Chapter 18: Trouble
Nag-mamadaling umalis kanina si Ate Jackie. Mukang urgent talaga yung meeting na pupuntahan niya. Well, ganon naman talaga kapag businesswoman.
"Wala pa ba akong pamangkin Ate? Ang tagal niyo nang kasal ni Kuya Renz oh."
Kasalukuyan kami ngayong nag-lalakad lakad sa mall. Maya maya kasi uuwi na din sila Ate kasi baka gabihin sila sa biyahe. Pag umuwi na sila, uuwi na din kami ni Ken.
Mahina nalang na natawa si Ate dahil sa sinabi ko. "Hindi ganon kadali ang process ng pag-buo ng baby."
I pressed my lips together. "Talaga?"
"Ano ba 'yan JM. Graduate ka na, hindi mo ba alam yung process no'n?" tanong sa akin ni Ate.
"Kailangan lang naman mag-meet nung sperm cell at egg cell ah. Tapos hihintaying mabuo yung baby ng 9 months. Ano bang mahirap doon." sagot ko naman.
Iyon lang naman ang alam ko sa science about how the baby is made eh. Never namang itinuro sa school yung procedure nun.
Muka man akong very matured na, hindi naman talaga. Nahahawa lang naman ako sa mga kalokohan ni Ryza. Sa kaniya ko lang din natutunan yung mga salita na nagagamit ko ngayon na hindi ko naman alam noon. Tapos yung iba kong alam, napapanood ko lang sa mga movies at drama.
Tumawa ulit si Ate, this time pati si Kuya Renz natawa na din. Nahagip din ng mata ko ang pag-ngisi ni Ken.
"Ah basta. Babalitaan agad kita pag meron na. Sa ngayon, wala pa sa isip namin ni Renz 'yon. Kailangan muna naming mag-ipon para may maayos na future yung pamangkin mo." sabi ni Ate.
Tumango nalang ako. Naiintindihan ko naman si Ate. Lahat naman siguro ng magulang ay maayos na kinabukasan ng anak ang iniisip. Ipinapangako ko sa sarili ko na bibigyan ko ng maayos na pamilya at kinabukasan ang magiging anak ko in the future!
Pero syempre, tamang trabaho lang muna sa ngayon. Sila Mama at Papa muna ang priority ko bago ang sarili ko. Bata pa naman ako, marami pang oras para sa ibang bagay.
Dumating na ang oras na uuwi na sila Ate at Kuya Renz. Hinatid namin sila sa exit ng mall. Niyakap ko muna nang mahigpit si Ate.
"Ma-mimiss ulit kita Ate. Kita ulit tayo sa susunod ah?"
"Ma-mimiss din kita. Don't worry, mas madalas na tayong mag-kikita ngayong nandito ka na din sa Manila." lumingon siya kay Ken na nasa tabi ko ngayon.
Kanina pa tahimik si Ken. Hindi ko nalang iyon pinansin dhail hindi naman iyon bago. Lagi naman talaga siyang tahimik. Minsan napapa-isip nalang ako kung ano ba yung nasa isip niya tuwing tahimik siya.
"Ken, salamat din pala sa pag-papatuloy sa kapatid ko ah? Paki-sabi din sa Ate mo, salamat. Napaka-laking tulong ang naibigay niyo sa kapatid ko." sambit ni Ate.
Ken smiled lightly. "No problem." sagot niya.
"Sige, mauna na kami. Medyo didilim na din mamaya. Wag na din kayo mag-pagabi ah? Ingat kayo pauwi."
Sa huling pagkakataon ay niyakap namin ni Ate ang isa't isa. Nag-paalam na din si Kuya Renz sa amin ni ken bago sila tuluyang umalis.
Nang hindi ko na sila makita at nilingon ko si Ken.
"Uuwi na ba tayo?" tanong ko sa kaniya.
"It's up to you. Do you want to go home already?" tanong din niya pabalik.
"Anong it's up to me, eh hindi naman ako ang mag-dadrive." sagot ko.
"May bibilhin ka pa ba? May gusto ka bang kainin?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]
FanfictionOne fine day, when Kat went to their mini farm to feed the animals, she saw a naked man sitting around with chickens. "Hoy! Sino ka?!" she asked nervously almost wanting to grab something to defend her. The weird man smirked. "Hindi mo ba ako naki...