulat ng kwento kaya nag post ako doon kahit na baguhan pa lamang ako sa ganoong genre 🏳️🌈.
Noong una, walang masyadong readers pero kalaunan ay dumami na at unti-unting bumalik ang excitement ko sa pagsusulat gawa ng mga magagandang feedback nila sa story kong iyon (I know po, puro magaganda din naman ang feedback ninyo sa story na ito and I'm very thankful po sa inyo ng dahil doon). Unfair man sa mga reader ko dito sa "Alive once Again" pero I have to be honest po, almost everyday akong nag-po-post ng update sa FB page na iyon 😢 at sa ngayon po nakakahiya mang aminin, ay sa story na iyon po bumalik ang sigla ko sa pagsusulat.
I'm very sorry po if na disappoint ko naman kayong mga readers ko dito pero gusto ko pong maging totoo sa inyo, ayaw ko pong mag sekreto sa iyo dahil karapatan nyo din namang malaman iyong dahilan and once again po. I'm very sorry.
Sa ngayon po, ay hindi ko naman po tuluyang ina-abandona ang story na ito, sinusubukan ko parin na isulat ang kasunod na chapter nito but I want it to be satisfying as before. Ayokong magpost ng update na "half-hearted" dahil mas lalong magiging unfair sa inyong mga readers ko. Siguro need ko munang basahin ulit itong story na gawa ko dahil baka makatulong ito na bumalik ang sigla ko sa pagsusulat nito.
Muli ay nagpapasalamat ako sa mga readers kong taos-pusong sumusuporta sa akin at sa story na ito. Forever thankful po ako sa inyo dahil sa labis na patience at understanding ninyo sa akin.
Mahal ko po kayong lahat at pasensya na po ulit.
---ate_meimei---
BINABASA MO ANG
Alive once Again (Season 1 - Completed)
RomanceI hate my life... But it doesn't mean that I wanted to die. Mahal ko ang buhay ko kahit nitong mga nakaraang araw ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin. Hindi ako na-promote sa trabaho dahil sira-ulo ang supervisor ko. Lasingera ang nanay...