Hello again! Si Gab iyang picture na nasa taas. Before and after!
Enjoy and Happy Reading everyone!
SEASON TWO:
"Chapter Thirty"(~ RESTAURANT ~ )
Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami ni Chubbylita sa nasabing restaurant. Mabilis kaming kumuha ng reservation at pumili na rin kami ng mga pagkain habang hinihintay iyong tatlo at kasalukuyan kami ngayong nakaupo sa table na ipina-reserve namin habang nagkukwentuhan.
Gaya ng dati, palakaibigan at madaldal parin si Chubbylita kahit sa mga taong hindi nito gaanong kakilala. Masaya ito habang nagkokomento ng mga naturang putahe ng restaurant.
"Alam mo? Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa iyo." maya maya ay sabi nito. "Pakiramdam ko, matagal na tayong magkakilala."
Wala naman sa loob kong napalunok sa sinabi niya dahil kung tutuusin, matagal na nga talaga kaming magkakilala.
"G-Ganoon ba?" sabi ko dito. "A-Ako din, magaan ang loob ko sa iyo. Masaya ka kasing kakwentuhan ehh."
"Mabuti naman at nag-enjoy kang kakwentuhan ako, pasensya ka na kung medyo madaldal ako ha? Wala kasi akong masyadong kakwentuhan bukod kay Lucas at Gab. I mean, friendly naman ako, kaso hirap lang makahanap ng taong ka vibes ko ehh."
"U-Uhm, siyangapala? Paano kayo naging magkatuluyan ni Gab? Curious lang ako sa love story ninyong dalawa, mahilig kasi akong makinig sa love story ng iba, alam mo na? wala akong jowa kaya nagkakasya nalang akong makinig sa mga kwentong pag-ibig ng iba." sabi ko dito dahil hanggang sa mga oras na ito, hirap parin akong tanggapin na nakatuluyan niya ang gagong iyon.
Saglit pang napahagikhik si Chubbylita na para bang kinikilig habang inaalala ang nakaraan. Maya maya ay nagsimula narin itong magkwento.
"Well, magkaklase kami noong highschool. Hindi naman kami close noong araw kasi nga allergic ako sa mga tarantadong kagaya niya. Pero isang araw, sinagasaan ako ng isang baliw at ayon, timing naman na andoon siya at dinala niya ako sa ospital. Ilang weeks din akong nakatambay doon sa ospital at sa hindi malamang dahilan, mula nang ma-ospital ako, lagi niya akong dinadalaw." nakangiting kwento nito.
"Noong una akala ko, sisingilin nya lang ako sa pagkakaligtas niya sa akin ayon pala, matagal niya na daw pala akong crush, tapos nagkataon daw na sinusundan niya pala ako nang araw na nasagasaan ako, ohh diba? Stalker lang ang peg hahaha, biruin mo? Marunong palang magmahal ang gagong iyon? At sa akin pala talaga siya nagkagusto. Pero dahil torpe nga ang isang iyon, umabot muna nag pagkahaba-habang panahon bago niya sinabi sa akin gusto niya ako. " natatawang kwento nito sa akin habang nakatingin sa kawalan na para bang inaalala ang masayang nakaraan.
"A-Ang ganda pala ng love story ninyo 'no?" komento ko dito. "Mukhang tarandado lang iyong si Gab pero makikita mong mahal ka talaga niya."
"Yeah, to be honest, hindi ko nga rin aakalain na ipaglalaban ako ng mokong na iyon sa papa niya, maimpluwensyang tao kasi ang ama nina Gab at Lucas sa lugar namin at alam din ng tao sa buong lugar namin kung gaano ka masunuring anak yang si Gab sa demonyong tatay nito. Malaki kasi talaga ang atraso ng tatay nun sa akin at sa papa ko, isa siya sa mga dahilan kung bakit biglang umalis ang kababata ko at kaibigan ko na siya ring mismong paboritong estudyante ni papa. Kaya ayon, itinakwil siya ng papa niya dahil pinili niya ako, mabuti nalang at andyan si Lucas para damayan si Gab sa mga panahon na iyon." kwento nito.
Nganga.
Yan lang ang naging reaksyon nang marinig ang kwento ni Chubbylita. Sino ba naman ang hindi masosopresa sa kayang gawin ni Gab para kay Chubbylita?
![](https://img.wattpad.com/cover/220819457-288-k371446.jpg)
BINABASA MO ANG
Alive once Again (Season 1 - Completed)
RomanceI hate my life... But it doesn't mean that I wanted to die. Mahal ko ang buhay ko kahit nitong mga nakaraang araw ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin. Hindi ako na-promote sa trabaho dahil sira-ulo ang supervisor ko. Lasingera ang nanay...