Chapter Five

2.1K 241 258
                                    

Si Ali po yang nasa picture sa taas. Happy Reading!

" CHAPTER FIVE "

“Wait, hold on a second.” biglang putol sa akin ni Ali kaya bigla akong napatigil sa pagsasalita.

Kasalukuyan ko kasing ikinukwento dito ang mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw. Simula noong gabing na-aksidente ako, hanggang doon sa pag-gising ko na nasa ibang katawan na ako, pati na rin iyong mga nangyari sa school ni Amethyst hanggang sa pangayayari doon sa library at sa pag-suntok ko kay Lucas.

Pero ayon nga, sa gitna ng maladamdamin kong pagkukwento ko ay pinahinto ako nitong isa.

“So, let me summarize your story.” sabi nito syaka nagsimula ng i-recap yung mga nangyari.

“Na-aksidente ka dahil tanga k--este, sumagip pala ng pusa, tapos pag-gising mo, nasa ibang katawan ka na which is si Sadak--, I mean si Amethyst, a 16 years old girl na may suwail na kapatid na nag-ngangalang Emily at itong Amethyst na ito, may pagka suicidal din dahil ayon sa nakalap mong impormasyon, kagagaling lang nito sa ospital dahil na overdose ito ng sleeping pills at sa tingin mo din ay biktima ito ng bullying, tapos nitong araw lang rin may teenager kang binuhusan  ng milk tea dahil binangga ka at dinuro-duro ka pa, kaya ngayong araw din na ito, sinugod ka ng boyfriend nitong leader ng fraternity para gantihan ka sa ginawa mo sa burara niyang girlfriend na sa huli ay muntikan mo ng saksakin ng ballpen because he pissed you off, then at the end of the day nalaman mong nagta-trabaho pala ang first love mo noong high school  ka pa bilang isang teacher sa school na pinapasukan nitong si Amethyst.”  walang prenong pagkakasabi nito na dinaig pa ang nagra-rap at matapos nun ay napatingin ulit siya akin na para bang amaze na amaze siya sa nangyari sa akin. 

“Whoah, Susannah... so much happened just in a day 'huh? and really? Sinuntok mo yung highschool sweetheart mo? I thought you moved on already? Well, I must say, mukhang bitter ka parin sa nangyari sa inyong dalawa.” pagpapatuloy nito.

Medyo natigilan ako sa huli niyang sinabi kaya agad akong inis na napasulyap dito.

“Uy, excuse me lang ha? Hindi ako bitter at matagal na akong naka move on sa kanya!” depensa ko sa sinabi niya.

“Owwsss? Ehh ba't mo sinuntok?” tanong ni Ali sa akin na para bang naghahamon.

Muli akong natigilan sa tanong niya syaka medyo napa-isip din bigla sa tanong ni Ali.

Oo nga, bakit ko nga pa pala sinuntok ang mokong na 'yon?

“Well, I guess first love never dies ika nga.” natatawang sabi ni Ali nang hindi ako nakaimik kaya muli na naman akong nag react.

“Hoy, wala na akong nararamdaman para sa lalaking iyon at kung meron man, galit nalang sa ginawa niya sa akin!”

And hello? It’s been seven years already! I mean, I thought nakalimutan ko na iyong mga nangyari noong highschool pero nang makita ko siya ulit kanina, nanumbalik sa akin ang lahat ng masasakit na ala-ala.

“Edi hindi ka pa nga nakaka move on, but mamaya na muna iyang first love mo, unahin na muna natin ang kababalaghan na nangyari sa iyo. Ano na ang plano mo?” biglang tanong nito sa akin. “Hindi ka pwedeng manatili sa katawan ng Sadako—este, sa Amethyst na iyan habang-buhay.”

“I know Ali, I’m not that selfish naman, hindi ko aangkinin ang katawan ng batang ito pero ano ba naman ang magagawa ko bukod sa mag good with the flow? That’s why I need your help.”

Napabuntong hininga nalang si Ali habang nakatingin sa akin tapos marahas na napakamot ng sarili niyang ulo. “Tangina naman ohh, hanggang ngayon talaga, hindi pa rin tuluyang nag si-sink in sa akin ang nangyari sa iyo, pero mas hindi ko din naman matatanggap na tuluyan ka na ngang namatay. Hindi iyan kahit kailan man tatanggapin ng utak ko kaya kahit mahirap, paniniwalaan kong napunta ka sa ibang katawan. Wala na ba talagang taong pwedeng makatulong sa iyo? Ako lang ba talaga?”

Alive once Again (Season 1 - Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon