⚠️: This chapter includes human nature thing keme keme blahblah.
Sabungan naaaa!!!
Chapter 38: Our Home
Magka-hawak ang kamay namin ni Ken habang nag-lalakad kami papasok sa bahay namin.
Bahay namin.
Ang sarap sabihin ng paulit ulit!
Simple lang ang loob nito pero malinis at maganda. Hindi ito kasing laki ng bahay ng mga magulang ni Ken pero malaki parin ito.
"Let's go upstairs." aya niya.
Magka-hawak parin ang kamay namin habang umaakyat kami sa hagdan. May balcony din dito.
May nadaanan kaming tatlong pinto sa hallway, at sa dulong pinto kami pumasok ni Ken.
"Wow." malaki ang kwartong 'to. Ito siguro ang master's bedroom.
"This is our room." aniya.
Bumitaaw ako sa kamay niya at inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Kumpleto na ang mga gamit dito. May banyo din dito sa loob.
Speaking of gamit. "Paano pala yung mga gamit natin? Babalikan pa natin sa bahay niyo?" tanong ko.
Umiling siya. "I already ordered someone to bring our things here earlier. You don't have to worry about it." sagot niya.
Tumango nalang ako. Talagang kumpleto na ang lahat ng gamit dito at handang handa nang tirhan.
I'm so thankful for having a husband like Ken. I'm so lucky to have him in my life.
"Tara, baba ulit tayo." aya ko sa kaniya.
Bumaba ulit kami. Naupo naman na siya sa sofa at ako naman ay nilibot ang buong bahay.
Ang ganda talaga! Dito kami titira ni Ken. At dito rin kami bubuo ng pamilya.
...
Kinagabihan ay hindi muna kami nag-luto ng kakainin namin dahil busog pa kami sa mga pagkain kanina sa reception.
Naka-upo lang kami sa sofa. Siya ay nag-cecellphone, ako naman ay nanonood sa TV.
"Are you sure you don't want to eat?" paninigurado niya.
Tumango nalang ako. Masyado akong busy sa pinapanood ko. Pang-ilang beses na niyang itinanong sa akin 'yan.
Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ko.
Ryza calling...
"Tumatawag si Ryza. Sagutin ko lang ah." paalam ko.
Tumango nalang siya.
Pumunta muna ako sa kusina. Sinagot ko ang tawag at sumandal ako sa counter top.
"Hello?"
[Hello Mrs. Suson! Kamusta naman? Balita ko nandiyan daw kayo sa sarili niyong bahay.]
Mahina akong natawa dahil sa itinawag niya sa akin. Natawa o kinilig.
"Oo. Hindi ko nga din alam na may bahay na palang nag-hihintay sa amin eh. Hindi ko inaasahan na may sariling bahay na agad kami." sagot ko.
[Ang swerte mo talaga sa manok na 'yan. Sana all. Sana maka-tagpo din ako ng ganyang lalaki.]
"Makaka-hanap ka din ng lalaking para sa'yo. Dadating din 'yan."
BINABASA MO ANG
Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]
FanfictionOne fine day, when Kat went to their mini farm to feed the animals, she saw a naked man sitting around with chickens. "Hoy! Sino ka?!" she asked nervously almost wanting to grab something to defend her. The weird man smirked. "Hindi mo ba ako naki...