CHAPTER 1: Kwento Ng Matatanda

1.3K 49 31
                                    

Chapter 1: Kwento Ng Matatanda

Hanggang ngayon, hindi parin maalis sa isip ko yung nangyari kanina. Hindi maalis sa isip ko yung itsura niya. Bakit naman kasi ganon? In fairness, may itsura siya.

Pero baliw parin siya.

"Hoy! Sabi ko sasabay ka ba sa aking kumain?"

"Ha? Ano-- oo, sasabay ako." alanganin kong sagot.

Tumingin siya sakin nang magkadalubong ang kilay. "Problema mo? Kanina ka pa lutang. May test pa mamaya." ani Ryza.

Bumuga nalang ako ng hangin. "May baliw kasi kanina sa bahay." sambit ko sa kaswal na boses.

"Oh? Talaga? Anong ginawa mo? Akala ko ba doon lang sa taas gumagala yung baliw na 'yun?"

May pakalat kalat kasing babaeng wala sa tamang pag-iisip dito sa lugar namin. Naaawa nga ako sa kanya kasi minsan pinag-titripan siya ng mga bata. Sabi kasi ng ibang nakatira dito, wala na daw pamilya yung babaeng 'yon.

Umiling ako. "Hindi, iba yung pumasok sa bahay kanina. Lalaki siya."

"Oh? Anong itsura? Matanda na ba?" sa tono ng boses niya ay parang nagiging interested na siya sa kwento ko.

Umiling ulit ako. "Hindi. Siguro mas matanda lang sa atin ng ilang taon. Baka 23 o 24 years old palang siya."

Dahil doon ay napa-ngiti si Ryza. Alam ko na ang ibig sabihin ng mga ngiting 'yon.

"Pogi ba? May abs? Matangos yung ilong? Hala, i-share mo naman! Sana pumunta din siya sa bahay namin." sunod sunod niyang sabi.

Bahagya ko siyang hinampas sa braso dahil kung ano ano nanaman ang iniisip niya.

"Bugok ka talaga. Gusto mong puntahan ka ng siraulo sa bahay niyo? Pano pag bigla ka nalang tagain no'n? Hindi ka ba natatakot?"

Mahina nalang siyang natawa. "Eh ano nga kasing itsura?"

Ipinag-ekis ko ang mga braso ko sa dibdib ko at muling inalala ang mga pangyayari kanina. Base sa nakita ko kanina--

"Matangos yung ilong niya. Ang ganda ng labi. Hmm, yun lang ang napansin ko eh." tsaka yung manok niya.

Tungkol doon. Syempre, sa akin nalang yung kwentong 'yon.

"So pogi nga?" impit ang boses niyang tumili. "Nakita mo ba kung may abs? Ay, may suot ba siyang damit? Sayang naman."

"Wala." wala sa sarili kong sagot.

"Wala siyang damit?! Deym! Kakaibang baliw 'yan ah. Naka borles!" sa tunog ng boses niya ay parang may ipinapahiwatig pa siya.

"Wala, hindi ko nakita kung may abs." alam kong hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko nasasagot ang lahat ng tanong niya.

"Narinig mo ba yung boses? Gwapo din ba yung boses?" hirit pa niya.

'Hindi mo ba ako nakikilala? Ako yung manok na inaalagaan mo.'

"Oo... Malalim yung boses niya..."

"Shet sis! Naiintriga na ako sa baliw na 'yan ha!" sabi niya habang bahagya akong niyuyugyog.

"Ang nakakapag-taka lang, may sinabi siya sa akin." sambit ko na dahilan ng pag-tigil niya sa pag-yugyog sa akin.

"Anong sabi?" curious niyang tanong. Sumeryoso na din ang muka niya.

Medyo natatawa ako dahil nakakatawa naman talaga yung sinabi niya. Pero pilit kong inayos ang sarili ko. Nag-tama ang paningin namin.

Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon