Pasensya na at natagalan. Maraming salamat sa paghihintay. Enjoy and Happy Reading everyone!
SEASON 2:
Chapter Twenty Seven
(Ito iyong mga panahon na nasa loob ng eskwelahan si Ali at naghahasik ng lagim sa buong Eastern High. Samantala, si Susannah naman ay nasa labas at nakikipagsapalaran. )( Susannah's POV )
"Walang hiya talaga ang unanong pandak na duwende na iyon! Sumusobra na talaga ang prank prank nya! Habang tumatagal, palala ng palala! Punyeta!" maktol ko sa sarili sabay sipa doon sa nadaanan kong lata ng sardinas sa daan.
Agad naman tumilapon ang pobreng lata sa kung saan at habang pinagmamasdan ko ang direksyon ng nasipa ko ang lata ng sardinas ay saglit akong napatingin sa paligid syaka agad natigilan.
Teka?
Nasaan na nga ba ako?
Anak ng tokwa! Mukhang naliligaw pa yata ako!
Muli ay nakaramdam na naman ako ng inis sa duwende kong kaibigan nang mapagtando ko na mukang naligaw nga siguro ako.
Sa muling pagkakataon ay napatingin na naman ulit ako sa paligid ng kinaroroonan ko ngayon. Ewan ko kung saan ako pero may nakikita akong playground na malapit pero walang mga batang naglalaro. Sabagay, magtatanghaling tapat na, kaya siguro walang batang maglalaro doon gayong tirik na tirik iyong araw.
Lumapit ako doon sa naturang playground at umupo sa isa sa mga swings doon.
Saglit muna akong nagpakalma doon syaka napabuntong hininga.
Paano nga ba ulit kasi ako napunta dito?
Sandaling naglakbay ang isip ko sa nangyari kanina. Nagdadalawang isip parin ako hanggang sa ngayon kung totoo ba iyong pagkakataon na saglit akong bumalik sa totoong katawan ko. Hindi ko kasi alam kong dala lang ba iyon ng gutom o ano. Pero umaasa akong totoong buhay ako at may chance pa na makakabalik ako sa totoo kong katawan.
Pero saang lugar ba iyon? Parang nasa hospital yata kasi iyon ehh, kasi sure akong may mga nurse at doktor.
Ang tanong? Saang Hospital?
Napahinto ako sa pag-iisip ng maramdaman ko na kumakalam na pala iyong sikmura ko. Sabagay, tanghali na, kaya siguro ay natural lang na makaramdam na ako ng gutom sa mga oras na ito.
Tatayo na sana ako para bumili ng pagkain pero agad din akong bumalik sa pagkakaupo doon sa kinauupuan kong swing nang maalala ko na nasa security guard pala iyong bag ko, which means na nandoon din ang cellphone, wallet at pera ko sa loob ng naturang bag.
Nakaramdam na naman ako ng pag-kainis!
"Alejandro 'Primotivo' Purgatorio! Mapapatay talaga kitang hinayupak na duwende ka! Humanda ka pag nakita kita! Pisti kaaaaahhh!!!!!" wala sa loob kong napasigaw ng de oras na umalingaw-ngaw pa sa buong playground. "Pag ako talaga nalipasan ng gutom, titirisin talaga kitang punyeta ka----!"
Habang abala at feel na feel ko ang moment ko sa isinasagawa kong 'Hate Speech' para sa kaibigan ko ay bigla na lamang akong natigilan ng bigla akong makarinig ng malakas na iyak ng isang tiyanak.
Noong una ay hindi ko ito pinansin dahil baka nagkakaroon lang ako ng hallucinations dahil sa gutom and besides, wala naman sigurong tiyanak na gumagala ng tanghaling tapat diba?
Aalis na sana ako para dumiskarte ng makakain pero muli ay natigilan na naman ako nang mas lalong lumakas ang iyak nung tiyanak.
"HHHUUUWWWAAAA!!!! Huhuhuhuhu, mamaaaaa!!!" narinig kong iyak nung tiyanak.
BINABASA MO ANG
Alive once Again (Season 1 - Completed)
RomanceI hate my life... But it doesn't mean that I wanted to die. Mahal ko ang buhay ko kahit nitong mga nakaraang araw ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin. Hindi ako na-promote sa trabaho dahil sira-ulo ang supervisor ko. Lasingera ang nanay...