⚠️: malala
Chapter 41: Kitchen
"Huy, mag-gagabi na oh. Hindi ka pa ba uuwi? Kanina ka pa hinahanap ni Ken. Kanina pa tunog nang tunog 'yang cellphone mo." ani Ryza.
Malapit na kasi mag 6 PM pero nandito parin ako sa apartment niya. Naiinis parin ako. Tinatamad parin ako. At napapagod ako.
Naka-higa lang ako ngayon sa dati kong kama dito. Hindi pumasok si Ryza sa pasok niya dahil sinamahan niya nga ako dito. Nag-aalala daw kasi siya sa akin.
"Tinatamad pa ako..." mahinang sabi ko.
"Pero Kat, hindi pwedeng dito ka lang mag-stay. Kailangan mong umuwi sa bahay niyo para makapag-usap kayo ni Ken. Hindi pwede yung iniiwasan niyo yung problema niyo. Kailangan niyo 'yang ayusin." sambit ni Ryza.
Napa-isip ako sa sinabi niya. Tama naman siya. Hindi tama yung ginagawa ko. Kailangan kong umuwi para kausapin siya.
Kailangan ko ng paliwanag.
Dahan dahan akong bumangon tsaka ko inayos ang sarili ko. Kinuha ko na din ang mga gamit ko.
"Sige, uuwi na ako. Salamat Ryza." nginitian ko siya.
Tumango siya. "Sige, sige. Umuwi ka na at baka mamatay na sa pag-aalala yung asawa mo. Ayusin niyo 'yan ah? Ingat ka."
"Ingat ka din dito."
Niyakap namin ang isa't isa. Pagkatapos no'n ay lumabas na ako tsaka ako pumara ng taxi. Medyo matagal yung biyahe kaya nang makarating na ako sa bahay namin ay madilim na.
Bukas na ang mga ilaw sa loob at naka-parada na din sa garahe ang kotse ni Ken.
Tinatamad akong pumasok sa gate. Bagsak din ang mga balikat ko nang maka-pasok na ako sa mismong bahay.
"Where have you been? Kanina pa ako tumatawag at nag-tetext sa cellphone mo hindi ka sumasagot! I was so worried!" sigaw ni Ken mula sa sala.
Hindi ko siya pinansin. Diretso slang ang tingin ko sa dinadaanan ko na parang wala siya doon.
"Katrina! Answer me. Saan ka nanggaling?" nilapitan na niya ako tsaka niya hinawakan ang braso ko pero agad kong hinatak ang braso ko tsaka ko siya tinignan ng masama.
Dahan dahan akong umakyat sa hagdan dahil napapagod na ako. Naluluha nanaman din ako.
"Katrina naman! Why are you being like this? Answer me! Saan ka nanggaling?!"
Nang pigilan niya ulit ako sa pag-lalakad ay hinarap ko na siya. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya. Muka siyang gulat dahil sa ginawa ko.
"Wag mo akong sinisigawan." gigil kong sabi. "Itanong mo sa babaeng humalik sa'yo kanina. Mag-sama kayo ng Madrigal na 'yon." may diin ang bawat salitang binitawan ko. Tumulo na din ang mga luha sa pisngi ko.
Hindi na siya nakapag-salita. Wala siyang imik at gulat na gulat ang muka niya. Tinalikuran ko nalang siya tsaka ulit ako nag-lakad paakyat sa hagdan.
Dahan dahan lang ako sa pag-akyat dahil medyo nandidilim na ang paningin ko dahil sa pagka-hilo na parang anumang oras ay babagsak na ako.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama nang makarating na ako sa kwarto namin. Agad kong inayos ang sarili ko tsaka ako nahiga sa kama. Patuloy na tumulo ang mga luha ko hanggang sa maka-tulog na ako.
...
Ken's Point of View
I was so damn worried about her when I can't find her anywhere earlier. Wala siya sa office niya at sa buong building. Wala din siya sa bahay namin at sa mansion. Hindi rin alam ng mga kaibigan at pamilya niya kung saan siya pumunta.
BINABASA MO ANG
Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]
FanfictionOne fine day, when Kat went to their mini farm to feed the animals, she saw a naked man sitting around with chickens. "Hoy! Sino ka?!" she asked nervously almost wanting to grab something to defend her. The weird man smirked. "Hindi mo ba ako naki...