Hindi ko na patatagalin, here's the the next chapter na, bawi ko sa tagal kong mag update.
Enjoy and Happy reading everyone!
SEASON TWO:
Chapter Twenty Eight(Susannah POV)
****Sa Plaza****
"Suma tutal ehh, naka 321.25 tayo kanina, aba aba, hindi na rin masama 'ahh! Mukhang yung beatbox mong tunog utot ft. maradong plema yata ang nagdala sa performance natin kanina 'ahh." natutuwa kong sabi dun sa batang tiyanak syaka ginulo gulo ko pa iyong buhok.
Napahagikhik naman ito sa ginawa ko.
"Ate naman ehh, ang pangit nga ng beatbox ko, tunog suntok ni Manny Pacquiao, pero alam mo ate, ang galing mo kanina! Ang galing mo pong kumanta, kasing galing ka ng tita ko!" masayang sabi nito.
"Eneh ke beh, maliit na bagay, ito naman, parang 'yon lang ehh hihihi." nahihiya kong sabi dito. "Pero mukhang magkakasundo kami niyang sinasabi mong tita 'ahh, magaling din ba syang bumirit gaya ko?"
"Opo!"
"Talaga? Makilala nga yang tita mong iyan," magiliw kong sabi dito. "Pero maiba nga ulit ako, sure ka bang hindi mo natatandaan ang number ng mga magulang mo o kahit sinong kakilala mo? Hindi ko man dala ang cellphone ko, ehh pwede naman tayong makihiram ng cellphone ng mga tao dito sa park para matawagan natin sila at masundo ka na." sabi ko dito.
Nakita ko muna itong umiling bago magsalita. "Hindi ko po memorize ehh. Yung pangalan lang ng sitio ng lugar namin ang saulo ko." sagot nito.
Kanina kasi ay nabanggit nito sa akin iyong sitio kung saan naroon ang address ng subdivision nila pero medyo may kalayuan kasi iyon dito, mga ilang sakayan din ng jeep bago kami makarating doon. Kahit sabihin pa na may pera na kami para pamasahe ehh kailangan din naman naming kumain dahil konti nalang ay malilipasan na kami ng gutom.
Nagbabakasali nga akong may makita man lang sana akong police station dito o kahit man lang sana ay traffic enforcer para man lang sana ay makahingi ako ng tulong para mahanap ang magulang nito kaso waley, wala akong nahanap maski isa. Mabuti sana kung nasaulo ng batang ito ang buong address para pwede kaming magtaxi at magpabayad nalang sa magulang nito pag nakarating na kami sa bahay nito.
"Bale, pagkatapos nating kumain ay pupuntahan na natin iyong sitio na sinasabi mo at hahalughugin natin ang buong lugar mahanap lang iyong bahay mo okay?" sabi ko dito at nakita ko naman itong tumango. "Syangapala, ano nga pala ang gusto mong kainin ha?" tanong ko dito.
Nakita ko muna itong saglit na nag-isip bago nagliwanag ang mukha nito. "Milk tea po! Gusto ko po ng milk tea!" masayang sabi nito.
"Wow ha, kung makarequest ka ng milk tea parang andami nating pera 'ahh, mag taho ka nalang muna bata, mura na masarap pa! tapos masustansya pa! Baka pag nag milk tea tayo wala na tayong pamasahe pabalik sa inyo." paliwanag ko dito.
"Sige na ate, gawin nalang ulit natin iyong ginawa natin kanina para magka money tayo ulit." pakiusap nito.
"Akala ko ba nahihiya ka?"
"Hindi na ate, tapos alam mo kanina, nawala na iyong hiya ko, na inspire ako sa kapal ng mukha mo po. Kung gusto mo nga ate ehh, mag acting tayo ngayon tapos ako ang bida! Yun bang mag aacting ka tapos bibigyan ka ng pera ng mga taong nanonood. Try natin iyon dito sa plaza ate!" excited na sabi nito tapos nagpapalakpak pa.
" Aba aba, sige pero next time na, baka pagkamalan pa akong sindikato at baka sabihin pa ng iba dyan ehh, pinagkakakitaan kita. Tara na bili muna tayo ng makakain, next time nalang kita ililibre ng milk tea kapag nakuha ko na ulit iyong wallet ko, okay?" magiliw kong sabi dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/220819457-288-k371446.jpg)
BINABASA MO ANG
Alive once Again (Season 1 - Completed)
RomantizmI hate my life... But it doesn't mean that I wanted to die. Mahal ko ang buhay ko kahit nitong mga nakaraang araw ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin. Hindi ako na-promote sa trabaho dahil sira-ulo ang supervisor ko. Lasingera ang nanay...